Your Ad Here



Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Wednesday, January 14, 2009
Kung anu-ano lang

May bago akong media player (hindi lang mp3 player) -- Creative ZEN. Kung papangalanan ko yan, ZEN lang itatawag ko, parang dun sa Canon S3IS ko, ang pangalan ay Estri.

Two gigabyte version lang ang kinaya ng budget ko, pero expandable naman ang memory nun. Bumili ako ng 8GB SDHC card, yung mura lang. Bale may halos 10GB memory na ang player ko. Marami nang albums yun.

Problema nga lang yung hindi ma-integrate ang laman ng SD card sa Music ng ZEN. Hiwalay na option pa ang pag-access sa laman ng SD card. Minor inconvenience na kaya ko namang balewalain. Siguro.

****

Attempt number 2 tomorrow!




Thursday, January 08, 2009
I'm back

Yeah right, as if anyone cares.

****

Gusto kong magkaroon ng asong Labrador!!!

Baka may nagbebenta diyan?




Saturday, December 20, 2008
"Kaytagal mo mang nawala...



Thursday, December 18, 2008
Bumukol...

...ang right lower shin ko!!! Hindi ko alam kung ano ba ang nasipa ko nung sumablay sa focus pads ang sipa ko -- kung siko o forearm ng trainer ko. Hindi naman siya nasaktan (siyempre, yun pa haha), at tinanong pa ako kung ok lang ba ako. Ok lang naman ako, pero noong tapos na ako saka ko lang nakita na may naka-umbok na sa binti ko. Saka ko naramdamang masakit.

Labo!!!

Wishlist (hybrid!)

Hybrid, dahil may material, may hindi.

Wishlist ko:

- 70-200mm f/2.8 USM IS Canon lens na L series (asa! hahaha)
- sana maging functional na ulit ang bike ko
- upgraded RAM at video card ng PC
- o kaya laptop
- PlayStation™ 3, na may kasamang Tekken 6
- trabaho na naaangkop para sa akin (mapupunta ka rin sa akin sa January)
- mawala ang mga manginginom sa tapat ng bahay namin tuwing gabi
- good health, long life (?)
- PSone (haha)
- sariling sasakyan, kahit yung pinakamurang Kia Picanto (ayoko nung Chery QQ)
- o kung mangangarap lang din naman e yung Ford Focus Sport 2.0 na (asa ulit haha)
- kapayapaan
- wala na akong maisip

Sa mga nailista ko, ang gusto ko talagang matupad sa ngayon ay ang magkaroon ng trabaho, good health, mawala ang mga lasing, at yung bike. Hehe. Gusto kong mag-bike mula Imus papuntang Tagaytay. Harharhar (?). Nangangarap lang naman.

Haaay trabaho. Matapos lang ang 2-week ordeal (?) ko na magsisimula next week ay pwede na ako mag-job hunting ulit. Matagal na akong hindi makakilos dahil sa "ordeal" na darating. Kaunti na lang.




Tuesday, December 09, 2008
Running on a cold Monday morning

Mahirap. Naka-dalawang laps ako (one lap = 0.6km) doon sa tinatakbuhan ko bago ako nagsimulang pawisan nang kaunti. Malamig at malakas ang hangin, lalo na facing east at north dahil pasalubong ang hangin. Naka-jersey at shorts lang ako, kaya lalong naging malamig. Mukha ngang maganda yung Everlast na jacket na nakita ko doon sa SM North. Hmm... nah. Libo presyo nun e.

****

Nasanay na ako sa moderate speed, kaya sinubukan kong bilisan pa kanina. Nakakapagod. Mahirap. Lalo na nung huling lap ko na, binilisan ko na talaga, testing lang. Mas mabilis ng isang minuto ang isang lap sa pagtakbo ko nang mas mabilis.

Habang naglalakad ako pagkatapos ng lap na 'yun ay tinawag ako ng isang matandang babae na nakaupo na nagpapahinga mula sa ehersisyo nila. Tinanong niya kung athlete ba ako, at ang sagot ko ay "Hindi po, nage-exercise lang." Napag-alaman kong 81 years old na pala siya, at naglalaro pa siya ng softball. Tindi! Sa kilos niya, hindi halatang 81 siya dahil maganda pa ang posture at gait niya. Pinayuhan niya ako na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko kahit sa pagtanda para manatiling malakas at hindi kailangang umasa sa wheelchair.

****

May mali nga lang ata sa pagtakbo ko kanina pati noong isang linggo. Nananakit ang arch ng kanang paa ko, samantalang dati naman ay hindi. Hindi ko alam kung bakit. Ngyarrr! Baka ma-injure ako nito.




Sunday, December 07, 2008
Anti-spoiler / The Pacquiao demolition job

May nagtangka pang mang-spoil, buti hindi ako nagbabasa ng text messages habang nanonood ng laban ni Pacquiao. Buti rin hindi ko nailipat sa ABS-CBN noong flash report nila.

****

Ang ganda ng laban, gulpi si De La Hoya. Iba ang Pacquiao na napanood ko kanina. Marunong na dumepensa. Sa mga nakaraang laban niya kasi ay lagi siyang tinatamaan dahil nakababa ang depensa niya madalas. Ang galing din ng strategy at footwork. Pati mga suntok ay sobrang bilis.

****

Mas masayang manood ng boxing match (o kickboxing o MMA), lalo na kung naranasan mo nang gumulpi at magulpi. XD

It's time again

Information not requested, I don't wanna know.

Isolation - it's the way to go.

Locked up inside, still for an undetermined duration

Just shut up, am not hearing anything when it's shown.




Friday, November 21, 2008
Oversleeping?

They say that adults need an average of 8 hours of sleep.

But recently I end up sleeping for around 10-11 hours. I sleep at around 2:00am, and then the next thing I know is that Game KNB? or Wowowee is being shown on TV.

At times I get to wake up at around 9:00AM, but I end up sleeping again.

Eeeek (?). Gotta be more productive.

*practices speed typing and playing Tekken as Julia Chang*




Saturday, November 15, 2008
UFC 91: Randy Couture vs. Brock Lesnar

On Nov. 16, 2008 at 11:00am (PHIL), live on Balls TV!

Paminsan-minsan pala ay may naipapalabas ding maganda ang channel na yun.




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed