Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Tuesday, December 09, 2008
Running on a cold Monday morning

Mahirap. Naka-dalawang laps ako (one lap = 0.6km) doon sa tinatakbuhan ko bago ako nagsimulang pawisan nang kaunti. Malamig at malakas ang hangin, lalo na facing east at north dahil pasalubong ang hangin. Naka-jersey at shorts lang ako, kaya lalong naging malamig. Mukha ngang maganda yung Everlast na jacket na nakita ko doon sa SM North. Hmm... nah. Libo presyo nun e.

****

Nasanay na ako sa moderate speed, kaya sinubukan kong bilisan pa kanina. Nakakapagod. Mahirap. Lalo na nung huling lap ko na, binilisan ko na talaga, testing lang. Mas mabilis ng isang minuto ang isang lap sa pagtakbo ko nang mas mabilis.

Habang naglalakad ako pagkatapos ng lap na 'yun ay tinawag ako ng isang matandang babae na nakaupo na nagpapahinga mula sa ehersisyo nila. Tinanong niya kung athlete ba ako, at ang sagot ko ay "Hindi po, nage-exercise lang." Napag-alaman kong 81 years old na pala siya, at naglalaro pa siya ng softball. Tindi! Sa kilos niya, hindi halatang 81 siya dahil maganda pa ang posture at gait niya. Pinayuhan niya ako na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko kahit sa pagtanda para manatiling malakas at hindi kailangang umasa sa wheelchair.

****

May mali nga lang ata sa pagtakbo ko kanina pati noong isang linggo. Nananakit ang arch ng kanang paa ko, samantalang dati naman ay hindi. Hindi ko alam kung bakit. Ngyarrr! Baka ma-injure ako nito.

Posted at 12/9/2008 2:58:59 am
|  

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed