May bago akong media player (hindi lang mp3 player) -- Creative ZEN.
Kung papangalanan ko yan, ZEN lang itatawag ko, parang dun sa Canon
S3IS ko, ang pangalan ay Estri.
Two gigabyte version lang ang
kinaya ng budget ko, pero expandable naman ang memory nun. Bumili ako
ng 8GB SDHC card, yung mura lang. Bale may halos 10GB memory na ang
player ko. Marami nang albums yun.
Problema nga lang yung hindi
ma-integrate ang laman ng SD card sa Music ng ZEN. Hiwalay na option pa
ang pag-access sa laman ng SD card. Minor inconvenience na kaya ko
namang balewalain. Siguro.
****
Attempt number 2 tomorrow!
Posted at 1/14/2009 10:45:49 pm
|