Kung kelan mahaba na ang blog entry ko saka naman nawalan ng kuryente. *palakpakan*
****
Isang malaking trahedya ang exam ko kanina sa Growth and Development. Hindi ako nakapag-aral nang maayos doon dahil inabot ako ng 12:00 ng hatinggabi bago ako nakapagsimulang mag-review. Natulog ako ng 3:00am, at nagising ako ng 6:00am para manood ng The Simpsons. At hindi na nasundan ang review ko.
Bukas ay exam namin sa Pharmacology. Term exam at unit exam yun. Final term na pero wala pa rin akong naiisip na magandang strategy para makapag-aral akong mabuti para sa subject na to.
Kanina ay inimbita ako ng kaklase ko dati na maki-fiesta sa Imus. Wala lang.
****
Tulad ng lagi kong ginagawa pag patapos na ang sem, aking nilagay sa isang folder ang lahat ng files/documents na significant para sa nagdaang sem. Kahit mga file names pa lang ang nakikita ko, ako ay nao-overwhelm na agad ng emotions, dahil naaalala ko ang mga pinaghirapan kong tapusin para sa sem na to.
Andrama namp*ta...
****
Habang ako ay nasa jeep pauwi na sa amin at tulalang parang tanga, naikumpara ko ang buhay ko noong ako ay bata pa at ang buhay ko ngayon.
KINDERGARTEN (may nabasa ako dati na kinderGARDEN... AMP!!!)
- Gigising ako ng mga 9:00am para kumain, maligo, at magbihis. Dala ko ang aking lunch box at jug na ang laman ay softdrinks.
- May baon din akong Chocolait, at hindi ko talaga makakalimutan ang lasa ng PANIS na Chocolait, na hanggang ngayon ay effective pa rin para ako ay maiyak.
- Ang NACHO ay tinuring kong ELITE na pagkain.
GRADE SCHOOL
- Top 1 ako nung Grade 1, sa kadahilanang nagbubuklat ako ng libro ng Science bago pumasok. Umasenso ako dahil lang dun.
- Gusto kong mag-Friday agad dahil mula Friday hanggang Sunday lang ako pwedeng mag-Family Computer.
- Nakakapanood na ako ng The Simpsons, pero hindi ko naiintindihan ang kwento.
- Ginawa kong pabango ang Green Cross 40% Isopropyl alcohol
- Pinapanood ko ang Sineskwela dahil pakiramdam ko lahat ng kailangan kong malaman para sa school day ay andun na
- May nalalaman pa akong pa-sulat sulat sa isang babae na nabibilang sa ibang section
- PlayStation™ era
- namulat na rin ako sa wrestling, dahil hindi ako pinayagang manood dati dahil violent daw
- feeling mature na ako noong Grade 6
HIGH SCHOOL
- I broke the rule na "Bawal maglaro ng PlayStation™ pag may pasok"
- Nasira ang PlayStation™ ko dahil siguro sa karma
- Hindi ko agad nalaro ang WWF Attitude
- Hindi ko nagustuhan ang 2nd year high school ko
- Gusto ko ang 3rd year high school ko, kahit na medyo nahirapan ako sa buhay nun, lalo na nung ako ay manakawan at masuntok pa sa mukha sa tapat pa mismo ng school namin
- Ang 4th year high school ay gusto ko rin... Wala lang.
COLLEGE
1st year
- Tinutulugan ko lang ang mga assignments
- Ako ay nagp-PlayStation™ 2
- magaan ang buhay
- sobrang gamit na gamit ang WWE Smackdown Shut Your Mouth! at Here Comes the Pain!
- Sexbomb ang buhay ko (?)
- wala akong kaide-ideya sa kung anong gulo pinasok ko...
2nd year
- Anatomy naging pahirap sa buhay
- Uhhh...
- Microbiology mas pahirap sa buhay
- Hindi ako naghanda para sa qualifying exams, pero pumasa ako
- Era ng mall tours at gigs
- Summer classes: parang awkward...
3rd year
- ang tulog ay isang NECESSITY
- hindi na ako makapag-PlayStation™ 2
- hindi na ako makapunta sa mga mall tours at gigs masyado
- umiikot na sa course ko ang buhay ko