Wednesday, October 29, 2008
It was almost within my reach, then I SCREWED UP DURING THE FINAL INTERVIEW. >_<
****
Hindi ko naman iniiwisan ang trabaho, pero ang sitwasyon e parang ang trabaho talaga ang lumalayo sa akin. @_@
Wala na, suko na ako... sa taon na 'to. Next year na ulit, sa January. Ie-enjoy ko muna ang "kalayaan" ko.
Ang mga pwede kong gawin ay:
- Magt-train ako nang matindi (?) sa Muay Thai
- Manonood ng The Simpsons at South Park DVDs
- Mag-practice ng advanced techniques sa Tekken
- Mag-shoot ng mga banda (Paraluman! Huwaaaaaaaaa)
- Maging triathlete (?!)
- Magbasa ng RNotes at review book ni Sir Ray Gapuz
- Maglinis ng kwarto (7% complete pa lang ata sa ngayon)
- Mag-mind training. Effective 'to sa akin dati, nakuha ko agad yung trabaho na hinangad ko dati
Posted at 10/29/2008 11:16:33 pm
|
Permanent link (Permalink)
Saturday, October 25, 2008
...kung ano ang pakiramdam ng masuntok nang malakas sa ulo nang sunud-sunod.
Na-off balance pa ako isang beses. Di ko alam kung dahil sa hilo o natulak lang ako o nagkamali ako ng step.
Hindi naman boxing ang laban, pero puro suntok lang nagamit ko. @_@
Wala naman siguro akong concussion, pero bakit ansakit ng ulo ko ngayon? @_@
Posted at 10/25/2008 11:28:17 pm
|
Permanent link (Permalink)
Wednesday, October 22, 2008
...ang boses ni Valerie Concepcion pag nagho-host sa Wowowee.
No, I'm not watching that show. Yun kasi ang palabas sa TV sa sala, at
naririnig ko dito sa ikalawang palapag ang palabas at ang boses niya.
Hindi naman niya kailangang sumigaw nang ganun para maintindihan. Inpak
(?), lalo siyang hindi maintindihan pag sumisigaw, tapos ganun pa ang
pitch ng boses niya.
Posted at 10/22/2008 12:46:43 pm
|
Permanent link (Permalink)
Very useful comment. @_@
Posted at 10/22/2008 11:29:51 am
|
Permanent link (Permalink)
Sunday, October 19, 2008
Nitong mga nakaraang madaling araw (dahil madaling araw na ako
natutulog) hanggang umaga ay nananaginip ako na NAGTRATRABAHO DAW ULIT
AKO SA PINAGTRATRABAHUHAN KO DATI. O kung hindi naman ganun ay suot ko
raw ulit ang uniform ko dati.
****
Isang beses, nanaginip naman ako na may paniki na sumugod sa screen ng
bintana namin at nakapasok sa bahay namin. At hindi lang yun, may iba
pang hayop sa loob! May wild boar, may ahas, at meron pang isang palaka
na kulay blue at may mga round spots na iba't iba ang kulay. At ang
kwento sa panaginip kong yun, hindi raw yun nakikita ng mga kasama ko
sa bahay. @_@
****
There goes another job offer! *poof*
Posted at 10/19/2008 1:47:08 am
|
Permanent link (Permalink)
Friday, October 17, 2008
Ito ang nagagawa ng trabaho sa malayong lugar 2!
Ang cabinet kong kahoy. Matagal ko nang napapansin na may namumuong
kung ano sa loob. Mukhang alikabok. Hinahayaan ko lang, kasi halos wala
akong oras para linisin yun.
At nito ko lang napansin na AMAG pala yung namumuo. May formation pa
ang ibang amag na parang isang military parade ang nagaganap.
Yan, yan ang nagagawa ng trabaho sa malayong lugar.
[actually, yan ang nagagawa ng katamaran XD]
Posted at 10/17/2008 11:01:49 pm
|
Permanent link (Permalink)
Wednesday, October 15, 2008
*sigh*
[Utak: Sus, ngayon lang yan. Bukas wala na yan.]
('\(=^.^=)/") wrar! (?)
Posted at 10/15/2008 10:26:34 pm
|
Permanent link (Permalink)
Ito ang nagagawa ng trabaho sa malayong lugar
Dahil wala na akong oras dati para sa mga bagay na gusto kong gawin (katulad ng paglalaro ng video games), ang naging resulta ay NATALO AKO NI DAKILANG RYANMAN SA TEKKEN!!! Samantalang dati ay nilalampaso (?) ko siya sa laro na yun. Whew.
Kaya naman habang may oras pa ako ay nagpapaka-bihasa (?) na ako sa Tekken. Di na umuubra ang 10-hit combos ko. Kailangan gamitan ko na rin siya ng air juggle combo! Ngyarrr!!! (?)
Posted at 10/15/2008 3:49:54 pm
|
Permanent link (Permalink)
Wednesday, October 08, 2008
*pinagod ako ni Sir Leonard sa bag work at sa unang tatlong rounds ng pad work*
*bago mag-simula ang 4th round ng pad work*
Sir Leonard: O, ilang minutes ba ang gusto mo? Five? Mabait ako ngayon!
Ako: ...ten! *patay*
Sir Leonard: Ten? Gusto mo? Sige!
Ako: Testing lang! *?*
Natapos
ko naman ang 10 minutes (plus one minute ata yun na "rapid", yung
susuntok nang mabilis left and right walang tigil). Pero pagod na pagod
ako. @_@
****
Isang araw...
Master Ray: Berto, alis na muna kami. Ikaw na muna bahala dito.
Sir Berto: Sige po master.
Master Ray: Berto ba talaga pangalan mo?
Sir Berto: Hindi po.
Master Ray: Ano tunay mong pangalan?
Sir Berto: Paul po.
Master Ray: ...?? Anlayo ah. Paul tapos naging Berto. Bakit naging Berto?
Sir Berto: Yun po ipinangalan sa akin.
@_@
Posted at 10/8/2008 11:38:34 pm
|
Permanent link (Permalink)
Tuesday, October 07, 2008
If you want to play it like a game...
...well, come on, come on, let's play!
****
Let's play the waiting game! Waiting for a job that suits me. @_@
Posted at 10/7/2008 11:30:10 pm
|
Permanent link (Permalink)