|
Thursday, November 13, 2008
I don't understand why these so-called "experts" label Eddy Gordo,
Christie Monteiro and Emily "Lili" Rochefort as cheap characters. They
call them cheap because beginners can use these characters and actually
beat the "experts". They say that just by button mashing with Eddy or
Christie, beginners could string powerful combos. Lili, on the other
hand, is labelled as someone having attacks "too powerful for her size".
Heck, these experts even ban (or kick out of the room) online players who use Eddy, Christie or Lili.
If they are really experts, then they could have beaten these
beginners, since they have lots of Tekken experience to begin with.
What a sorry excuse for their lack of skill.
*Note: I do not play online, so I'm not referring to myself as the one getting banned or kicked out.
Posted at 11/13/2008 11:56:32 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, November 11, 2008
Antok na antok na ako ng mga bandang 1:00am at dapat ay matutulog na
ako, nang biglang nakita ko sa Myx si VJ Bianca. Kras ko yun! Ganda
niya e. Kaya naman inabot na ako ng past 2:00am dahil tinapos ko pa
talaga ang show na yun.
Kasama
niya doon sina VJ Chino (kapatid ni Champ ng Hale) at VJ Cerah.
Bias-free comment: Hindi ako natutuwa sa VJ-ing ni Chino. Parang walang
dating. At nagjo-joke nga siya, pero imbis na matuwa ako e sa 'di
malamang dahilan ay naiirita lang ako.
Pero kahit ganun, ok lang, andun naman si Bianca. I want to meet her! Huwaaaaaa (???)
Posted at 11/11/2008 11:05:31 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, November 09, 2008
Noong nasa 1st year high school ako ay tinuruan kami ng typing sa
typewriter. Kailangan ng matinding pwersa para mapindot ang keys noon,
kaya naman index finger lang ang madalas kong gamitin sa drills, dahil
parang mababali lang ang ibang mga daliri ko kung isasama ko pa ang mga
yun.
First year college naman ako noong una akong magkaroon ng
sariling personal computer (sarili na, personal pa!). Doon din ako
natutong mag-type dahil sa kakagamit ng Yahoo! Messenger. Mabagal ako
mag-type noong simula, pero nang tumagal ay bumilis na rin. Hindi ko
sinunod ang tamang paraan ng typing, pero effective naman ang ginagawa
ko kaya hinayaan ko lang.
At ngayon ay pinag-aaralan ko na kung
paano mag-type nang tama. Touch typing kung tawagin. At sobrang
nahihirapan ako, dahil kailangan kong isantabi ang natutunan kong
idiosyncratic typing style para matutunan ang tamang paraan. Kaya naman
sa mula sa mabilis na typing, balik ulit ako sa mabagal. Marami rin
akong typing errors ngayon, dahil hindi pa sanay ang mga daliri ko.
Pero
impeyrnes (?!), mabilis ang progress ko. Tatlong araw pa lang ata ako
nagpa-practice, at bumilis ang typing speed ko kumpara noong unang
subok ko. Pero mabagal pa rin kumpara dati.
Mahirap i-unlearn ang natutunan ko sa loob ng maraming taon.
Posted at 11/9/2008 10:04:40 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, November 07, 2008
Alam ko nang bawal ang PET bottles sa loob ng venue. Nakasulat naman yun doon sa listahan ng mga bawal. At...
aba, matapos kumpiskahin ng mga bouncer ang mga bote na makita nila,
nadatnan ko na lang na MAY MGA NAGBEBENTA NG BOTTLED WATER SA LOOB NG
VENUE!!! ****
Isa pa, pre-Myx Mo! naman. Sa
Baclaran ako sumakay ng cab na papuntang Mall of Asia. Wala pa raw
rollback sa kanila, kaya P8.50 ang pamasahe. Hindi na ako umangal.
Nagbayad ako ng P10. Ang sukli sa akin? P1 at isang Mentos! @_@ Hahahahahahahahamp.
Posted at 11/7/2008 11:02:39 pm
| Permanent link (Permalink)
Joke, in a negative way. Yung tipong nakakainis, nakakagalit, nakaka-bad trip. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko, pero pumunta ako sa Myx Mo, kahit na nagda-dalawang isip ako. Gusto ko na ngang mag-back out habang nakapila ako sa entrance, pero inisip ko na "Andito na rin naman ako. Itutuloy ko na hanggang dulo ng walang hanggan!" sabay sugod (?). Bawal daw ang mga plastic na bote sa loob. May dala pa naman akong plastic na bote na mas matigas pa sa PET bottles na ginagamit sa mga bottled water. Ayokong mawalay sa boteng yun, kaya lalo akong nag-dalawang isip. Noong pinapasok kami, in-inspect ng mga nakadilaw na bouncer ang mga bag namin. Nanghipo din ng pwet, may kasama pa atang pisil yun. Bawal nga pala ang PROFESSIONAL VIDEO CAMERAS. Tutal wala naman akong ganun, bote ko lang ang inalala ko. Nakita nga pala ng bouncer yung dSLR camera ko. Hinawakan pa yung lens, at pinapasok naman ako. Nasa loob na ako. Andami pa ring mga black men kahit sa VIP area. Dapat ata press pass ang meron ako para talagang hiwalay. Medyo matagal nagsimula. Antaas ng stage masyado, nasa pinakalikod ang mga magpe-perform, tapos may tela pa na nakaharang sa may harap. Lalo tuloy hindi makita ang performers. What the hell?! Noong pangalawang banda na, parang pamilyar sa akin ang nakita ko habang nagse-set up sila. Then it hit me -- they're Paraluman! Wooooooo! :x (?) Nilabas ko na ang camera ko. Kaharap ko ang bouncers (dalawa sila) habang nagpipicture ako. Nang tumagal ay umalis na ako sa pwesto ko, lumipat sa likod. At nakita ko rin si Romagne. Matapos ng ilang saglit ay naisipan kong lumabas saglit dahil nasa labas si Kuyang Basa. At noong papasok na ulit ako dapat (may tatak na ako sa braso), pinigilan ako ng bouncers at kailangan daw ng ticket ulit. Sabi ko may tatak na ako, pero kailangan pa rin daw ng ticket (tangina?!). Pinakita ko ticket ko, at in-inspect nila ulit ang bag ko. Bouncer: *kapa ng bag* Ano 'to? Ako: *binuksan ang bag* Bouncer: *tiningnan ang camera* Bawal 'to. Ako: ????????? Ako: Hindi naman video camera yan. Bouncer: Bawal pa rin. Ako: E bakit kanina nakapasok ako? Bouncer: Saan kayo dumaan? Ako: Dito! Nakita nga yan at hinawakan pa e! Bouncer: O? Ako: ???? Bouncer: Bawal 'to. Ako: E hindi nga video camera yan! Bouncer: Sandali lang ha. *tinawag ang Event Marshal* Event Marshal: Bawal 'to. Ako: Hindi to video camera! Ang sabi e PROFESSIONAL VIDEO CAMERAS ang bawal! Event Marshal: Pang-prupisyunal 'to. Bawal. Ako: E hindi nga 'to video camera!!!!! Event Marshal: Pang-prupisyunal nga 'to. Basahin niyo pa doon *turo*, bawal ang mga pang-prupisyunal! Ako: *binasa, at bumalik* Ako: Ang nakalagay dun, PROFESSIONAL VIDEO CAMERAS ang bawal, hindi PROFESSIONAL CAMERAS AND VIDEO CAMERAS!!! Tingnan niyo pa, puro picture lang andito! Wala namang video 'to!!! Event Marshal: .... Event Marshal: Sandali lang ho ha, itatanong ko muna. Event Marshal: *biglang nawala* Ako: *umalis na* Kung bawal ang camera ko, bakit hindi pumalag yung dalawang bouncers sa harap ko noong kumukuha ako?!
Posted at 11/7/2008 11:57:50 am
| Permanent link (Permalink)
Thursday, November 06, 2008
Habang nasa bus (boose) ako kanina ay may tumabi sa akin na mag-shuta.
Umurong lang ako at balik sa pagmumuni-muni habang nakikinig sa album
ni Marie Digby. Bigla kong napansin na madaldal yung katabi ko
na babae. Kausap niya yung shuta niya. Anlakas ng boses. Hindi ko
gustong marinig ang usapan nila, pero dahil kanta ni Marie Digby ang
pinakikinggan ko, hindi na-overpower ng pinakikinggan ko ang boses ng
katabi ko. Sinubukan ko pang mag-concentrate at sundan na lang ang
naririnig kong kanta, kaso nakaka-distract talaga yung babae. Ilang
minuto pa ang lumipas ay nalaman kong nag-aaway pala yung dalawa. Ay,
mali. Inaaway pala nung babae yung lalaki (dahil walang imik yung
lalaki). Tuluy-tuloy ang daldal ng babae, kaya pinalitan ko agad ang
tugtog sa mp3 player ko ng maingay. Effective naman, kaso may tracks
din o portions ng kanta na biglang hihina, at maririnig ko na naman ang
pang-aaway ng babae sa lalaki. At hindi lang verbal assault ang
nangyari. May physical assault din. Sinuntok ng katabi kong babae ang
kasama niyang lalaki. Medyo nasisiko nga ako pag bubuwelo ng suntok
yung babae. Kasabay ng mga suntok ay ang patuloy na pagdadakdak. Kung sino man kayo
-- Puta naman, wala akong pakialam sa away niyo, pero, puta naman (?),
mahiya naman kayo!!! Audience niyo ang lahat ng pasahero sa bus sa
tindi ng palabas niyo!!!****
Sennheiser
MX-360. Sabi ng kaibigan ko, maganda raw yun. Edi yun, tulad ng dati
(amp!), naki-gaya ako (katulad ng paggaya ng bag niya, ng bag ng isa ko
pang kaibigan, ng paggawa ng blog, etc.). Bumili rin ako, sa halagang
P715.00. Di hamak na mas mura sa walang kwentang original iPod
earphones. At... bulaga! (?) Maganda nga!!! Kaya bili na!!! (amp) Bad
trip nga lang, dahil walang custom equalizer ang iPod. Tangina nila
(?). Pero kahit ganun, maganda pa rin ang Sennheiser MX-360! Nag-shift
na ang loyalty ko mula A4tech papuntang Sennheiser. (amp!) ****
Barack Obama wins. Flawless victory. (?)
Posted at 11/6/2008 12:07:35 am
| Permanent link (Permalink)
Saturday, November 01, 2008
Scenario: Nagaabang sa Bacoor ng bus papuntang Lawton
At siyempre hindi agad dumating ang bus na hinihintay, dahil sa kabobohan
teknik ng mga traffic enforcers sa Cavite na tinatawag na "buhos
system", kahit alas-dos pa lang ng hapon. Ilang minuto pa ay may
dumating na ring bus.
Ako: "Puno ba?" Dustin: *siguro nag-isip ng "Aba ewan ko, nakasakay ba ako sa loob?!"* "Ano, sasakay ba tayo?" Ako: "Uh..." Konduktor ng bus: "Makakaupo pa kayo!" Ako: "Makakaupo daw o..." *sumakay kami* *isang upuan
lang pala ang bakante, na ibinigay na lang sa isang matandang lalaki na
tinawag ni Dustin na "lolo" kahit hindi niya naman lolo (at nag-react
agad ako ng "...lolo mo siya?!" sabay tawa, at tinawag namang "tatay" ng konduktor, na baka tatay nga niya* Ako: (kunwaring kausap ang konduktor) "Makakaupo pala ha... tingnan natin mamaya kung sino ang mapapaupo!"
Uh, p*tang inang mga konduktor ng <pangalan ng bus company> yan
And oh, I forgot. Nakaupo nga kami, pero sa Baclaran na. @_@
Posted at 11/1/2008 12:45:52 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, October 29, 2008
It was almost within my reach, then I SCREWED UP DURING THE FINAL INTERVIEW. >_<
****
Hindi ko naman iniiwisan ang trabaho, pero ang sitwasyon e parang ang trabaho talaga ang lumalayo sa akin. @_@
Wala na, suko na ako... sa taon na 'to. Next year na ulit, sa January. Ie-enjoy ko muna ang "kalayaan" ko.
Ang mga pwede kong gawin ay:
- Magt-train ako nang matindi (?) sa Muay Thai
- Manonood ng The Simpsons at South Park DVDs
- Mag-practice ng advanced techniques sa Tekken
- Mag-shoot ng mga banda (Paraluman! Huwaaaaaaaaa)
- Maging triathlete (?!)
- Magbasa ng RNotes at review book ni Sir Ray Gapuz
- Maglinis ng kwarto (7% complete pa lang ata sa ngayon)
- Mag-mind training. Effective 'to sa akin dati, nakuha ko agad yung trabaho na hinangad ko dati
Posted at 10/29/2008 11:16:33 pm
| Permanent link (Permalink)
Saturday, October 25, 2008
...kung ano ang pakiramdam ng masuntok nang malakas sa ulo nang sunud-sunod.
Na-off balance pa ako isang beses. Di ko alam kung dahil sa hilo o natulak lang ako o nagkamali ako ng step.
Hindi naman boxing ang laban, pero puro suntok lang nagamit ko. @_@
Wala naman siguro akong concussion, pero bakit ansakit ng ulo ko ngayon? @_@
Posted at 10/25/2008 11:28:17 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, October 22, 2008
...ang boses ni Valerie Concepcion pag nagho-host sa Wowowee.
No, I'm not watching that show. Yun kasi ang palabas sa TV sa sala, at
naririnig ko dito sa ikalawang palapag ang palabas at ang boses niya.
Hindi naman niya kailangang sumigaw nang ganun para maintindihan. Inpak
(?), lalo siyang hindi maintindihan pag sumisigaw, tapos ganun pa ang
pitch ng boses niya.
Posted at 10/22/2008 12:46:43 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|