Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Saturday, December 31, 2005
Untitled ang title nito

December 31, 2005.

Huling araw na ng taon.

Makagawa nga ng isang tala ng aking mga hindi makakalimutang karanasan at napagdaanan sa loob ng taong 2005.  SANS THE BITTERNESS!  Hahaha...

JANUARY

    2nd year college pa lang ako nito ah...

FEBRUARY

    Um-attend ako ng debut ng aking kaklase.  Ang venue ay sa Trece Martires, Cavite.  Hindi ko alam ang exact location kaya sabi ko sa konduktor ng bus na ibaba ako sa lugar na iyon.  At ang nangyari ay lumampas ako sa venue.  Binigyan na lang ako ng konduktor ng limang piso bago bumaba as consolation.  Ang binabaan ko nga pala ay madilim, at parang may mga adik na nakatago sa likod ng mga matataas na talahib. (teka ano nga ba ang "talahib"?)

    Na-adik ako sa gigs ng sessiOnroad sa mga panahong ito.

    Sa isang pagkakataon ay pumunta akong ROBINSONS GALLERIA upang panoorin ang sessiOnroad.  Pagkatapos ng gig nila doon ay tumungo naman akong SILANG, CAVITE para kay Kitchie.

    Sa kasamaang palad ay 2nd to the last song na ang naabutan ko sa gig ni Kitchie.

    Mula Galleria papuntang Silang...  Tama ba naman yun?!

MARCH

    Qualifying exams.  Ang bumagsak ay matatanggal na sa paaralan ng De La Salle - Health Sciences Campus.  Bukod pa ito sa requirement na Grade Point Average na 80 pataas at ang requirement na 80 pataas na grade para sa subjects na Health Care at Microbiology.

    Ang qualifying exams na ito ay binubuo ng halos lahat ng mga subjects na kinuha namin mula 1st year college namin doon.  At hindi ako nag-review, kahit na kasama ang Anatomy and Physiology, Microbiology at Health Care sa nasabing exam.  Pero pumasa pa rin ako.  At hindi ko tatanggapin ang dahilan na kaya pumasa ako ay dahil nerd ako.  No.

APRIL

    Summer classes.  Ang una naming subject ay Nutrition and Diet Therapy na kinuha namin for 2 weeks.  Ang unang 4 na araw ay para sa lecture, at ang 5th day ay para sa midterm exam.  The following week ay 3 days lecture, at sa last day ay final exam.

    Isa pang subject namin ang Fundamentals of Nursing (also known as Nursing Foundations with Drugs and Solutions).  Hanggang 2nd week ng May namin kinuha ang subject na ito.

    At ako ay nag-enroll sa driving school.

MAY

    Natapos na namin ang Fundamentals of Nursing.  Natapos na rin ang aking driving lessons.

    Natutunan kong dapat mabagal lang pag liliko sa mga kanto.

    Woohoo.  Nood ng sessiOnroad sa Glorietta at sa SM Sucat (sa magkahiwalay na okasyon).

    Pumunta kami ng Cebu pagkatapos ng aking summer classes upang magbakasyon.  At NAKABILI NA RIN AKO NG GITARA sa wakas.

JUNE

    Dahil may gitara na ako, nakakapag-practice na ako.  Guitar chord chart sa Popsicle, mataas na pain tolerance at pasensya ang aking mga naging puhunan.  Nagsimula ako from scratch, dahil wala talaga akong kaalam-alam sa gitara.  Well, actually meron na.  Solo part ng "Leaving You" at ang G chord.  Yun lang.

    Simula na ulit ng pasukan.  At nagsimula na rin ang duty sa hospital at iba pang areas.

JULY

    May tinatawag na "commitment ceremony" na naganap.  Tinatawag din itong "capping and pinning ceremony" para sa mga nursing students.

AUGUST

    Duty sa OR (operating room).  Ako ang unang isinalang sa death row.  Nagbunutan pa man din, tapos mababalewala rin dahil na-pinpoint ako.  Oo, pinpoint.  Kung ano man yun.

SEPTEMBER

    Duty sa community health center.  At hindi ako at home doon.  Kasi, hindi naman yun ang home ko.

    May binuong banda ang aming grupo sa duty.  Ako ang lead guitarist.  Yeah.  Kunwari ang galing ko na.

    Pero hindi nakatugtog ang aming banda sa MAD Festival ng aming school (kung saan may showcase ng mga talents - kasama ang bands) dahil sa miskomunikasyon sa mga organizers, sa organized at organizees. (?)

OCTOBER

    Ah oo.  Yung play naming "The Offer".  Nagkasamaan pa nga ng loob bago pinresent yung play sa stage.

    Demonyo ako dun.  Tapos may anghel.  Tapos... wala na.

    Sem break.  May occasional practices ng banda, dahil balak namin tumugtog para sa upcoming concert ng Spongecola at Sugarfree (original lineup) sa November.

NOVEMBER

    Second sem na.  Woohoo duty sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires, Cavite.  Napag-initan ako ng mga staff nang isang beses ay nag-prisinta akong ako na ang gagawa ng skin preparation at catheterization sa pasyenteng ooperahan.

    Na-move ang date ng concert.

DECEMBER

    Nursing case study = hell.

    Case presentation = hell.  Raised to the 100,000,000th power. (nge corny)

    Napalitan ang lineup ng magpe-perform sa concert.  Hindi pwede ang Spongecola, at napalitan ng Moonstar88.

    Umalis ako sa banda.  Pero tumugtog ang dati kong mga ka-banda.

    At bakasyon na.

****

HAPPY NEW YEAR!!!
   






Friday, December 30, 2005
Blumun

Yehey!!!

Hindi na ako 6:00am natulog kanina...

dahil hanggang ngayon ay gising pa ako mula kahapon.

****

Yeah.  YELLOW CAB.  Doon sa Tagaytay.  Kumain kami ng aking mga high school classmates doon.  Doon sa kung saan ang pagkain ay sobrang mamantika, sobrang alat, at sobrang mahal.  Biruin mo (you joke), ang isang lata ng Coke Light ay nagkakahalaga ng P27.

Naalala ko tuloy ang Yellow Cab sa Alabang. *sniff*

****

Pag tinotopak nga naman ang tao (specifically ako), kung anu-ano ang nagagawa.

Tulad ng pag-gaya sa mga characters sa Resident Evil games na kahit patakbuhin mo sa dingding ay tuluy-tuloy pa rin ang takbo.

Ng pag-attempt na kumanta sa videoke ng "Blue Moon".

Ng pagtambay sa may Burger Machine sa labas mula past 12:00 midnight hanggang past 3:30am.

****

Nakanood pa ako ng Simpsons kanina dahil hindi ako nakapanood kagabi... kahit hindi ko bahay ang kinaroroonan ko at lalong hindi ko TV ang ginamit.

****

May kasabihang "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."

Sinubukan ko ang kasabihang ito kung ito nga ay totoo.

Mula sa aking kinalalagyan (Point A), tumungo ako sa aking destinasyon (Point B, na mga 2 metro ang layo sa akin) nang hindi lumilingon sa Point A.  At... hindi ko nga narating (?).




Thursday, December 29, 2005
Zzzzzzz

Taenang trivia yan sa mIRC.

Q: Anong puno ang hindi pwedeng akyatin?
A: nakatumbang puno

AMP!!!

****

Ang haba ng dati kong tinype dito kaya iiklian ko na lang.

Nag-treadmill ako kanina, for a total of 30 minutes.  Isang malaking pahirap.

Yehey.  PWEDE NA AKONG KUMAIN NANG MARAMI MAMAYA!!!




Wednesday, December 28, 2005
Rip off (?) / RIP

Ang mga sumusunod na kanta ay natawag na "rip off":
  • "Pinoy Ako" by Orange and Lemons (rip off daw ng "Chandeliers" ng Cure)
  • "Leaving You" by sessiOnroad (rip off daw ng "Garmonbozia" ng Superdrag)
  • "Stay" by Cueshe (rip off daw ng "The Greatest View" ng Silverchair)

Matagal nang issue to, pero ngayon ko lang naisipang suriin ang issue na ito myself.

Unfortunately, "Chandeliers" lang ang na-download ko.  At oo, katunog na katunog nga nun ang "Pinoy Ako."  AMP.

Intro lang ng "Garmonbozia" ang narinig ko, at may pagkakatulad nga sa "Leaving You", pero hindi ko pa naririnig nang buo ang kanta.

At hindi ko pa naririnig ang "The Greatest View."

****

SHIT!!! (according to Bob Ong, mali ang pagbigkas nito nang "Siyeeehhht!" dahil itong word na ito ay ginagamit kapag ikaw ay nagagalit o may anumang matinding emosyon, at hindi malamyang "Siyeeeehhhht!").

Next week ay pasukan na.  Ibig sabihin, balik buhay estudyante na naman.

Nursing case study.  Pre-tests.  Mid-tests/Intra-tests.  Post-tests.  Requirements.  Recitation.  Puyat.  Pagod.  Antok.  Startalk. (?)

Endorsement (ng patients).  Bedside rounds.  Morning care.  Drug study.  Medication administration.  Tube feeding.  Interview para sa nursing case study.  SOAPIE at charting.

Malapit na matapos ang bakasyon, pero hindi ko pa nagagawa ang mga gusto kong gawin ngayong bakasyon tulad ng:
  • kapain ang mga lead parts ng mga kanta
  • mag-exercise hindi para pumayat kundi para... humaba ang buhay.
  • manood ng gigs
  • tumugtog sa gig (yeah right)
Di pa rin ako makapaniwala na nursing ang course na kinuha ko. (?)  Di ko ma-imagine ang sarili ko na nagtratrabaho sa ospital.  Kino-consider ko pa rin ang option na mag-shift ng kurso kahit na nasa 3rd year na ako ngayon.


....

May narinig akong umuungol kanina.  Malakas ang tunog.  At mukhang sa sala namin nanggaling, na parang umiiyak, binabangungot o parang nasa isang distressing na sitwasyon.  Pinatay ko sandali ang winamp para mapakinggang mabuti.  Narinig ko ulit ang boses.  Boses ng babae.  Kinabahan ako kasi baka iyon ay ang aking inay at baka kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Bumaba ako.  Tiningnan ko ang aking inay.  Tulog naman siya, humahagok pa.

At hindi ko na narinig ang boses.

WTF? (kicked by X)

ANO TO??!!

Pagbukas ko ng aking e-mail account, may dalawang bagong messages akong natanggap.

From: RO Administrator
Subject: "Ragnarok Registration Successful"

From: Level Up! Community
Subject: "Welcome to the world of Philippine Ragnarok Online (pRO)!"

E HINDI NAMAN AKO NAGLALARO NG RAGNAROK NA YAN???!!!

Mabuti na lang at nasa good mood ako, salamat sa HERSHEY'S DARK CHOCOLATE.  Hahaha...?






Tuesday, December 27, 2005
Hirkamsdamane (hirwigo)

Money.  Pera.  Datung (amp).

Wala ako nito ngayon.

Well technically, meron ako...  Pero sa dinami-rami ng mga gusto kong bilhin, pwede na ring masabing wala akong pera.

Mga gusto kong bilhin:
  • malinaw na monitor (tsk...)
  • iPod
  • 80GB na hard disk na compatible sa motherboard ko
  • magandang sound card
  • electric guitar (long overdue)
  • Nokia 1110 (anti-colored phones pa rin ako)
  • speakers para sa PC na to
  • Ford Focus
  • Honda Jazz
  • Mazda6
NOTE:  Ang mga nabanggit sa itaas ay mga gusto ko lang bilhin, pero wala akong sinabing bibilhin ko (wala naman akong pambili e)

At ang mga kailangan kong bilhin:
  • ticket para sa RAW Tour (necessity - like water, like breath, like rain)
  • Jumbo Hot Pepper
  • FHM 2006 calendar featuring Katrina Halili [(necessity ulit - like water, like breath, like rain [teka bakit kasama rain dun?)]
Mga gastusing sana ay hindi na lang nag-eexist:
  • pambayad sa handouts (yeah.  hindi ko rin naman binabasa)
  • pambayad sa class fund
  • pambayad sa drayber ng dyip (Manong ibalik niyo sukli kong piso!!!)
  • pambayad sa pina-print (kasi naman e... meron namang tig-P3/page na print sa labas... bakit dun pa sa P5/page nagpa-print?!?!)
  • pambayad sa exam (yeah)
  • at iba pa (kunwari marami pa akong naiisip pero wala na talaga)





Monday, December 26, 2005
Scarcity

"Kailangan nating maging resourceful dahil...?"

"...dahil kulang tayo sa resources."

Scarcity.  Dahil sa scarce ang ating resources, kailangang maging resourceful.  Makes sense.

At dahil wala akong maisip na mailagay sa blog ngayon (scarcity), gagayahin ko naman ang entry ni Bhen.

What:  RAW LIVE TOUR

When:  Feb. 24, 2006 (Friday) 6:00pm / Feb. 25, 2006 (Saturday) 4:00pm

Where:  Araneta Coliseum

Why:  para kumita ng pera

Match line-up:

John Cena vs. Kurt Angle vs. Triple H in a 3-way title match in a STEEL CAGE with Mick Foley as special referee

Shawn Michaels and Ric Flair vs. Edge (Lita) and Chris Masters in a tag team match

Big Show and Kane vs. Snitsky and Tyson Tomko in a tag team match

Shelton Benjamin vs. Carlito

Chavo Guerrero vs. Trevor Murdoch

Trish Stratus vs. Torrie Wilson for the WWE Women's Championship

Viscera vs. Lance Cade


Ticket prices:

P10,440: Ringside (reserved seats)
P 5,220: Patron (1st 3 rows, reserved seats)
P 3,654: Patron (succeeding rows, reserved seats)
P 3,446: Lower box (reserved seats)
P 2,088: Upper box A (reserved seats)
P 940: Upper box B (free seats)
P 418: General admission (free seats)

Visit www.ticketnet.com.ph for details and reservation

Adobeng manok

It's 5:34:29AM.  Dapat ay kanina pa ako tulog, pero sisikat nang muli ang ating araw at gising pa ako.  Ako si Pochoy.  Anyway, matutulog na sana ako, kaso naisip ko may The Simpsons mamayang alas-sais.

At ngayon ko lang nalaman na ang "wd" pala ay "well done".

Akala ko ay napapamura ang mga nakakalaban ko sa trivia channels sa mIRC pag nauunahan ko silang sumagot.

"Wat da pak?!"

Well done pala.

AMP!!!

****

ADOBENG MANOK

Bow.




Sunday, December 25, 2005
Mga reklamo

Nainggit ako kay Aaron kaya gagawa rin ako ng entry tungkol sa mga reklamo.

Pero bago yan, tumayo tayo at awitin ang pang-gansang awit.

Illegal logging
Ang liwanag sa paligid
At ang tinig
Na sa akin nagsasabing...

Ok tama na.

  • Bakit ang optical mouse, tinawag na ganun, e hindi ko naman pala magagamit sa mata ko??
  • Seryoso ako.
  • Langyang optical mouse to.  This was supposed to make my life easier.  Pero nagloloko ata ang p*ta.
  • Anlaki nga ng monitor na pinalit sa nasira kong monitor, kaso DANGLABO naman nung gitna.  Napaglumaan na naman ang gamit ko.
  • Bakit si Santa Claus, tinawag na Santa e lalaki naman siya?
  • Napakarami kong natatanggap na messages sa aking cellphone.  Mga forwarded eklavu.  Oo, eklavu, kung anuman yun. (Aaron ano ba yun?)  At may isang ulul na text nang text na halatang walang magawa sa buhay kundi magpaka-ulul.  Hoy ulul, isa kang ulul!!!  ULUL!!!!!
  • Bakit hindi pa kami naa-assign sa delivery room?!?!?!?
  • What you gonna do with all that junk all that junk inside that trunK?
  • DANGLAMIG na ngayong mga panahon na to EH.  Kaya isang beses ay nagising ako sa aking pagtulog, dahil sa sobrang ginaw at sa gutom na rin.  Kaya ang ginawa ko ay kumain ako ng Em-Em (M&M's) na may 800+ kilojoules ng energy.
Illegal logging ang liwanag sa paligid...




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed