Makagawa nga ng recap ng mga memorable memories na nasa memory ko. Ulit. (ganyan din ang sinabi ko last year)
JANUARY 2007
Pagkatapos na pagkatapos ng Christmas vacation ay community immersion na sa Amadeo, Cavite! Wooo! At pagkatapos ng rotation na yun ay buhay supervisor naman, kasama ko si Romy (kamukha niya yung lalaking bida sa My Sassy Girl).
FEBRUARY 2007
Malungkot ang Valentine's (?)
Sa buwan na ito natapos ang aming mga lecture sa classroom at mga duty, kaya maluwag na. Yey.
MARCH 2007
Naghahabol ng cases para sa application sa PRC. Ang hirap. Ansaklap. Ambigat sa loob. Habang nasa bahay ang iba kong mga kamag-aral, ako ay nagdu-duty para lang makakumpleto. Isang beses nga ay nag-16 hours duty ako, na tunganga lang ang ginawa ko. MAHIRAP YUN!
At nagkaroon na ako ng Canon PowerShot S3IS!
APRIL 2007
Simula na ng review para sa local board exams. May punto na umalis ang aking mga kapamilya papuntang Cebu, at naiwan ako dito sa Kabite.
Ito rin ang panahon na nagsimula ang Dark Ages ng buhay ko.
MAY 2007
Tumindi ang Dark Ages!
JUNE 2007
Local board exams. Bum ako. At Dark Ages pa rin.
JULY 2007
Dark Ages, but I saw the light! Yey! Hahahahahaha
AUGUST 2007
Red Cross training. Masaya ang training, lalo na't walang nananakal hahahaha. Lumabas na rin ang resulta ng board exams.
SEPTEMBER 2007
Pumunta kami ng Cebu.
OCTOBER 2007
Oath taking. Dapat ay magsisimula na rin ako mag-training sa PKDF, kaso dahil sa mga kadahilanang, uh, yun. Pero mabuti na rin yun, dahil nadiskubre ko ang musika ni Lala.
NOVEMBER 2007
Training sa PKDF! At hindi lang yan pandagdag sa credentials! XD
Music Match (Tomas Morato) = huge financial damage!
At akala
ko nakatipid na ako sa pamasahe sa pamamagitan ng paglalakad mula
EDSA-Quezon Avenue hanggang sa Tomas Morato (lampas ng Boy Scout
Rotonda pag galing ABS-CBN compound).
Nangutang pa tuloy ako para lang makakain at makauwi kinaumagahan.
Hindi dahil sa tinatamad ako. May pinagkakaabalahan kasi ako ngayon na
kinakailangan ang aking buong atensyon at oras, at ito ay para sa
ikabubuti ko. Sayang naman kung hindi ko maitotodo ang potensyal ng
pinagkakaabalahan kong ito -- na makakatulong din sa akin sa magiging
trabaho ko, at sa ibang bagay pa, tulad ng paglaho ng galit ko sa kanya mga emosyong walang idinudulot na mabuti sa akin.
****
Pero kung mabigyan ako ng trabaho ngayon, sayang naman kung tatanggihan ko. Ang hirap pa man din maghanapbuhay ngayon.
NAPAKARAMING nurse sa Pilipinas, pero UNDERSTAFFED ang mga ospital, at
AYAW PA NILANG MAG-HIRE NG MAS MARAMING NURSE. Bakit ganun? Gago ba
them?! (amp)
May "brain drain" daw dahil maraming nurse ang umaalis ng bansa. Pero
bakit maraming nurse sa Pilipinas na walang trabaho? Dahil kulang sa
mapagtatrabahuhan! Walang employer!
At ang susuwelduhin ng mga nurse na ito ay napakaliit. Kung minsan pa
ay mas mababa pa sa minimum wage ang sweldo, pero walang magawa ang mga
nurse. Hindi madali ang trabaho ng isang nurse, pero ang sweldo ay
napakaliit. Mas mataas pa talaga ang sweldo ng mga nasa call center,
media, mga business offices at kung saan-saan pa.
Hindi lahat ng nurse, kaya na magtrabaho alang-alang lamang sa serbisyo
sa kapwa. May mga gastusin din ang mga nurse. At sa baba ng sweldong
natatanggap ng mga nurse, masisisi niyo ba sila kung naisin nilang
umalis ng bansa at magtrabaho sa ibayong dagat kung saan mas malaki ang
sahod?
Tapos na ang hemodialysis training ko, kaya ano na gagawin ko ngayon?
Tutunganga na naman ba ako? Magu-undergo ng panibagong training [kahit
na hindi naman significant sa gusto kong maging trabaho]? Magbebeyk? XD
Kaya naman kahapon ay (in order)...
Pumunta ako ng Jose P. Rizal Hospital and National Medical Research Center
sa Dasmariņas, Cavite upang magpasa ng letter of permission para doon
ako mag-kumpleto ng mga cases ko para makakuha ng license bilang isang
IV (intravenous) therapist. Pagka-pasa ko ng letter, hinanapan ata ako
ng scrub suit, gusto na ako pagduty-hin on the spot. Pero kinabukasan
na lang ako nagsimula.
Pumunta ako sa PRC,
upang ibigay sa kanila ang Verification of Licensure na kailangan para
sa aking CES (Credentials Evaluation Service) report na isang
requirement para makapag-NCLEX. Nagbayad na rin ako ng limpak-limpak na
salapi para ipadala ng Aboitiz-2GO sa Estados Unidos ang nasabing
dokumento.
Pumunta ako sa Phil. Kidney Dialysis Foundation
upang kunin ang aking clearance at certificate, at nagpasa na rin ako
ng resume kasama ang mga credentials ko. Pero ang isa sa mga
pinakamahalagang dokumento ay nakalimutan kong isama -- ang transcript
of records. >_<
Pumunta ako sa Phil. Heart Center
kasama ang ilan sa mga co-trainees ko upang magpa-member sa Renal
Nurses Association of the Philippines o ReNAP. Nagbayad na naman.
Sumama ako sa ilang co-trainees ko dahil kakain daw sila sa Ayala.
Ang isa sa kanila, binigyan ako ng 'regalo' -- isang tower ng San
Miguel Draft beer (?), kahit na sa mga panahong iyon ay ayokong uminom,
dahil na rin sa may duty pa ako kinabukasan. Kaya ayun, nakatulog ako
sa van pauwi. Laking gulat ko nang paggising ko ay nasa may SM Bacoor
na ako. Inabot ng mga 10 segundo bago ko nalaman kung nasaan ako.
****
Duty sa JP! Naka-green scrub suit ako...
... pareho tuloy kami ng uniform ng mga empleyado doon na nagtutulak ng wheelchair at stretcher! >_<
I discovered this beautiful and very talented girl on YouTube by
accident. She's already famous on the net -- just check out how many
views her videos get.
Ang pagbabalik sa bahay ni Big Tita, katapusan ng hemodialysis training, etc.
ANG PAGBABALIK SA BAHAY NI BIG TITA
Ang aking training sa Phil. Kidney Dialysis Foundation (PKDF) ay nagsisimula ng 9:00am. Umalis ako sa amin noong Lunes ng 6:00am. At anong oras ako nakarating sa PKDF? 9:05am. AAAAAAAAAMP!!! Mula Cavite hanggang Quezon City, lampas tatlong oras?! Bakit nagkaganun? Dahil sa mga putang inang traffic enforcers na hindi alam kung ano ang ginagawa!!! At nakatayo pa ako sa bus na hindi umaandar dahil sa traffic!!! At noong gabi naman, nakasakay ako ng MRT mula North Avenue (oo doon pa) ng mga 6:00pm, at nakarating ako sa amin ng... 8:30pm.
Kinabukasan (Martes) ay mas maaga akong umalis, mga 5:20am, pero dala ko na ang mga gamit ko, dahil babalik na ako sa bahay ni Big Tita, para naman maging normal na ulit ang buhay ko. Noong Lunes kasi ay pagod na pagod na ako kahit na hindi pa nagsisimula ang duty. Pakiramdam ko pa ay ambaho ko na (?). At dumating ako sa bahay ni Big Tita ng mga 7:30am.
Ang problema... wala pala akong dalang pantalon at tuwalya.