|
Tuesday, January 31, 2006
SETTING: May 3 babaeng nagpapayabangan kung kaninong "meme" ang pinakamalaki.
BABAE 1: "Akin ang pinakamalaki!" *nagpasok ng bola sa loob ng meme*
*palakpakan ang mga tao*
BABAE 2: "Ah wala yan sa akin!" *nagpasok ng espada sa meme"
*palakpakan ulit ang mga tao*
BABAE 3: "Hmmm..." *nagpasok ng P5 (limang piso) sa loob ng meme*
*natahimik ang mga tao*
*may tumugtog... videoke machine*
****
SETTING: May 3 batang nagtatalo kung kanino sa kanilang mga ina ang may pinakamalaking "meme".
BATA 1: "Pinakamalaki sa inay ko! Kasya ang isang bola!"
BATA 2: "Ah wala yan... Sa inay ko kasya ang isang buong espada!"
BATA 3: "Shhh... wag kayong maingay... Nasa loob tayo ng nanay ko."
****
TAO 1: "Oi, alam mo ba assignment natin?" TAO 2: "Oo..." TAO 1: "Mabuti kung ganun. Alam ko rin kasi e."
Posted at 1/31/2006 6:47:24 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, January 30, 2006
UPDATED 11:27PM
Ako ay baliw.
Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa puyat, pero gising pa rin ako ngayon kung kailan kailangan kong bumaoe (bu-ma-wiiiiiiiiiiiiiiii) ng tulog.
Mage-exercise pa nga pala ako. Tatakbo ako sa treadmill. Kailangan kong mag-training dahil malapit na ata ang annual GMA Fun Run o kung anuman tawag dun. Baka kasi andun ang Sexbomb sa may finish line.
****
Kanina pa paulit-ulit na tumutugtog sa ulo ko ang isang awitin (yeah awitin) ng Wickermoss. Napanood ko kasi kagabi ang video nila sa Myx habang ako ay bumubuwelo upang mag-review para sa aming dreaded unit exam (isang exam na ang coverage ay lahat ng topics na naituro sa amin sa Medical-Surgical Nursing ngayong midterm).
Sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat at erratic sleeping pattern. Nag-cram ako, as usual. At tulad ng dati, naging unproductive na naman ako. Dumaan na ang Sabado't Linggo, pero ang ginawa ko lang ay manood ng TV, mag-internet, maglaro sa PC, at maglaro ng WWE Smackdown vs. Raw 2006. Panalo sa Royal Rumble si Bobby Lashley.
****
Last week, ang balak kong bilhin ay bagong speakers para sa PC dahil lumang-luma na ang gamit kong speakers. Pero nang malaman kong nasa P5,000 lang ang Creative MUVO mp3 player + radio, napagisipan ko na iyon na lang ang bilhin.
At ngayon ay PC monitor na ang bibilhin ko. Labo.
Posted at 1/30/2006 8:47:20 pm
| Permanent link (Permalink)
Saturday, January 28, 2006
Nakatulog ako kaninang hapon. Ako ay nanaginip. Nagising ako nang nanghihina. At bumangon pa ako bigla mula sa pagkahiga kaya biglang dumilim ang paningin ko at nahilo. Anyway, ito ang mga naaalala kong detalye sa panaginip ko kanina. Kasama ko sa dressing room ang mga nakasama ko sa duty sa Fabella. May isang lalake dun na pinahawak sa kasama ko ang kanyang mga damit at kung anu-ano pang bagay na gawa sa tela. Nag-prisinta na rin ako na hawakan ang mga gamit ng lalakeng iyon dahil masyadong marami. Lalabas na yung lalake. Inabot ko sa kanya ang mga pinahawak niya sa akin, pero ang sinabi lang sa akin ay "Sa'yo na yan.", sabay tingin na parang may masama siyang balak. At ang ibang mga tao sa loob ng dressing room ay tinangay si Trish Stratus. Di ko malaman bakit andun si Trish Stratus. Tinangay nila sa CR. Sinilip ko ang CR, pero wala na akong nakita. Lumabas na yung ibang tao sa dressing room. Sabay banggit sa akin ng isang ka-group ko, "May dala silang chucks!"Sa panaginip ko, ang pagkakaintindi ko sa "chucks" ay yung nunchaku. Kinabahan ako dahil mukhang inaabangan ako sa labas upang bugbugin. Nag-isip ako at ang mga kasama ko ng daan palabas, pero wala nang ibang pwedeng daanan. Mukhang susugurin na nila ako sa loob, kaya lumabas na ako. Marami sila. Kaunti lang kami. Hinarap ng isa kong kasama ang "leader". Lumapit ako at ako na ang humarap. At ang "leader" palang iyon ay ang vocalist ng 6cyclemind. May hawak siyang hand saw. Hinataw niya ang hand saw sa akin, pero nakaiwas ako. Nasalo ko ang kamay niya, at inagaw ko ang hand saw. Sa kanya ko naman hinataw. Nasugatan ko siya sa braso. Hinataw ko ulit. At nilagari / linagari ko ang kanyang tagiliran. Nanonood lang ang mga kasama niya sa paligid. Punit na ang balat niya at kita na rin ang kanyang laman. At biglang nakita ko ang salitang "REMATCH." Kulay blue pa nga e. Naisip ko sa panaginip ko na napindot ko yung RESET. At naglalaro na pala ako ng G.I. Joe na pang-Family Computer. Anlabo.
Posted at 1/28/2006 11:26:38 pm
| Permanent link (Permalink)
"tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep"
Nakauwi na ako ng alas-dose ng hatinggabi (12:00mn) galing sa duty sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital . Mga 10:40pm na kami nakaalis dun. Traffic pa pauwi sa may Roxas Blvd. dahil sa ginaganap na party para kay Manny Pacquiao, ang boxer slash actor slash product endorser slash recording artist. Akkkk.
Naroon din ang mga vans ng ABS-CBN at ABC5.
(habang nakasakay kami sa aming service pauwi)
Kasama: "May mga camera pa o!" Paoe: "Panahon na para ma-discover ako! Buksan niyo ang bintana, bilis!"
****
2:41AM
Napakaraming ipis ngayong mga panahon na ito. Mula sa Fabella hanggang pag-uwi ko ay may ipis. Kagabi ay nakapatay ako ng tatlo. Kanina sa Fabella ay may pakalat-kalat na ipis sa may "viewing room". At ilang minuto pa lang ang lumilipas habang tina-type ko to, may ipis na dumapo bigla sa may dingding / pader sa kanan ko, kaya bigla akong nagulat at napalayo sa kinalalagyan ko. AMP!!!
Posted at 1/28/2006 2:53:41 am
| Permanent link (Permalink)
Friday, January 27, 2006
Kami ay nag-duty sa Fabella Hospital. Ang aming duty ay from 2:00pm to 10:00pm, kaso late na kami dumating dahil sa sobrang traffic. Nakauwi na ako kanina ng 11:20pm.
Kami ay assigned sa operating room. At nakasira ako ng gloves kanina dahil hindi nagkasya sa akin ang mga naihandang size 6 1/2 na gloves.
****
And if the night runs over And if the day won't last And if your way should falter Along this stony pass It's just a moment This time will pass
- "Stuck in a Moment" U2
Posted at 1/27/2006 12:31:59 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, January 25, 2006
Marami na naman akong reklamo sa buhay.
1. Bakit maraming taong napapagkamalan akong suplado, masungit, seryoso, tahimik at galit? At minsan napapagkamalan pa akong absent-minded.
Examples: (recent)
(sa TB-DOTS center) Medical clerk: "Sir, Serious po ba ang name niyo?" Paoe: *napatingin at napangiti* Medical clerk: "May ngipin ka pala. Hahaha..."
(sa TB-DOTS center ulit) Staff: "Sir, dapat ngumingiti kayo, para hindi matakot sayo ang mga pasyente." Paoe: *pilit na ngiti* Staff: "Yan ganyan... Seryoso po ba talaga kayo sir?" Paoe: "Hindi po..." Staff: "Pero dapat lagi kayong ngingiti." Paoe: "Hindi po ako marunong."
(pagkatapos ng evaluation exam) Paoe: *nag-joke sabay tawa* Clinical instructor: "Aba tumawa na rin sa wakas si Mr. <surname>!"
(habang may nagtuturong 4th year student sa amin na tinatawag na Junior CI) Junior CI: "Sige magtatawag ako... Yung tahimik sa likod." Paoe: *napatingin sa paligid* Junior CI: "Yes ikaw nga sir." Mga kaklase: "Yiiiiiiiii!!!" Paoe: *walang reaksyon*
(habang Medical-Surgical Nursing) Professor: "Mr. <surname>, matagal na kitang ino-obserbahan. Sobrang tahimik at seryoso mo." Paoe: *nagulantang* Professor: "...pero pagdating sa blog nawawala ang pagka-seryoso." *ngiti* Paoe: *lalong nagulantang*
(habang duty) Clinical instructor: *sinesermonan si Paoe* Paoe: *nakikinig pero expression-less ang mukha* Clinical instructor: "Mr. <surname ko>, are you with us?"
2. Ayokong-ayoko ng nagpapahiram ng CD. Pero nakumbinsi ako ng isa kong kaklase, dahil naawa na rin ako kaya pinahiram ko. Ang bilin ko pa bago ko ibigay sa kanya iyon ay "Huwag mong gagasgasan ha?!". At muli, ako ay nabigo. Bakit ba hindi sila marunong mag-alaga ng gamit ng iba?!?!?!
3. Nakakabuwisit ang unlimited text service. Oo, makakatipid ka nga. Pero maya't maya na lang ay may natatanggap akong mga forwarded messages na pumupuno sa inbox ko galing sa isang tao na umaabot sa 5 messages bawat araw ang sinesend. Hindi naman high-end ang phone ko na nakaka-store ng mga ilang libo ng mga mensahe.
Hindi ko kailangan ang forwarded messages. Ang kailangan ko ay pagmamahal. (?)
May isang ulul na sunud-sunod mag-text ng "Psst".
4. Na-pressure ako bigla. Next week ay pasahan ng chapter 2 ng thesis, pasahan ng group nursing case study, may case presentation, may unit exam at may term exams na pagsasabayin pa ata ang mga mahihirap na subjects sa isang araw.
Ganito rin ang naramdaman ko noong 4th year high school student ako. Na-pressure ako dahil sa thesis, lalo na ang chapter 2 na Review of Related Literature. Mahirap huminga.
5. Binalak ko kaninang umaga na simulan na ngayong gabi ang muli kong pagsabak sa mundo ng pagpapapayat. Maganda sana ang naging simula dahil kaunti lang ang nakain ko kaninang umaga dahil nagsawa na ako sa ulam ko. Pero kanina pag-uwi ko ay nawala ang lahat ng ito sa isip ko at kumonsumo ng 400 calories sa loob lamang ng ilang minuto (kumain ako ng dark chocolate).
Posted at 1/25/2006 8:11:22 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, January 23, 2006
Pinapag-perform ako nang solo kanina. Pero dahil mahiyain ako, hindi ako nag-solo. Humatak ako ng kasama.
Tinugtog ko ang "Ang Pag-ibig Kong Ito". Yeah. Fortunately ay maraming sumabay sa aking pagtugtog. Dahil nasasapawan na naman ng mga kaklase ko ang boses ng mga kasama ko sa pagkanta, kumanta na rin ako.
Isang eksena during the performance:
Paoe: (tumutugtog) Boses ng isang kaklase: "Para ba kay <name> yan? Hehehe yiiiii..." Paoe: (kunwari walang narinig)
At isa pa. Pero di na ako kumanta, mga kaklase ko na lang. "Mata".
Kakantahin ko sana yung translated version ko, yung "Eye".
Hahahaha... (?)
****
Medical-Surgical Nursing (MSN) namin kaninang 7:00am to 11:15am, at 12:15pm to 3:50pm. (usually 7:00am - 11:00am and 12:00nn - 4:00pm)
Nakakapagod ang ganyang schedule ng subject. Pagdating pa lang ng 10:00pm, kami ay nagiging restless (walang pahinga) na sa aming mga upuan, at hindi na namin ma-absorb ang mga tinuturo ng aming mga guro.
At medyo hindi naging maganda ang takbo ng araw kanina, dahil sa mga sumusunod... Pero bago iyon, DEFINITION OF TERMS muna.
Definition of Terms:
Pre-test = isang uri ng test o quiz tungkol sa isang topic na hindi pa nadi-discuss at idi-discuss pa lang.
Post-test = test tungkol sa isang previously discussed na topic
Discuss = to argue or consider carefully by presenting the various sides (according to the Merriam-Webster dictionary)
Taking the definition of the word "discuss" into consideration, masasabi kong hindi "discussion" ang nangyayari pag lecture hours namin dahil ang section namin ay hindi active sa sobrang pagod, inip, gutom, puyat at kung anu-ano pang dahilan.
****
Kwento (in summarized form):
2 post-tests = around 7:30am 1 pre-test = around 10:30am 1 post-test = mga past 12:15pm 1 post-test = mga kalagitnaan ng 2:00pm at 3:00pm
*Note: Ang unang 2 post-tests lang ang naituro noong last meeting. Ang mga succeeding tests ay mga topics na naituro within the same day.
Posted at 1/23/2006 8:39:28 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, January 22, 2006
Para sa'yo ang laban na 'to-hin mo mukha mo
Congratulations to Manny Pacquiao, for winning in his boxing bout with Erik Morales. Mabuhay si Pacquiao, boxer, endorser ng Dolly Tuna, ng Alaxan, ng isang herbal medicine, at ng isang brand ng medyas, at isang singer!
Salamat din doon sa isang nag-text sa akin na hindi man lang hinayaang tapusin ko munang panoorin ang laban nina Pacquiao at Morales para malaman ang resulta.
Spoiler ka!!! Grrrr!!!
****
Bukas ay pinapa-perform ako nang solo ng ilan sa aking mga groupmates para sa presentation namin sa Humanities subject, na kung saan Music ang aming subject ngayong midterm.
Sana ay nagbibiro lamang sila, dahil ayokong magkalat muli.
Yeah, magkalat muli.
Pero "if all else fail" tulad ng sabi ni Kitchie Nadal sa kanta niyang Same Ground bago niya napansing may grammatical error doon sa sinabi niya at nag-record ulit ng corrected version, magso-solo ako kahit ayoko. Hahahaha (?)
Posted at 1/22/2006 11:42:20 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, January 19, 2006
SCENARIO:
Magkakasama sina Paoe, Aaron at Jeff. Bumili si Jeff ng isang pack ng juice sa isang tindahan.
Jeff: (ininom ang juice) Paoe: (tiningnan ang pack ng biniling juice ni Jeff) O, nakalagay dito shake well daw! Hindi mo shinake! Aaron: Oo nga! Jeff: *napatingin saglit* (shinake ang katawan)
****
"EYE"
How are you? Are you still there? Is there nothing else we can do but laugh?
Is it still there All the memories? The only thing left from the two of us
Do not rotate each other Everything is already clear It is unnecessary also to persuade You do not even have to speak
I've seen everything here It is expressed by your eye Thanks to you Ohuwohohohoho
Posted at 1/19/2006 5:43:58 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, January 17, 2006
Isang malaking kahihiyan.
Kami ay ni-require last week na mag-compose ng kanta (pwedeng i-adapt ang tono ng ibang kanta pero dapat original ang lyrics), at ipe-perform ito sa klase. Religious Education ang subject, at ang theme ng kanta ay dapat may kinalaman sa "salvation".
Kanina bago ang subject naming iyon lang ako nakapag-compose ng lyrics, considering na last week pa ang assignment na iyon. Dapat ay may kasama ako, kaso umabsent ang aking partner, kaya naiwan akong mag-isa.
Kaya nag-perform ako mag-isa.
Isang malaking kahihiyan. Nagkalat lang ako dun AMP!!!!
Posted at 1/17/2006 8:31:50 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|