|
Tuesday, January 30, 2007
Anlamig ngayong mga panahon na ito. Paggising ko kanina, nang tumingin
ako sa aking digital clock slash thermometer, ang temperature ay nasa
25.7°C. Umaga yun. Noong December last year, hindi umabot sa ganun
ang temperature kahit na madaling araw.
Kahapon ay nasa gym ako. Tumatakbo ako sa treadmill. Pinapawisan ako
ng maraming pawis (amp). Pero nararamdaman ko pa rin ang lamig.
What's happening?!
****
Tapos na ang requirements para sa naging
community immersion namin. Tapos na rin ang evaluation exam (na
napaka-thought-provoking).
Ngayon ay makakapag-focus na ako sa ward elective requirements saka sa
term exam bukas. Yung pre-board exam (simulation ng board exam), wag
na yun.
Matatapos na ang midterm. Ang pinaka-hectic na term ko sa buong college life ko.
Posted at 1/30/2007 4:57:19 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, January 29, 2007
I saw the results, and I was... shocked. THE UNDERTAKER won the Royal Rumble! Now WTF was that?!?! Anyway, I really had no one in mind who's going to win this year, unlike before when it was sort of obvious who's going to be the last man standing in the ring. So now, The Undertaker headlines Wrestlemania to challenge the champion for the title. But I have a feeling that The Undertaker will lose, and that it will be his first-ever Wrestlemania loss. Batista retained the title in a match against Kennedy at the Rumble. I am disappointed, since I am expecting Kennedy to win the title. But, I again have a feeling that Batista will lose the title in the next PPV.
EDIT: On sikantot (second thought... amp!), I think it will be Batista vs. The Undertaker at Wrestlemania. An upcoming feud of some sort is brewing up between the two for the past two episodes of Smackdown.
Posted at 1/29/2007 12:38:02 pm
| Permanent link (Permalink)
Deadline ng requirements para sa naging community immersion namin: This week. Ano pa ang kulang: Parts ng mga ka-group ko. I gave them this instruction last Saturday night: "Paki-send sa [e-mail address] yung mga gawa niyo para matapos na." Nag-reply sila ng "Ok." Monday na, at WALA PA RIN AKONG NATATANGGAP. Tang inang yan..!!! ****
Nakaka-bad trip, ako ang nape-perwisyo sa katamaran ng iba. I won't accept excuses like "May iba rin akong requirements na ginagawa.",
dahil ako rin may iba ring requirements na ginagawa, mas marami pa nga
e. It's just that I do what I have to do early para hindi matambakan ng
trabaho. Kaya ayoko ng group work e.
Posted at 1/29/2007 11:18:05 am
| Permanent link (Permalink)
Sunday, January 28, 2007
I am slightly overweight. Pero hindi naman ako mukhang overweight.
Malaki kasi ang body frame ko for my height, tapos regular gymmer
(yeah, gymmer) ako.
Pero 10 days ago, I weighed in at 157.6 lbs. Dammit, 2.4 lbs na lang
ay babalik na ako sa timbang ko noong 4th year high school (kung kailan
mataba pa ako). At nararamdaman kong sumisikip na ang pantalon at ang
sinturon ko. Ten days ago rin ay ang panahong naisipan kong itigil na
completely ang pagpunta sa gym. Pero dahil nananaba na ako, kailangan
may gawin ako. Kaya bumalik ako sa gym.
Nine days after (kahapon), I weighed in at 154.6 lbs noong umaga. I
lost 3 pounds in just 9 days. Ang ginawa ko lang ay binawasan ang kain
at nag-exercise nang todo (treadmill na umaabot ng 30 minutes sa speed
na 8.0 - 8.5).
Nag-gym din ako kahapon. Bawas kain din. Nag-timbang ulit ako
kaninang umaga. Hindi ako nag-expect ng drastic change sa timbang ko,
pero pag-apak ko sa weighing scale...
152.2 lbs.
Whoa.
Posted at 1/28/2007 11:22:42 am
| Permanent link (Permalink)
Friday, January 26, 2007
My supervisory job is over
Tapos na ang aking trabaho bilang nursing supervisor sa De La Salle
University Medical Center. Nagsimula yun last week, Jan. 16. Two
weeks ng paggising ng 4:00am at pagdating sa ospital ng mga 5:20am (ang
duty ay nagsisimula ng 6:00am).
Bilang isang supervisor (na estudyante), naramdaman ko ang gaan at
bigat ng trabahong ibinigay sa akin. Walang specific patient na
assigned sa akin, pero kailangan ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa
mga pasyente sa ward kung nasaan ako assigned. Responsable ako sa
lahat ng mga student nurses, at ang anumang mangyaring hindi
kanais-nais na may kinalaman sa kanila ay damay din ako. Ako ang
nagmo-monitor ng kanilang activities, habang mine-maintain ang positive
working environment.
Nakakapagod. Maraming paperworks. Pero nakakapagod lalo pag
nararamdaman kong nakatunganga lang ako. Noong isang araw lang ata ako
hindi masyadong napagod dahil active ako sa pag-assist ng isang handle
kong estudyante na sobrang "toxic" ang mga kailangang gawin.
Nagbigay ako ng exam kanina sa kanila. Madali lang ang ginawa ko. Out
of 15 items, ang lowest na nakuhang score ay 13. Ganun ako kabait.
(nyork!)
****
Ultimately (?), my very "toxic" midterm period is over.
Pagkatapos na pagkatapos ng paputul-putol na Christmas vacation ay
community immersion ang duty ko. Maraming requirements yun. Hanggang
ngayon nga, hindi pa tapos ang requirements namin doon.
Sinundan naman iyon ng duty sa ward. Nursing "elective" ko yun, na
hindi ko naman pinili. Supervisory ang trabaho ko. At tulad ng
community immersion, marami ring requirements.
At may pasok kami ng Sabado't Linggo. Tatlong Sabado't Linggo na ang
nawala sa amin dahil required kaming pumasok. Hindi tuloy ako makabawi
sa tulog. Minsan na lang ako magkaroon ng matinong tulog, dahil
kailangang i-utilize ang oras kundi ay matatambakan ako ng trabaho.
Tapos na. Makakahinga na ako nang maluwag-luwag.
Midterm exam na namin next week.
Posted at 1/26/2007 5:37:32 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, January 22, 2007
No Weekend series - over!
Natapos na rin sa wakas ang series ng No Weekends. Nawala sa aming
nursing students ng De La Salle - Health Sciences Campus ang Sabado at
Linggo noong Jan. 6-7, 13-14 at 20-21. Take note: May pasok kami ng
Monday to Friday.
Nagkaroon ng panahon na binalak kong umabsent kahit isang araw lang,
dahil sa nararamdaman kong sintomas ng possible burnout. Mula noong
pumasok ako noong Jan. 3 mula sa paputul-putol na bakasyon ay puro
academics na lang ang kailangang intindihin. Sobrang dami ng
requirements. Wala na akong masyadong panahon para sa mga bagay na
aking ikinatutuwa. Napagod ako. Ginusto kong kumawala sa buhay
eskwela.
Muntik pa akong tumigil permanently sa aking paggy-gym, at ang excuses
ko ay kailangan ko ng pahinga at kailangan ko ng oras para gawin ang
ibang mga bagay na kailangan sa school. Kaso ang naging resulta, lalo
lang akong na-stress out (dahil pakiramdam ko naging out of control ang
timbang ko).
Sa pagkakataong ito ay may Sabado't Linggo na ulit ako. Ata. Isang
Sabado't Linggo sa February na ang kasunod, at ang last ng hindi
makataong schedule na ito.
****
Supervisor na naman ako bukas. Yehey. (?)
Posted at 1/22/2007 10:18:48 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, January 17, 2007
"Kumusta naman yun." Mabuti't hindi na ganong ka-uso yan ngayon. **** Duty ko na, ward elective. Hindi ako ordinaryong "staff nurse" sa duty na ito, kundi ay isa akong SUPERVISOR. Medyo magaan ang trabaho kung tutuusin, pero malaking responsibilidad ang kalakip nito. Sa isang buong grupo na kasama kong mag-duty, lahat sila ay under sa akin. Meron silang isang "head nurse", na under din sa akin. Kailangan ng constant supervision ng subordinates. Mahirap na magaan. Ganoong ang buhay supervisor na estudyante. Siyempre iba na kapag totoong supervisor ng isang hospital. Andaming requirements. At wala pa akong nasisimulan. Kumusta ka naman yun di ba? (Kumusta ka naman yun AAAAAAAAAAMP!!!!!!) **** SETTING: UMC 1400 ward
Doktor na foreigner: (to a student nurse) *incomprehensible, but actually means "What's your name?"* Student nurse: "College of Nursing and Midwifery." (CNM)
*Hindi niyo naintindihan? Go figure.
Posted at 1/17/2007 2:52:44 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, January 15, 2007
When driving, there are a lot of 'villains' on the road, namely:
- JEEPNEYS - In the
Philippines, drivers of these American Jeep rip-offs are sometimes
called the "Kings of the Road". Hindi lang sa Manila o sa EDSA ka
makakakita ng mga mala-demonyong drivers. Kahit sa Dasmariņas, Cavite
ay marami niyan. Ibo-"box out" ka sa daan, biglang titigil sa harap
mo, lumilipat ng lanes nang hindi sumesenyas, nagsasakay at nagbababa
ng pasahero sa gitna ng daan, at iba pa.
- BUSES - Halos
magkasing-level lang ang mga bus sa mga jeepney. Yun nga lang, mas
brutal ang mga bus pagdating sa mga major highways tulad ng EDSA.
Matinding mang-box out ang mga ito. Magpapalit ito ng lane kahit na
mababangga ang sasakyang minamaneho mo. Brutal din ito pagdating sa
usok.
- MOTORCYCLES - Ang mga ito
ay pabigla-bigla kung sumulpot - sa harap, sa gilid, sa likod.
Maraming naaaksidente dahil sa motorsiklo, at karamihan sa mga
aksidenteng ito ay dahil sa kapabayaan at katangahan. Ang mga
motorsiklo ay dapat ipagbawal sa mga highway. O kaya mag-implement ng
batas na ang mga motorsiklo ay dapat nasa rightmost lane lang palagi
para walang ma-perwisyo masyado. Naalala ko, noong Sabado lang, may
motorsiklong sumusunod sa likod ng kotseng minamaneho ko. Sumenyas na
ako na lilipat ako sa kanan na lane. In-assume ko na gagawa ng
katangahan ang motorsiklo sa likod ko - katangahang o-overtake sa right
side ko kahit na sumesenyas ako na lilipat ako sa kanan. At ganun nga
ang nangyari - um-overtake ang motorsiklo. Mabuti't hinayaan ko na
lang na mauna iyon kundi nabangga ko yun.
- TRUCKS - Mabagal ang mga ito. Ang matindi pa dito ay may mga truck na gumigitna, tipong ayaw kang pa-overtake-in.
- TRICYCLES - Saksakan din
ng bagal ang mga ito. May mga tricycle drivers pang tipong ayaw kang
payagang um-overtake, kung hindi mo pa gigitgitin ay di ka
makaka-overtake.
- VEHICLES WITH DEFECTIVE TAIL LIGHTS - Mababangga mo na pala ang sasakyan sa unahan mo, hindi mo pa alam.
- PEDESTRIANS - Lalo na ang
mga tumatawid sa mga lugar na may signs na "No Jaywalking". May
tinatawag tayong "Pedestrian lanes" at mga "Overpass". Gamitin natin
ang mga yun. Huwag tayong magpa-God mode.
Posted at 1/15/2007 9:01:46 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, January 14, 2007
Ayon sa aming mga lecture tungkol sa
nursing, REST IS IMPORTANT. At pag minamalas ka nga naman, magkakataon
pang kung kailan kailangan mo ng matinding pahinga ay saka naman ito
ipagkakait sa'yo.
Monday to Sunday ay may pasok kami. Monday ay lecture sa classroom,
Tuesday to Friday naman ang clinical duty, at ang Saturday at Sunday ay
ang review para sa board exams. "Study, study, study" daw ang dapat na
itatak namin sa isip namin. Pero nakaligtaan ata na kailangan din ng
pahinga kahit isang araw lang.
All work and no play makes Jack a dull boy.
****
Natambakan ako ng requirements na
kailangang gawin. Nagkataon kasing community immersion ang unang duty
ko for midterm (na maraming requirements), at ang sunod naman ay ward
elective duty. Elective na sapilitan. Assigned ako sa ward kahit wala yun sa choices ko. Ni hindi man lang ako nabigyan ng iba pang choices. Masaklap yun.
Ward elective. Mahirap ang duty, maraming requirements. Ang problema
pa, wala akong masyadong free time pag weekends para gumawa ng
requirements dahil may pasok kami. At kailangan ding mag-aral from
time to time.
After my 4 grueling years in this course, this will be the main event.
Malas lang talaga't nagkasabay-sabay ang mga kailangang gawin.
****
Well at least, may bago akong...
Posted at 1/14/2007 9:55:32 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, January 12, 2007
Community immersion - the end
Natapos na ang 4-day immersion namin sa Amadeo, Cavite.
Findings (?):
- Sobrang lamig pala doon lalo na kapag gabi. Minaliit ko ang
temperatura doon, at ang resulta ay torture kapag nagigising ako sa
madaling araw dahil sa sobrang lamig.
- Ang tubig doon na pampaligo ay umuusok. Umuusok sa lamig.
- Hindi mukhang rural ang Minantok East. Ang mga bahay doon ay
maayos ang pagkakagawa. Ang iba pa nga ay mukhang pang-mayaman ang mga
bahay.
- Mabigat sa loob kapag nanonood na ang mga kasama ko sa bahay ng TV at ako naman ay naghuhugas ng mga pinggan, baso, at iba pa.
- Nakakatuwa rin palang manood ng Wowowee kapag may mga kasama kang
nanonood na nage-enjoy sa Wowowee (lalo na kapag Boom Tarat Tarat
portion at yung "Sino'ng gwapo?!" portion)
- Nauso ang bilangan at sumbatan ng mga ginagawa sa bahay.
- Ang Air-O-Space bed ay hindi masarap higaan lalo na kapag less
than 100% inflated, dahil tatalbog-talbog ka at magigising kapag
malikot ang katabi.
- Kailangang bawasan ang kain dahil baka walang makain ang mga kasama. Pero binabanatan ko pa rin ang kanin.
- Laging may bawang at sibuyas ang corned beef kahit ayaw ko.
- Maingay manood ng Deal or No Deal ang mga bakla.
- Kahit na nasa pinakagilid na ako ng Air-O-Space banig (deflated
na kasi kaya hindi na 'bed'), masisiksik pa rin ako kahit na isa lang
katabi ko
- Ok lang matulog kahit madumi ang mukha at katawan sa ganoong setup. Hindi uso ang pagiging maarte doon.
- Nakakatulog ako kahit malakas humagok ang mga kasama ko.
- Masaya naman ang community immersion.
Mga aktibidades (?):
DAY 1: arrival sa area, nag-meeting sa health center, nag-trekking pababa ng ilog at pabalik, tambay sa tindahan at kumain
DAY 2: health teaching sa Minantok East, nagtungong Minantok West para panoorin ang health teaching ng kabilang group
DAY 3: home visits, super siesta (1:00pm to 4:00pm ako, ang mga kasama ko ay natulog hanggang 5:00pm), home visit ulit
DAY 4: interview, physical assessment na madalian, uwian na
Posted at 1/12/2007 10:33:15 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|