|
Sunday, February 26, 2006
Tapos na ang WWE Manila Tour, at hindi ako nakapanood. How sad. (?) Sayang. Mura lang naman ang ringside seats. P10,440 lang ang isa. **** Isang taon na ang lumipas mula noong gig ni Kitchie Nadal sa aking alma mater na Rogationist College sa Silang, Cavite. FLASHBACK: Noong araw ding iyon, may gig ang sessiOnroad sa Robinsons Galleria. Doon muna ako nagtungo. Mga 4:30pm nagsimula ang kanilang gig doon. Nakaalis na ako ng Galleria ng mga 6:00pm. Sumakay ako ng MRT hanggang Taft, at pagkababa ay sumakay ng bus na papuntang Batangas. Nasa Dasmariņas pa lang ako nang magsimula si Kitchie. Akala ko ay maaabutan ko pa kahit kalahati. Ngunit dumating ang isang masaklap na pangyayari: Nagpa-full tank ata ang bus na aking sinasakyan sa may Silang, bago pa makarating sa school namin. Nag-isip ako kung bababa na ba ako ng bus at magj-jeep na lang o ano. Ayun, hinintay ko na lang yung bus. Naabutan ko pa si Kitchie, habang kinakanta niya ang second to the last song niya for the night. REFLECTION: At ngayon ay napapaisip ako... Bakit ba ako nag-aksaya ng pera at panahon para sa Kitchie na yan?!?! ****  Screw this blue error screen!!!!
Posted at 2/26/2006 1:46:34 am
| Permanent link (Permalink)
Thursday, February 23, 2006
Pag nauubusan ng bagong iku-kuwento, ano ang magandang gawin? I-recycle ang mga lumang tema ng mga nakaraang post. Or "powst" (by Glam). Hahaha...
Reklamo #1
Duty na naman namin sa ward. Ward. Ang tambakan ng mga pasyente na pwedeng galing OR (operating room), ER (emergency room), RR (recovery room), at kung saan-saan pa.
Ayoko sa area na ito. Na-trauma na ako. Pero wala akong magagawa kundi harapin ang aking pir (fear). At yun ang ginawa ko.
Reklamo #2
Ang aming duty ay naka-schedule ng 2:00pm to 10:00pm para sa week na ito. Mukhang magagawa ko pang gumising ng medyo tanghali na dahil hapon pa naman ang duty.
Pero hindi. *dramatic background music*
Kailangan kong pumunta ng school nang maaga dahil kailangang mag-practice para sa sayaw (NA NAMAN!!!).
Reklamo #3
WWE Manila Tour bukas at sa Sabado. Wala akong ticket, wala akong pera.
Reklamo #4
Gusto kong mag-exercise, pero hindi ko magawa-gawa dahil lagi na lang akong inaantok. At pag inantok ako ay tinatamad na ako.
Reklamo #5
Bakit may mga taong kung mag-type ay parang text pa rin? E (according to Krystel) libre naman ang pindot sa keyboard?
Reklamo #6
Kailan naging "AKO" ang "AQ"?!?!?!?!?
Posted at 2/23/2006 11:06:16 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, February 21, 2006
I saw you there You were right in front of me...
I called your name And I was so happy that I'll be seeing you Finally.... face to face...
And as you were about to face me...
...I realized it was just a dream.
I wanted to go back to sleep... I wanted to be with you...
but...
I can't... because...
6:45am na. LATE NA AKO. **** 8:00AM ang aming klase. Dumating ako ng 8:10AM. Naroon na ang aming guro. **** Pinapawisan ako nang dumating. Umasa ako na mapapaoe (mapapawi) ng aircon ang init na aking nadarama dahil sa pagmamadali. "But I failed... miserably..."Sira ang aircon. Ayaw lumamig ng room. Ayan kasi. May mga tao kasi sa klase namin na gusto laging nilalagay sa FAN o sa WARM ang aircon. Pinagbigyan tuloy sila ng aircon. **** Kahapon (Monday) ay 4 lang pala sa inasahan kong 5 or 6 quizzes ang natuloy. At unit exam. Ang unit exam ay parang pinagsama-samang quizzes. Ang naging unit exam namin ay binubuo ng 4 separate tests. So lahat ay 8 tests ang kinuha namin noong Monday. **** Sumayaw kami para sa Humanities subject. Sayaw.
Ako. Sumayaw.
Ako = sayaw = AMP!!!
Posted at 2/21/2006 11:16:58 pm
| Permanent link (Permalink)
Saturday, February 18, 2006
Nagtiwala siya sa'yo... Nagtiwala rin ako sa'yo... Pero pinahamak mo
ko... Ano'ng ginawa ko? Inako ko lahat, pinalabas kong ako lang ang
mali... dahil naawa ako sa'yo... Ayokong madamay ka...
Masama ang loob ko... Napasama ako dahil sa nangyari... Sirang-sira na ang reputasyon ko... Pero ok lang... Basta hindi ka madamay...
Pero sino ka ba para aking sagipin sa kapahamakan? Pangalan lang ata ng isa't isa ang alam natin. Hindi naman tayo magkakilala.
Sabihin mo sa akin... Sino ka ba?!
Posted at 2/18/2006 9:09:30 pm
| Permanent link (Permalink)
Vince McMahon screwed Bret Hart last November 9, 1997 in Montreal during the Survivor Series event. Click HERE for more information.
Posted at 2/18/2006 4:27:08 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, February 17, 2006
*Note: For those who will be taking up Nursing, read on. You may find something useful in this entry. "may".Ako ay kasalukuyang napapagod na sa mga pinaggagagawa ko para sa kurso kong Nursing. Masyadong maraming requirements, masyadong maraming kailangang gawin, pero kakaunti ang oras ko. Take note, oras ko. "Ko." Mahalaga talaga ang TIME MANAGEMENT lalo na pag third year ka na. Kung tutuusin, marami talaga akong oras para gawin ang mga dapat gawin, pero dahil ako ay magaling sa time mismanagement, I end up cramming, procrastinating, rushing. **** After high school graduation, hindi ko pa rin alam kung anong landas ang aking tatahakin. Kumuha ako ng entrance exam sa UP, UST, at De La Salle - Dasmariņas. Kukuha din sana ako sa DLSU-Manila, pero dahil sa isang unfortunate incident ay hindi natanggap ang aking application. Pumasa ako sa UPLB, sa kursong Engineering. Pumasa ako sa UST at DLSU-D, sa kursong Nursing. Pasado rin ako sa Engineering courses na akin ding mga choices na kurso. Nursing ang naging "ultimate choice" ko. Ang tanging driving force ko lang ay dahil malaki ang kita sa profession na iyon. Nagkaroon pa ako ng dilemma kung sa UST o DLSU-D ako mag-aaral. At pinili ko ang DLSU-D (by the way, ngayon ay sa De La Salle - Health Sciences Campus na kami... hindi na kami associated sa DLSU-D), sa kadahilanang ang paaralang ito ay mas malapit sa aking tinitirhan. **** Wala akong kaide-ideya sa pinasok kong gulo. Noong 1st year college, pa-easy easy pa ako, dahil ang mga subjects namin ay katulad din lang noong high school. Karamihan sa mga subjects namin ay hindi pa related sa nursing. Mga subjects tulad ng College Algebra, Logic, General Psychology, at ang lintik na Philippine History. Ok pa nun. Naging Dean's Lister pa nga ako e. **** Second year college. Mayroong Anatomy and Physiology at Health Care. Mga subjects na may kinalaman na sa Nursing. Naramdaman ko ang pressure at hirap. Dito rin ako unang nakaranas ng isang subject na umaabot ng 9-10 hours sa isang araw. Nagkaroon kami ng mga practical exams (mga return demonstration) ng bandaging, emergency rescue and transfer, ng vital signs taking (routine sa hospital duty), at marami pang iba. At ang tragis na Microbiology, kung saan 10 sa aming section ay natanggal sa school namin dahil sa subject na to. May QUALIFYING EXAM matapos ang 2 semesters. Ang bumagsak, tanggal din. Ang exam ay binubuo ng lahat ng subjects na natapos namin noong 1st year at 2nd year college, maliban sa Filipino at English. Pumasa ako. Magaling kasi ako. **** Summer classes matapos ang 2nd semester. Dalawang subjects: Nutrition and Diet Therapy at Fundamentals of Nursing. Ang Nutrition and Diet Therapy ay natapos sa loob ng 2 weeks. Ang Fundamentals of Nursing naman ay natapos ng 3 weeks. Nutrition: Kami ay nagluto. I mean, sila. Hindi ako marunong e. Pero ako ang tumikim kung masarap. Ang inihanda ay diet para sa mga individuals na may certain disease (example: renal failure) Fundamentals of Nursing: Maraming return demonstration, tulad ng "bed making, the complicated version", bed bath at injection (intramuscular at intradermal). **** Third year. Naka-white uniform na kami. Yeah. At simula na rin ng pahirap sa buhay. Simula na ng clinical duty. Kami ay na-assign sa hospital ward, sa operating room, sa community health center, sa delivery room, at sa Day Care center. Hindi simple ang clinical duty sa ward at sa operating room. Bukod sa knowledge ay dapat magaling din sa skills. Unfortunately wala ako pareho niyan. May subject din kami na 16 units. Eight (8) units ang lecture at 8 units ang clinical duty. Ang bumagsak, tanggal. Meron ding Pharmacology. Puro gamot. Ang bagsak, tanggal. Kasabayan nito ang ma-papel na World Literature. Ngayong second sem ay inuulan kami lagi ng requirements, ng quizzes, at kung anu-ano pa. Magulo. Nakakapagod. At sasayaw pa kami para sa Humanities subject. **** Rushed projects, overnight nursing case studies, cramming, less than 5 hours of sleep (na minsan 1-2 hours pa nga)... Ganyan ang nagiging buhay ko dahil sa aking skill na time mismanagement.
Wag niyo ko gayahin.
Ngayon ay alam ko na ang gulong pinasok ko. Nursing is not as simple as I initially thought.
Madugo ang laban dito.
....
Nyak.
Posted at 2/17/2006 1:26:30 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, February 15, 2006
Beleyted Hapi Balentayms nga pala sa inyong lahat. **** Kanina ay bagot na bagot (ba-gow na ba-gow) na ako sa aming topic. The heart. Yeah. Cardiovascular system. Ina. Wala akong maintindihan. Kahit noong nasa 2nd year college pa lang ako at kinukuha namin ang sabdyek na Anatomy and Physiology, nafru-frustrate na ako dahil hindi ko talaga maintindihan. Nakatingin na lang ako sa aming lecturer, salubong ang kilay ko, hindi mapakali, at napapa-padyak sa sahig. Sa Monday nga pala ay mayroon kaming nakalaan na 5 or 6 quizzes, at isang unit exam. Submission din ng ilang requirements, at kung anu-ano pang pahirap sa buhay. *Sa mga pyuchur nursing students: Wag kayong makinig sa akin. Galit lang ako sa kurso ko. **** Woohoo. Humanities = sayaw. Kami ay sasayaw. Anak ng. Isa pa to sa mga ayaw kong gawin sa buhay. Next week ay magp-present kami ng sayaw. Isang malaking kahihiyan ang naghihintay para sa akin. **** Nakalimutan ko yung topic na isusulat ko talaga sana dito. Ilang beses nang nangyayari sa akin ito. Tsk tsk.
Posted at 2/15/2006 11:59:52 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, February 10, 2006
"Isa, dalawa, tatlo,Asan na'ng talino ko?Apat, limaPatay sindi ang utak koAnim, pito, walo, siyam, sampuNalilito, nalilito, ako nama'y nabobobo"****
It sucks to do something you're not good at. Nursing (in general) is not my thing. I suck in almost everything related to nursing. *silence* To cut a long story short: Tatanga-tanga ako kanina sa operating room. NEXT! **** "Thank you. Natanggap na nmin ang iyong request at ksalukuyang pino-proseso. Sa loob ng 24 hrs, hintayin ang msg na nagsasabing maaari nang gamitin ang UNLIMITXT."Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang iyan ang aking matanggap na mensahe galing sa Globe. Kung gagawin nilang Tagalog ang message na iyon, sana ganito ang ginawa nila: "Salamat ikaw. Natanggap na namin ang iyong pakiusap at kasalukuyang isinasaayos. Sa loob ng dalawampu't apat na oras, hintayin ang kalatas na nagsasabing maaari nang gamitin ang UNLIMITXT."
****
NOTE: This happened in the not so distant past. Wait... Sh*t, nahihirapan akong gumawa ng blog entry pag may music. Mapatay nga muna ang Winamp. Amp. AMP!!!
SETTING: class sa Philippine Constitution, at wala ang aming professor, kaya mayroong nag-sub
SUB PROFESSOR: "Good afternoon class!" CLASS: "Good afternoon sir!" SUB PROFESSOR: "Ok, sit down." PAOE: *ngumunguya ng chewing gum* SUB PROFESSOR: *matalim ang tingin sa akin* (pasigaw) "SPIT THAT OUT!!!" PAOE: *niluwa / linuwa ang chewing gum, idinikit sa wrapper* SUB PROFESSOR: "You're like a kid." PAOE: *napaisip* ("Para bang bata ang ngumuya ng chewing gum? Hmmm... siguro nga...") SUB PROFESSOR: "You know what a kid is?" PAOE: *nakatingin sa professor, puzzled* SUB PROFESSOR: "A young goat." PAOE: *kumulo ang dugo*
Posted at 2/10/2006 11:42:20 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, February 09, 2006
 Diyan ako natutulog
Posted at 2/9/2006 12:07:04 am
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, February 07, 2006
SETTING: Discussion ng function ng mga cranial nerves, at ang current function na dini-discuss ay ang "interpretation of proverbs".
Guro: "Sige nga, magbigay ng kahit anong proverb... kasabihan..." *nagtawag ng estudyante*
Estudyante 1: "Kahit ano pong proverb?" *isip* "Birds of the same feather flock together."
Guro: "Sige nga Ms. <surname> (Estudyante 2), interpret mo yung sinabi niya para malaman natin kung normal ba ang functioning ng iyong cranial nerve."
Estudyante 2: "Ma'am halimbawa po yung maya..."
*buong klase ay nagulat*
****
SOAPIE (sow-pay)
SOAPIE Kamusta naman? Ako kase wala pa ring nagagawa
SOAPIE Pasensya na Ma'am Wala akong ma-assess na problema
Wag ka nang gumawa Wag ka nang gumawa ngayon
Pahirap iyan sa aming buhay Pagod ang utak at kamay Aalis na 'ko sa duty na ito
SOAPIE Kamusta naman? Mabuti ka pa tapos ka na sa paggawa
SOAPIE Pa'no na ba? Ilang minuto na lamang ang natitira
'Yoko nang gumawa 'Yoko nang gumawa ngayon
Posted at 2/7/2006 10:47:39 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|