Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Thursday, February 28, 2008
Bevel down

Gusto ko talagang subukan magtusok nang bevel down. Kapag nagpa-practice ako tumusok sa isang tubo na bevel down, mas madaling ipasok ang needle kapag natusok na. Hindi sumasabit. Saka http://dinosaurmusings.blogspot.com/2006/09/bevel-down.html (paki-click na lang).

Hindi naman talaga bawal magtusok nang bevel down. Hindi rin yung basta-basta improvisation (?). Nakalagay nga sa manual ng Gambro fistula needles na pwedeng itusok ang mga karayom nang bevel up at bevel down. Pati sa video ng Medisystems (?), pinakita rin na pwede ang bevel down, at mas maganda pa nga raw kasi mas maliit ang sugat na magagawa.

Ang problema, wala masyadong gumagawa nun sa amin. Ang nakikita ko lang sa iba e bevel up, at bevel side (?). O baka akala ko lang nakatagilid. Isa lang ang nagsabi sa akin na kapag tumutusok siya e bevel down.

Hmmm (?)

****

Kapag may hindi alam, magtanong.

Kapag hindi kaya, humingi ng tulong.

Pero kapag nagtanong ako, ang nagiging impression sa akin e wala akong alam. Kapag naman humingi ako ng tulong, lumalabas na wala akong tiwala sa mga abilidad ko.

Anlabo niyoooooooooooooo!!!




Wednesday, February 27, 2008
Ano'ng gagawin mo 'pag...

...biglang nag-skandalo ang pasyente mo at ang nirereklamo niya e isang bagay na alam mong kahit anong paliwanag mo e hindi niya tatanggapin? @_@

****

May isa pa akong pasyente kanina na sobrang lakas ng pressure ng dugo sa kanyang AV fistula, kaya nag-ingat ako sa pagtanggal ng karayom para hindi sumirit ang dugo. Natanggal ko ang dalawang karayom na walang dumanak na dugo. Yehey (amp). Pinadiinan ko na lang sa bantay ang ipinatong na gasa (?) / gauze habang tinatapon ko ang dalawang karayom. At pagbalik ko --- ANDAMI NANG DUGO!!! @_@




Sunday, February 24, 2008
Perfect! XD

*hindi verbatim, pero ganun na rin yun*

Ako: "Dustin, ang galing-galing mo naman!"
Dustin: "Hindi. I'm a nobody."
Ako: "E... di ba nobody's perfect?"
Dustin: "?"
Ako: "E nobody ka sabi mo. Therefore you are perfect!"

XD




Friday, February 22, 2008
ET... be PB!

Mantra ko yan. Hahaha.

****

Nostalgic. Pinakikinggan ko ngayon ang second album ni Sofia, at bumabalik sa aking alaala ang January hanggang February ng 2007, ang panahong patapos na ako sa kolehiyo.

Masayang nakakalungkot.

Isang taon na ang lumipas, at hindi ko inakalang ito pala ang kahihinatnan ng buhay ko -- nagta-trabaho bilang isang nurse at nagtitiis kahit walang sweldo. Kaya, ET... be PB! Hahaha.

****

Maya't maya ay naiisip kong mag-resign na at lumipat na sa De La Salle University Medical Center (na hindi hamak na mas malapit sa amin, dahil 8km lang ang layo kumpara sa PKDF na 35+km ang layo). Kaso ayoko ring mag-resign (kahit na wala akong sweldo), dahil masaya ako sa mga katrabaho ko (ngayon).

(?)




Thursday, February 21, 2008
December 2007 Nursing Licensure Exam results... out now! (PDF file attached)

Attachment: dec07results.pdf

PDF file downloaded from http://nursingherald.blogspot.com

Pwede niyo ring tingnan sa http://pinoybsn.blogspot.com o kaya sa http://filipinonurse.blogspot.com.

****

Congratulatory (?) message ko kanina para sa kaibigan kong pumasa:

Ako: "P*tang inang [name] pasado ka ah!"
Passer: "Nakita mo?"
Ako: "Oo. Pasado kang p*tang ina ka! Sabi sa'yo e haha t*ng ina ka!"
Passer: "Hahaha! Inuman!"


Confidence (?)

May na-assign sa akin na pasyente na ang access niya ay isang AV graft. Madugo ang pagtanggal ng karayom sa ganitong access kapag mali ang timing ng paglagay ng pressure pagkahugot ng karayom. May nakapagpadugo na ngang staff sa kanya, at nasabon tuloy siya ng attending physician ng nasabing pasyente.

Nakapagtanggal na ako dati sa AV grafts ng ibang pasyente. Madugo talaga, pero yung insidente na may nakapagpadugo na sa pasyenteng iyon at napagalitan pa ng doktor ang nakadagdag sa naramdaman kong pressure.

Kinabahan ako (malamang). Parang ayokong ako ang magtanggal ng karayom. Nakapagpadagdag pa sa kaba ko ang nabanggit ng isang staff dati na "Pag hindi talaga na-sentro yung gauze, sisirit talaga yung dugo."

Patay. (?)

Kaya naman humingi ako ng tulong sa isang senior nurse doon.

Ako: "Sir, pwedeng kayo na lang magtanggal ng needle mamaya kay [patient]?"
Senior nurse: "Sige akong bahala......... hindi, kaya mo na yan!"
Ako: "Parang ayoko sir, baka maging madugo masyado e."
SN: "Ganito gawin mo: [nagbigay ng instructions]... Kaya mo na yan!"
Ako: "E baka matulad ako kay [staff]."
SN: "Di hamak na mas magaling ka naman kay [staff], di ba?"
Ako: "?"
SN: "Kaya mo yan!"

Kahit kabado, ako na nagtanggal. At... hindi madugo. Nyahahahahahaha. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos.

****

Isang encouraging (?) statement mula sa aming head nurse, narinig ko lang habang kausap niya ang isang staff --

Head nurse: "Wag mong isipin yung sabon [kapag nasabon o napagalitan]... Pag sinabon ka, banlawan mo!"

Parang joke lang, pero tama nga naman.




Monday, February 18, 2008
'Di mo ba alam na macho?

Happy birthday ulit sa akin! Haha. Sa sobrang "toxic", nakalimutan kong kumain (e 9:00am ako huling kumain, at nakauwi ako mga 10:15pm na). *palakpakan*

****

Cannulation. Confident ako kanina kahit na medyo mukhang alanganin. At pagtusok ko ay ok naman...

...kaso nanginig ako nung tape na lang ang ilalagay para i-secure ang tinusok ko. Parang gago e.

****

'Di mo ba alam na macho?




Sunday, February 17, 2008
*sigh*

Today, Singapore is the benchmark of education in Asia.

While Singapore is busy making records in academic excellence, Japan is making breakthroughs in info technology.

And the Philippines?

Busy setting records like the most number of couples kissing on Valentine's Day!

- from a forwarded text message -

"Kahit sino, maiisipang mag-quit"

Isa yan sa mga katagang binitawan ng isang senior nurse namin, patungkol sa mga unang linggo o buwan sa pagiging nurse sa PKDF.

"Kahit ako mismo, naisipan ko ring mag-quit".

Tindi.

Isang taon at walong buwan na siyang nurse doon ngayon.




Saturday, February 16, 2008
Am I on the right path?

Isang buwan na ako sa Phil. Kidney Dialysis Foundation bilang isang hemodialysis nurse. Kung anu-ano na ang napagdaanan ko sa loob lamang ng isang buwan, at ang pinakamatindi ang tatak sa akin ay ang emotional rollercoaster na dinanas ko. Naisipan ko na dati na mag-quit, pero doon pa rin ako hanggang ngayon [kahit na wala akong sweldo dahil "orientee" pa lang ako].

Karamihan ng negatibong nararamdaman ko para sa trabaho ko ay nawala na. Hindi ko na masyadong nararamdaman ang kabigatan ng loob tuwing papasok na ako ng trabaho. Napapansin kong nagiging masaya na rin ako sa trabaho, at isang malaking dahilan kung bakit ganoon ay ang mga ka-trabaho ko. Masaya silang kasama at ka-trabaho.

Nawala man ang bigat sa damdamin ay may bahagi pa rin sa sarili ko na gustong mag-resign sa trabaho. Bakit? Aba malay ko (?).

Kanina, habang nasa bus papuntang trabaho ay nakita ko sa highway ang isa kong ka-batch dati, naka-uniporme na pang-staff nurse ng De La Salle University Medical Center. Nakaramdam ako ng inggit (?). Kahit na sabihing ako ay nasa isang specialized area ay nakaramdam pa rin ako ng inggit. Marami akong gustong matutunan, mga bagay na dinaanan lang o binanggit lang habang ako ay estudyante pa lang -- at ang mga iyon ay matututunan ko sa isang hospital setting.

May isa pa akong nakitang ka-batch, at nakasabay ko pa sa bus [kaso hindi ko pinansin kasi suplado ako]. Naka-uniporme din na pang-nurse sa hindi ko alam na ospital, basta sumakay siya ng MRT pagkababa sa Pasay. Parang naiinggit ako. Parang gusto ko rin magtrabaho na sa ospital.

Kaso ayoko ring iwan ang trabaho ko ngayon bilang isang hemodialysis nurse. Nakaka-isang buwan pa lang ako, at gusto ko ring gumaling sa larangan na ito.

Andami kong sinasabi (amp)




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed