Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Friday, March 31, 2006
"Sugod mga kapatyiiid!"

Natapos na ang aking duty sa UMC1300 kanina.  Noong umaga ay nag-evaluation exam muna kami, nag-conference at pagkatapos ay nag-duty from 2:00pm to 6:00pm.  Pero nakaalis na kami sa ward ng mga 6:45pm dahil sa mga kadahilanang hindi maiiwasan.

****

Kahit na 4-5 hours lang ang duty namin kanina ay hindi naging madali sa akin ang last day ko sa ward.

Wala ang kalahati sa grupo namin, kaya nadagdagan ang assigned na pasyente sa akin.  Although nag-hesitate ako noong una, tinanggap ko na rin.

Maraming procedures na kailangang gawin sa bagong pasyenteng ito, tulad ng TUBE FEEDING [inabot ako ng 30-45 minutes na nakatayo, nakataas ang kamay hawak ang "Asepto Syringe" (?)], pagbibigay ng gamot via nasogastric tube (tubong dumadaan sa ilong papuntang tiyan), at ang *tentenenen* on the spot IV insertion (pagtutusok sa ugat upang maging daluyan ng mga intravenous fluids at mga medications).

IV insertion.

On the spot.

Nagulat ako.  Gusto kong tumanggi, pero in-encourage pa rin ako ng aming clinical instructor na gawin ang procedure.  Doon na rin mismo ang "review" ng procedure kasi hindi ko na talaga matandaan paano ang tamang procedure.

Napasubo na ako.  Kailangang gawin yun.  Although obvious na hesitant ako at muntik na ring sumuko (mahina ko na ngang nabanggit na "Ma'am, iba na lang po (ang gagawa)..", sinubukan ko pa rin.

And I failed.  But then, mahirap tusukan ang nasabing pasyente, dahil ang kanyang mga ugat ay "nagko-collapse" pag tinutusukan.  Pati ang staff ay nahirapan din.  Ganun daw pag in deep coma ang pasyente.

Tsk.  Paano pa kaya sa ICU (intensive care unit), kung saan majority ng pasyente ay in deep coma?!

Doctor na daw ang magtutusok sa pasyenteng iyon.

****

Grabe na the week that was! (AMP!!!!!!!!!!!!)

Duty sa ward, isa sa mga areas na nakakapagod talaga.  Tatlo (3) ang na-handle kong pasyente noong 1st day, at nagkasakit ako na tumagal hanggang 2nd day.  TEAM LEADER ako noong 3rd day, at sinumpong ng sakit ng tiyan.  Noong 4th day ay medyo "benign", pero nabawi rin nung 5th day.

1:00PM ang start ng duty, pero dumadating ako sa school ng around 10:30AM to 11:00AM para sa mga bagay-bagay na kailangang gawin.  Kaya naman medyo nade-deprive ako ng quality rest time.

****

Ilang gabi nga rin pala akong natulog nang hindi naghihilamos at hindi nagtatanggal ng gel sa buhok.  Diretso tulog agad.





Thursday, March 30, 2006
Extra Tsalenj

Bakit ba parang bawat araw na lang duty ko ngayong "Summer Intensification Duty" ay nagiging HANDICAP MATCH?

Noong Monday ay 3 pasyente ko, at sumakit ang ulo ko noong 2nd half ng duty namin, na may kasamang pakiramdam na parang masusuka.  Kaya disoriented na ako hanggang matapos ang duty.

Noong Tuesday naman ay hindi pa rin nawala ang epekto ng sakit ng ulo ko.  Hindi pa rin ako magaling.

At kahapon naman (Wednesday) ay sumakit nang todo ang tiyan ko.

****

Kahapon bago ang aming duty ay nagising ako bigla dahil sa sobrang pananakit ng tiyan ko.  Namilipit ako sa sakit.  Diretso akong banyo.  Nang makaraos ay natulog muli.

At ilang minuto pa lang ang lumipas ay sumakit na naman ang tiyan ko, kaya sa banyo ulit ang tuloy.  Kumain na ako ng agahan, at sumakit muli tiyan ko, kaya banyo ulit.  Ilang minuto ang lumipas at sumakit ulit, kaya balik ulit sa banyo.  Paulit-ulit.  Ampota.

Hanggang sa duty na ako inabutan ng *peak*.  TEAM LEADER pa man din ako.  Bigla tuloy nanuyo labi ko, pinawisan ng malamig, at namutla na rin siguro.  Napaghandaan ko naman ang scenario na ito kaya sa kalagitnaan ng duty ay um-exit (ampota ano yan??!!) muna ako saglit at *toot*.

Pero makalipas ang 3 oras ay muling sumakit ang tiyan ko.  Tiniis ko na lang.





Wednesday, March 29, 2006
Kawawang nilalang

Second day ng duty sa ward.  Mapalad ako at imbis na 1:00pm ako nagsimulang mag-duty ay 5:00pm na dahil sa tinatawag na "colloquium", ang defense ng thesis chapters 1-3.  *fast forward*

Katulad ng kahapon ay mainit pa rin at hindi pa rin ok ang pakiramdam ko.  Kulang ang pahinga ko kagabi para mawala ang nararamdaman ko, pero napasabak pa rin ako sa matindi-tinding pagsubok kanina - SOAPIE formulation, intake and output record, magtiis sa sobrang init, etc.  Naging dalawa na lang pasyente ko kanina, sa kadahilanang umuwi na ang isa sa 3 hawak ko kahapon.  Nagpakamusta pa nga daw e.  Naks.

Binalak kong magpahinga nang mabuti pag-uwi para gumaling na, subalit napag-alaman kong hindi pala maaari ang binabalak ko.  May mga kailangan pa akong gawin - mga requirements na ipapasa bukas at sa ikalawang araw.  May assignment din kami na magbasa tungkol sa HEMOPHILIA at DIABETES MELLITUS.

At ang pinakamatinding dagok (?) sa lahat ay nang malaman kong TEAM LEADER pala ako para sa sunod na araw.  Ako ang aalam sa updates tungkol sa mga pasyente ng mga ka-grupo ko, ako ang magre-remind sa mga kailangan nilang gawin, at kung anu-ano pa.  Woohoo.

****

Ok lang mabigyan ng challenges.  Ok lang ma-test ang makakaya ng aking abilidad,  pero wag ngayon.

Ok lang sa akin na gumising nang maaga para gumawa ng mga kailangang gawin, pero wag ngayon.

Gusto ko lang sanang mamahinga na muna at hindi pa rin ako gumagaling mula sa naramdaman ko noong unang araw ng duty.

Pero no choice ako e.




Tuesday, March 28, 2006
Duty

Nagsimula na kahapon ang aking summer intensification duty.  Ampota, INTENSE talaga.

Assigned kami sa ward.  In-accept ko ang challenge na mag-handle ng 3 patients... at nalaman kong hindi pa kaya ng abilities ko ang ginawa ko.

Sa 2nd half ng duty namin (mga around 6:00pm onwards), nakaramdam na ako ng sakit ng ulo at pakiramdam ng nasusuka.  Ampota.  Hanggang sa tapos ng shift ay ganun.  Nakaalis kami sa ward ng 10:30pm, e dapat by 10:00pm tapos na.

Sobrang init pa.  Maya't maya ay tutulo ang pawis ko.

Na-disorient ako.

Muntik na namang magkamali.

Ayoko na..!!!




Sunday, March 26, 2006
Sa bigote pa lang

Situation:  Mainit.  Daw.  Iisa lang ang electric fan, kaya naghanap pa ng ibang electric fan sa paligid.  At...

*clicking sounds heard, tila pinapatay-sindi ang isang electric fan*
*lumabas si TAO 1*

TAO 1:  "Merong electric fan doon sa loob, kaso hindi gumagana..."
TAO 2:  "Hmmm... Nakasaksak ba?"
TAO 1:  "Hindi ko na in-attempt..."

*na-siyak ang lahat*

****

Overnight swimming sa Pansol, Laguna, noong Biyernes.  Yes.  First time in 10-11 months.  Woohoo.  Nagdala pa ako ng swimming cap at goggles na hindi ko rin masyadong napakinabangan.

Kinapalan ko rin mukha ko at kumanta sa videoke machine.  Ilan sa mga kinanta ko ay ang "Kahit Pa" (siyempre ngongo version din... bilang tribute sa original), "KLSP", "Lunes" ng Spongecola at "Hanggang Kailan".  Ampota.

At nakainom muli ako ng alkoholik drink.  Kaso hindi ako nakarami dahil 1. ayokong malasing at ayokong sumuka (na naman) 2.  busog na ako, hindi na kaya ng aking tiyan.  At lasang tansan pa yung beer.  Amp.

Then I found myself alone in a corner (kahit hindi naman talaga ako nasa corner).  Anak ng.  Para akong loner.  Parang walang friends.  Nag-iisa.  Nakasimangot.  Parang baliw na in-arrange ang deck of cards in order.  Bakit?

... natatae na kasi ako.

Nang ma-relieve ko ang sarili ko ay bumalik na ang dating sigla.  Haha.  Amp.

****

Hindi ko lang maisip kung bakit...

... ang mga pinto ng CR at shower room doon ay hindi masara.  Laging may "mismatch" sa pinto at sa space na dapat na ino-okupahan nito.

****

Nakauwi ako kinabukasan (Sabado) ng mga kwarter to 2:00pm.  Dumaan pa kasi kami ng SM Dasmariņas.  Sa wakas ay nakabili na rin ako ng



Woohoo.

****






Thursday, March 23, 2006
Sige lumingon kayo at magiging asin kayo

Naramdaman niyo na ba... ang pakiramdam ng tinitingnan ka ng napakaraming mga mata?

Anak ng.  Hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin o gawin ko noong ako'y tinitigan ng humigit 120 estudyante kanina.

Lecture-orientation kanina ng 3 sections para sa Intensive Care Unit at Emergency Room duty, at nakaupo ako sa may likod sa may dulo.  At biglang nabanggit ng lecturer ang aking pangalan, dahil kilala ako ng lecturer at may tinatanong siya.

Naglingunan lahat sa akin.  Sa mga moments na yun ay hindi ko na naintindihan ang mga naririnig ko sa paligid.  Nasa isip ko na lang, "Ano ba'ng gagawin ko?!?!".

Isisigaw ko sana, "HINDI AKO UMUTOT!!!"




Tuesday, March 21, 2006
!!!atuP

sa mIRC:

<henyo`> sumbong ko un sa def-ed e? tama ba?
<mordecai> def-ed amp!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
<henyo`> ano ba dapat?
<henyo`> hehe
<mordecai> DepEd
<mordecai> amp!!!!!!!!!!!!
<henyo`> hehe
<henyo`> bu uin mo nga
<mordecai> Department of Education
<mordecai> amp
<mordecai> CHED = commission on higher education
<henyo`> ahh
<henyo`> ano na acronym nan?
<mordecai> ha?
<henyo`> ano na acronym ng.. department of education, comissing on higher education?
<mordecai> comissing AMP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

****

Tapos na ang "Eviction Day" sa aming paaralan para sa semester na ito, kung saan nalalaman kung sinu-sino ang mananatili at kung sinu-sino ang mamamaalam.  At ako, ayon kay Kuya, ay mananatili sa kanyang bahay.

Lahat ng efforts ko ay nagbunga para sa nagdaang semester.  Napagisip-isip ko, mali pala ang sinabi kong hindi ako masyadong nag-eexert ng effort upang pumasa.  In fact (pakt), I have worked harder than those who are "regular perseverants".  Perseverants.  Ano kaya yun?!

Yes, I have worked harder.  Bakit?  Dahil ang mga simpleng bagay ay ginagawa kong mas komplikado at mas mahirap para sa akin.

Isang regular episode nito ay ang pagre-review para sa weekly influx (?) ng exams.  Lagi akong may Sabado at Linggo para mag-review, ngunit ang nangyayari ay Lunes ng madaling araw ako nakakapag-aral.  Masyadong maraming kailangang aralin sa loob ng kaunting oras.  At dahil diyan, kailangan galingan ko ang pag-aaral - kailangan alamin ko kung ano ang mga posibleng lumabas sa exam at kung ano ang hindi na dapat bigyan ng masyadong atensyon.

Isa ring halimbawa ang paggawa ng mga requirements.  Lagi kong ginagawa sa araw o ilang oras bago ang submission.  Mahirap yun.

Para sa isang regular na masikap, hindi sila tensionado sa pag-aaral dahil napapaghandaan nilang mabuti ang bawat week.  Hindi na rin nila kailangang mag-cram para matapos ang lahat ng kailangang tapusin.  Relax na lang sila, habang ako naman ay pinipilit maging kalmado sa gitna ng matinding pressure.

At pumasa ako sa ganitong pamamaraan.  Ang galing ko...!

(Partida!  Hindi ako nag-aral para sa comprehensive exam at nag-cram lang ako para sa major exam sa Medical-Surgical Nursing!) *hydrocephalus*

****

Para sa mga mamamaalam:  Be strong.  WAG KAYONG MAGPALIT NG COURSE!  Mahirap ang buhay ngayon.  Mas ok maging praktikal. 

Patunayan ninyong kaya niyo ito kahit ano pa mangyari.  Huwag hayaang ang isang pangyayaring ito ang magtapos sa lahat ng pinaghirapan niyo.  Isang taon na lang, maaari na tayong maging RN.  Registered nurses at registered nerds.  Huwag mawawalan ng loob.  Naabot ninyo ang stage na ito, meaning magagaling kayo.  At huwag ma-disappoint...  May magandang nakalaan para sa inyo kaya nangyari ito.

Sabi nga ni Coach Anzai, "Habang may oras, may pag-asa."  Hindi pa ito ang katapusan, kaya wag susuko.

****

Lagi akong LATE.  Halos araw-araw na lang ay nagmamadali ako sa pag-alis ng bahay para lang makarating nang maaga-aga sa paaralan.

Last week, napakasaklap ng nangyari sa akin.  Exam day yun.  Binalak kong umalis nang maaga para hindi ma-late.  Nagawa ko namang umalis nang may kaunting allowance na time para maaga-aga ang aking pagdating.

Ngunit...  Na-traffic ako sa isang lugar na hindi naman usually ma-traffic.  Matapos ang mga 10 minuto na nakatigil lamang, gumalaw na rin ang aking sinasakyang dyipni.  Apter payb minits ay nagawa na ring lumiko nito sa kanto na papunta sa aming paaralan.  Yes.  Mga isang minuto na lang mula sa paglikong iyon at makakarating na ako sa paaralan namin.  Pero... maglalakad pa pala ako ng mga 5 minuto pagkababa para makarating sa building kung saan ako mag-eexam.

Pero...  PUTA, TUMIGIL YUNG JEEP!!!  BUMABA YUNG DRIVER, MAY INAYOS SA MAKINA!!!  AMPUTA!!!  ANTAGAL NIYA!!!

PUTA!!!!!!!  Late na late na akong dumating.





Sunday, March 19, 2006
Urth

Habang ako ay nanonood ng "Everybody Hates Chris" sa Jack TV, kinatok ako ng aking kapatid.  Mali...  Kinatok ng kapatid ko ang pinto ng kwarto ko habang nasa loob ako.  May ipapakita daw siya sa akin.

Mula sa kanyang PC, pinakita niya ang isang satellite shot ng aming bahay.  Yeah.  Kita ang aming bahay, gamit ang tinatawag na Google Earth.  Astig.  Anlayo pala ng nilakad ko noong Biyernes kung titingnan from the top.  Two (2) kilometers ang nilakad ko mula highway hanggang sa amin, at inabot ako ng 25 minutes bago ako nakarating sa amin.

****

Nag-download na rin ako ng Google Earth, dahil na rin sa inggit.  Nakakatuwa.  Kita ko ang mga pasikut-sikot sa aming lugar.  Amporchuneytli, hindi lahat ng lugar ay makikita.  Ang mga makikita lamang sa Pilipinas na porsyon ng Google Earth ay mga bahagi ng Pampanga, Cavite at Bulacan ata.  Pero kasama sa mga makikita ang aking tinitirhang lugar.

Mukhang maso-solve ko na ang isang misteryo na aking hinarap noong simula ng summer vacation namin matapos ang 1st year 2nd sem.

Nag-bike kasi ako, kasama ang isang kaibigan, sa isang lugar na hindi namin alam kung saan patungo.  Rough road yun, at puro kabukiran ang nasa paligid.  Habang kami ay nagba-bike, may nadaanan kaming lalaking nakatayo.  Pinatigil niya kami. 

Akala ko ay bubunot siya ng kutsilyo o baril at itututok sa amin.

Tinanong niya kami, "Taga-saan kayo?".  Akala ko ay ire-report kami sa aming barangay dahil sa trespassing.  Kami ay sumagot.  Pagkatapos ay sinabi niyang...

Huwag daw kaming tumuloy.

Nagtanong kami kung bakit, pero hindi niya sinabi.  Nagtanong ulit kami, ang sabi na lang niya ay "Basta.  Huwag na kayong tumuloy."

Bumalik na lang kami sa aming pinanggalingan nang may kaba... habang hinahabol ng mga aso.

Matapos noon ay nag-isip kami kung anu-ano ang mga posibleng dahilan kaya kami hindi hinayaang dumiretso.

May mga adik kaya doon?

Mga rebelde?

Mga kumakain ng tanga?

May warp zone kaya doon papunta sa ibang dimensyon?

****

Tapos na nga pala ang exam week namin.  Main event yung noong Sabado, yung tinatawag na "Comprehensive Exam" kung saan lahat ng topics mula prelim hanggang final term ng Medical-Surgical Nursing ay kasama sa exam.  Pati na rin topics tungkol sa Physical Assessment.

And as usual, hindi ako nakapag-aral mabuti.  Woohoo.




Friday, March 17, 2006
SPOT THE DIFFERENCE!

Featuring Rodelio Manuel Jr. (left) and...

Rodelio Manuel Jr., again (right)




Wednesday, March 15, 2006
Follow my lead

Nakakainis ang mga text messages na parang ganito ang laman:

"Ako ay... <blank>  Ayoko ng... <blank>" (incomplete statements na iyong dudugtungan)
"Pick one from the following then I'll send the meaning to you."

Hindi ko alam anong sense ng mga mensaheng iyon.  Mapupuno lang ang inbox ko na hindi naman umaabot sa 1,000 messages ang capacity.  Kahit 100 nga ata ay hindi kasya sa inbox ko.

At yang mga meaning meaning na yan...  Totoo ba yan?  Anong basis ng mga yan?  May mga studies ba na nagsu-support sa mga yan?  Kung meron, ilagay niyo sa Review of Related Literature at sa Theoretical and Conceptual Framework.

Ano ba ang tingin ko sa mga mensaheng iyan?

Iyan ay mga modified/pinagandang "Huy!  Magreply ka!"

O kaya'y panghuli kung naka-unlimited ka at ayaw mo lang talagang mag-text.  Hindi ka naman siguro magrereply sa ganun kung hindi ka naman naka-unlimited di ba?  Sayang ang piso.  Nahurot akong piso.  Nayataps akong kwatro.  Nahuman akong otso.  Nahuman akong otso.

****

FOLLOW MY LEAD

Ako ay isang nursing student sa <paaralan>.  Para sa mga kukuha ng kursong nursing bilang kanilang kurso sa kolehiyo, pakinggan ninyo ang aking mga abiso.  Ang mga sumusunod ay based sa aking mga eksperyensya (experience).

1.  Maluwag pa sa first year ng college.  Parang high school review lang.  Maraming oras para sa inuman, gala, mall tour ng Sexbomb, at kung anu-ano pang trip mo.  Haha.

2.  Ihanda ang sarili para sa subject na Anatomy and Physiology.  Huwag masyadong ma-overwhelm (?), madali lang yan.  Mag-aral ka kahit isang oras lang bawat araw para doon.  Wag mag-cram.  Sa ibang subject ka na mag-cram.

3.  Humanda para sa mga subjects na walang silbi sa pagiging nurse, tulad ng Philippine History, World Literature, at Filipino Literature featuring "Si Popong."  Marami pa yan.  Kayo na ang dumiskubre sa iba.

4.  Ihanda na rin ang sarili sa possibility na 10-hour lecture.  Ten hours ng isang subject lang yan.

5.  Alamin niyo na agad ang magiging flow ng inyong curriculum.  Kung sa curriculum ninyo ay isa na lang ang summer vacation niyo na, sulitin niyo iyon.  Mami-miss niyo iyon nang sobra.

6.  Matutong mag-manage ng oras para sa mga aktibidades.  Kalokohan lamang ang pagsasabi ng "Wala akong oras!", dahil napakaraming oras para gumawa ng bagay-bagay, pero kalimitan nauuna ang mga gawaing GUSTONG gawin at hindi ang mga KAILANGANG gawin.  (in short, wag niyo akong tularan)

7.  Huwag din namang puro aral ang gagawin.  Matatawag kayong "nerd" niyan.

8.  Matulog nang maaga, lalo na pag may 8-hour o 10-hour lecture kinabukasan, o may duty sa ward.  Pag sa OR ok lang mapuyat, basta hindi ikaw assigned na scrub o circulating nurse.

9.  Iba ang mundo ng 3rd year, dahil dito lang talaga nagsisimula ang kursong nursing.  Ang totoong nursing.  Parang pre-requisite lang ang mga unang years, dahil doon kinukuha ang mga required na AHSE subjects.  (Ano ba talaga meaning nun?!  Allied Health Sciences Education?  Allied Health and Science Education?  Associate in Health Science Education?)

10.  Impyerno ang buong 3rd year.  Pero mas malala sa 2nd semester.




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed