Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Saturday, March 31, 2007
Take a rest now, Canon S3IS

It has been a hectic month for my Canon PowerShot S3IS after purchase. It has taken 1000+ pictures in a span of a month (well of course, others could easily top that), and most of the pictures are stills from performances.

My review for the board exam starts tomorrow, so gig attendance will be lessened to some extent.

My camera could rest for now.

****

I've been uploading some videos on YouTube recently. I noticed that uploading there is faster. But something's wrong about the videos I have uploaded there: The video and the audio don't match.

NOTE: Amp, may grammatical errors at typographical errors ako. Amp. Kaya in-edit ko hahaha!




Friday, March 30, 2007
22222

Ito ang nakita ko sa odometer pagkauwi ko sa bahay namin galing Makati.


Discrimination?

Bitterness surrounds me as I type this (?). We came very early at Tropezz for Sofia's show to get some good seats, yet we (I, Dustin, and Patrick) were made to sit inside the 'VIP Room' courtesy of the service crew. It sounds good to be in the VIP room, but it meant being at the back end of the bar/restaurant. The VIP room is also 'shielded' with glass, therefore the sound from the outside is muffled.

One of them even said before we were ushered into the VIP room, "Kung gusto niyo po, sa VIP room para po hindi masyadong maingay." What the. I came there to watch and listen to the show, not to have a quiet time.

We thought, we were made to sit there because we looked like we didn't have enough money to eat there. Discrimination, probably? Did we look like we can only afford to buy 3 bottles of Cerveza Negra? (which we did buy because we were 'forced' by the crew to buy something, although I would have bought something to eat if I was really hungry)

We had tickets. They are even.. *blank* kind of tickets. But we were placed by the crew in our most unwanted place during that night. Why's that?!




Thursday, March 29, 2007
PRC requirements: 0% done

Ang requirements ng PRC para kami ay makakuha ng Nursing Licensure Exam o Board Exam ay 5 forms na naglalaman ng OR at DR cases, mga significant data, at mga signatories.

Ang mga kamag-aral ko dati ay naka-ilang balik na sa paaralan namin para magpapirma. Mayroon ding mga dumadayo pa ng Trece Martires (Cavite), Cavite City, Amadeo (Cavite), at kung saan-saan pang malalayong lugar para magpapirma. At ang ilan sa kanila ay uuwi nang bad trip, dahil may minor na pagkakamali na kailangang baguhin. Meaning, uulit sila ng pagpapapirma.

Ako, wala pa akong napapapirmahang kahit ano. Wala pa nga akong napri-print na kahit anong form. Mamaya (Thursday) daw ay hanggang 12:00 lang ng tanghali available ang mga pipirma, at outing daw nila sa Friday.

Start na ata ng review ko sa Linggo. Kung hindi Linggo ay sa Lunes.

Wala naman sila sa Sabado at Linggo sa school.

I therefore conclude na bukas na lang ang natitirang angkop na panahon para magpapirma ako bago mag-start ang review.

Pero...

... hindi ko pa naaayos form ko...!!!!

****

Tama bang dahil lang sa kulang ng middle initial ang pangalan ng isang surgeon sa nasabing forms ay hindi na ito pipirmahan?

Parang sayang lang din ang case kung hindi mapipirmahan ang form dahil lang dun. Ang balita ko ay sa PRC naman ay hindi naman required na may middle initials ang surgeons.  Pero ang school namin ay nire-require na maglagay ng middle initials.

Krap (?).

Kaya hindi ko matapos-tapos ang form na yun ay dahil sa middle initials na yun. Tæ.

I almost ran over someone

Pauwi ako galing Makati. Mga 12:30am na. Sa Aguinaldo Highway ako dumaan. Wala masyadong mga sasakyan. Ang kotse ay nasa 80kph.

Sa opposite lane ay may naka-high beam. Wala akong makita sa harap ko. Para akong bulag dahil kadiliman na ang nakikita ko.  Mula sa may inner lane ng 4-lane highway na iyon, gumitna ako sa pagitan ng inner at outer lane, para maiwasan ang mga hindi ko makita sa gitna ng highway tulad ng mga tao.

Lumampas ang sasakyang naka-high beam. Nagulat ako. Biglang may lalaking naka-violet na nakatayo sa highway, naghihintay ng tamang oras para tumawid. Ang problema, WALA SIYA SA GITNA NG HIGHWAY. Nakatayo siya sa may inner lane. Napa-steer ako bigla sa kanan sabay busina. Hindi siya dapat nakatayo doon. Dapat ay nasa gitna siya.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.

****

At kanina ay may mga na-encounter akong mga engot na pedestrian. Mga tipong wala atang common sense na tumingin muna sa kaliwa't kanan bago tumawid. Kapag nagdri-drive ako ay ganun lagi ang ina-anticipate ko. At madalas mangyari yun. Maraming tatanga-tangang tumawid.

Marami ring mga sasakyan na hindi man lang tumitingin sa side mirror o sa gilid bago lumiko. Ilang beses na akong muntik mabangga dahil sa mga ganung klase ng sasakyan. Pero dahil ina-anticipate ko na ang mga ganung pangyayari, nakakaiwas naman ako sa disgrasya... so far.




Wednesday, March 28, 2007
Headphones

Naiirita ako sa mga taong may nakasabit sa ulo o sa leeg na headphones. Headphones. Yung malalaking headphones. Yung mga tipong suot ng mga DJ sa mga clubs.

Noong Sabado ay may nakasabay ako sa LRT na ganoon ang porma. Hindi ko lang alam kung nakakabit ang jack ng headphone sa kahit anong player. Siguro kung maglalakad siya sa nilakaran ko pagkababa ng LRT (Pedro Gil), na-holdup na siya doon.

Meron naman dati, nasa loob mismo ng simbahan ay may nakasabit na headphones sa leeg. P*tang inang yan.

****

Pangit ang kasamang earphones ng iPod. Bilang isang maarte pagdating sa sound quality, hindi pasado para sa akin ang tunog nun.

Pero marami akong nakikitang iyon ang gamit. At mas gusto nila na hindi nakakabit sa earphones yung kasamang itim na foam, e ang foam na ito ang nakakabawas sa sobrang treble at nakaka-improve ng bass quality.

Pangit na nga ang player (iPod.. at meron ako niyan kaya alam kong pangit), pangit pa ang earphones (yung kasama ng iPod).

****

Ulit, iPod sucks.

****

At nakaka-bad trip pag may mga taong nakikihati sa earphones habang nakikinig ka. Ang earphones ay ginawa para sa isang set ng tainga, hindi para mapaghatian (haha andamot). Napansin niyo na ba na kapag halimbawang nasa kaliwang tainga lang nakapasok ang left o right speaker ng earphones, pagkatanggal niyo nito ay hindi pantay ang pandinig ninyo?

Ganun ang ayoko. Ayokong magkaroon ng hindi pantay na pandinig.




Monday, March 26, 2007
Humidity

Nag-research ako kanina (naks) tungkol sa humidity at kung bakit kakaiba ang init kapag humid ang kapaligiran.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang humidity ay nakakabawas ng effectiveness ng perspiration. Bumabagal ang evaporation ng pawis, na kailangan upang lumamig ang katawan. Kapag bumagal ito, hindi agad mapapalamig ang katawan.

Kaya naman pala anlagkit-lagkit ko at nakakaramdam ng sobrang init.

Isang solusyon pala ang pagligo. Ngayon ko lang nalaman (?).

Napakainit

Kahapon, ang pinakamataas na temperaturang nakita ko sa aking digital clock slash thermometer ay 34.3°C. Kahit noong gabi, mainit pa rin. Lumamig nang kaunti noong magising ako nang madaling araw (at hindi na ako nakatulog ulit hanggang 6:00am).

Nanlalagkit na ako.

... hindi pala ako nakaligo kahapon.

AAAAAAAAAAAAMP!!!




Sunday, March 25, 2007
Tuliro

Hindi ko alam, pero nung una kong marinig ang Tuliro ng Spongecola, ang naisip ko agad ay may katunog ang kantang yun. At naisip ko na ang verse ay katunog ng verse ng "Mr. Lonely."

At kanina, naisip ko naman na ang chorus ng Tuliro ay katunog ng "Father and Son" ni Cat Stevens.

The Canon PowerShot S3IS 'flaw'

I've been wondering for some time now: Why are my shots not as sharp (even if set at the highest resolution, superfine setting, +2 sharpness) as the pictures I've taken with the PowerShot A510? I've seen reviews before that pictures from the S3IS are a bit on the soft side, but, why are they TOO soft?

I looked over the pictures I've taken yesterday. I remember getting the right focus for each Sexbomb Girl.  Then I noticed something: My picture of Evette is a lot sharper than the rest of the other pictures.

I then attempted to test the camera. I took pictures of myself (note: They are not vanity pictures. They are just test shots. I deleted them right after reviewing.)  Then I discovered something.

The pictures were soft / slightly blurred when the image stabilization is on, and the pictures were very sharp when the image stabilization is completely off. *with flash on, 1, P mode, 1/60 exposure*

I then concluded that the image stabilization of the S3IS may 'overperform' sometimes.  Too late, 4 of my 5 Sexbomb Girl pictures are soft.




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed