|
Sunday, March 30, 2008
...your patient during a hemodialysis treatment, who usually speaks Tagalog, suddenly cries and says: "Please... let me go! I'm tired... tired, tired, tired!!!" "I don't want to talk to you anymore..." "Please don't leave me... I want to stay... not here, but in our house..." **** Mega Code. Main event ng ACLS (Advanced Cardiac Life Support) training. Noong turn ko na para maging team leader ng code team sa simulation ng isang code: Instructor: "Two minutes [are up]!" Me: "Stop compression. Let's analyze the rhythm. Switch roles." *ECG reading displayed on the monitor* Me: "The patient is on... Um......................... *sa isip : ano kaya yan..? ano yan?!?!*" *30 seconds after* Me: *tinuruan discreetly* "The patient is on.......... atrial.... fibrillation!" Instructor: "Are you sure?" Me: ".......yes!" Instructor: "Good!" Me: *sigh* @_@ Buti na lang at alam ko na yung sumunod na ECG rhythm, pati na ang interventions at medications. @_@
Posted at 3/30/2008 11:43:25 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, March 27, 2008
Resignation -- the sequel
.........................................
.........................................
.........................................
.........................................
.........................................
Embarrassing as it may seem, I am going to retract my resignation.
Posted at 3/27/2008 3:58:36 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, March 26, 2008
...totally.
I'm just waiting for karma to take its course.
Posted at 3/26/2008 2:12:19 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, March 24, 2008
May trabaho ako noong Good Friday. Wala masyadong sasakyan, at wala
ring MRT, kaya ginamit ko ang kotse namin papunta sa trabaho.
Noong umaga ay napakaluwag. Wala pang isang oras mula sa amin ay nasa trabaho na dapat ako (pero may konting detour ahehehe).
At noong gabi... parang ghost town sa Bacoor, Cavite. Nakakatakot. @_@ Hindi ako mapakali. Buti nakauwi ako nang buhay.
Posted at 3/24/2008 12:19:24 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, March 19, 2008
I already passed my resignation letter. I had second thoughts before about this matter, but since my only reason for staying will also be gone, might as well push through with it. Countdown starts now... ****
P*tang ina, kanina habang naglalakad sa Pasay papuntang MRT ay may isang lalaking naka-puting uniform na lumapit sa akin at bigla akong hinawakan sa [wrist] at hinila ako. Medyo pumalag ako habang nakatingin sa mukha ng lalaki. P*tang ina, natakot ako, tapos napansin ko -- KAKLASE KO PALA YUN NOONG 2ND YEAR COLLEGE! Danggago e. ****
Muntik pa akong hindi makapagpasa ng resignation letter ko, dahil ang clipboard na naglalaman ng resignation letter ko ay naiwan ko sa isang pa-duplicate-an ng susi sa Cubao, e nakasakay na ako ng jeep na papuntang Pantranco nang maalala kong may dala pala akong clipboard. Kaya naman bigla akong pumara, at tumakbo pabalik ng Cubao. TUMAKBO! CUBAO! TANGHALING TAPAT!
Posted at 3/19/2008 1:40:05 am
| Permanent link (Permalink)
Saturday, March 15, 2008
NOTE: Hindi ako ang nurse sa mga susunod na mga pangyayari
NURSE: *magi-inject ng gamot sa braso ng pasyente* PATIENT: ARAY!!! NURSE: *tuloy pa rin* PATIENT: ANSAKIT! May galit ka ba sa akin?! Sinasadya mo ata eh! NURSE: Hindi ho... AKO (sa medyo kalayuan): *snicker* (sa isip: "Buti nga. Hahahahaha. Gago ka kasing nurse ka.")
Posted at 3/15/2008 1:05:10 am
| Permanent link (Permalink)
Friday, March 14, 2008
Kaninang madaling araw ko lang ginawa ang aking updated resume at
application letter na aking ipapasa sa De La Salle University Medical
Center kapag nakumpleto ko na ang lahat ng requirements. Kagabi, habang
kino-compile ko ang requirements na meron na ako ay bigla kong
napagtanto na dapat DAWALANG RECOMMENDATION LETTERS ang ni-request ko
mula sa aming Dean, dahil dalawang separate envelopes nga pala ang
kailangang ipasa.
Alas-tres na ng madaling araw ay nagko-compile pa rin ako ng
requirements. Ang normal na gising ko para makapaghanda sa trabaho ay
9:00am, pero dahil kailangan kong pumunta ng school namin para
makahingi ulit ng recommendation letter ulit ay gumising ako ng 8:20am.
Ang tulog ko lang bale ay mga 3:00am hanggang 8:20am.
****
Muntik ako ma-late sa trabaho dahil nagtagal ako sa school namin. Pero
sa kabutihang palad ay laging sakto ang mga sasakyan: may bus agad na
pa-Pasay, may MRT na paalis na, at may jeep sa Cubao na isang pasahero
na lang ang kulang. Wow! What a mansion! Captain Wesker, where's Chris?
Stop it, don't open that door! XD
Posted at 3/14/2008 11:46:46 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, March 13, 2008
Ang governor ng New York ay nag-resign matapos masangkot sa isang scandal na nagli-link sa kanya sa isang prostitution ring. At ang presidente natin? Naakusahan na ng pandaraya sa eleksyon, matinding corruption at kung anu-ano pang isyu tulad ng "unconstitutional" deal na may kinalaman sa Spratlys -- at nasa pwesto pa rin siya. Tigas ng mukha! **** Akala ko alam ko na ang lahat Ng dapat kong malaman Ngunit mali na naman Pero ok lang 'yan - Akala by Parokya ni Edgar Akala ko lang pala... Akala lang... Mali na naman ako!!! >_<
Posted at 3/13/2008 7:59:13 pm
| Permanent link (Permalink)
Q: How would one know if he or she is in Cavite already? A:
Malayo pa yan sa dulo ng expressway (oo, EXPRESSWAY!), pero usad pagong o kaya ay standstill parang asystole. (?) Photo courtesy of DUSTIN PHOTOGRAPHY. Naks! Danggaling eh! XD
Posted at 3/13/2008 4:41:15 pm
| Permanent link (Permalink)
May pasyente ako kanina na nag-bulge ang kanyang AV fistula. Pero hindi
dahil sa pagtusok ko kaya nag-bulge, kundi dahil sa *nanisi ng iba*
biglang nalaglag ang lines mula sa pagkaka-tape sa side table (?) ng
upuan, at nahigit ang needles. Malamang nagalaw ang needles sa loob at
baka bumutas sa access. Hindi ko nai-tape nang maayos yung lines.
Nangyari ang lahat noong mga last 21 minutes ng hemodialysis treatment.
Bale kasalanan ko pa rin, pero hindi dahil sa tusok ko. Spare my
cannulation abilities. Nagkakaroon na ako ng confidence, at baka mawala
pa. (?)
****
Naipalam ko na sa admin head at head nurse namin ang balak kong
pagre-resign. Isang resignation letter na lang ang kulang para maging
official ang countdown to freedom (?) ko. Thirty (30) days mula sa
pagkakapasa ng resignation letter ang effectivity noon.
****
Kaso... mula sa "sigurado na ako" noong umaga ay naging "hindi ako sigurado" noong hapon matapos ko ipaalam sa kanila.
****
Hindi pala counted ang pagiging "orientee" ko sa working experience ko,
kahit na walang pinagkaiba ang trabaho ko bilang orientee at bilang
proby. Isa yun sa mga dahilan kung bakit bigla akong tinamad. Dapat ay
may 2 months work experience na ako, pero dahil doon ay may 1 1/2 weeks
working experience pa lang ako. ONE AND A HALF WEEKS!!! Matapos ng
lahat-lahat. @_@
****
Toxic kahapon at kanina, pero imbis na mabigatan ang loob ko e parang
natuwa pa ako. Naisip ko na preparation to para sa magiging trabaho ko
sa ER. Nyahahaha...
...yun ay kung sa ER ako mailalagay. Sa nakikita ko e parang sa
hemodialysis din ang kalalagyan ko kahit lumipat ako ng ospital. @_@
Posted at 3/13/2008 1:04:14 am
| Permanent link (Permalink)
|
|
|