|
Sunday, April 30, 2006
Posted at 4/30/2006 5:33:22 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, April 26, 2006
Caro Diario, Ako ay sinundo ng bus papuntang Philippine Orthopedic Center sa may Anabu sa Imus. Nagmukha akong tanga dahil hinila ko ang pinto, yun pala ay itutulak dapat iyon. Nagkaroon kami ng long exam sa POC. Hindi ako nakapag-aral nang maayos, dahil sa bus ko lang naisipang magbasa. Mahaba ang coverage. Sixty (60) ang total points. Dahil siguro April 26, 2006 ngayon ay 26/60 ang nakuha ko. At ngayon ako ay nanganganib bumagsak sa duty namin dahil sa lintik na exam na iyon. DANGLUPIT BA NAMAN EH. Pag mali ang column A, mali na rin ang column B, e nakakalimutan ko minsan ang sagot sa column A (name ng cast, traction o brace) pero alam ko ang sagot sa column B (purpose ng nasabing cast, traction o brace), and bise bersa. Napakaraming bumati sa akin kaarawan. Pero karamihan doon ay may kasunod na "Saan tayo mamaya?". Gusto nila ng blowout. Sinadya kong P185 lang ang dalhin: Isang P100 bill, isang P50 bill at coins na ang P35. Para kahit na maisipan kong manlibre ay di ko na magagawa. Napakarami kasi nila. Kaya para peyr (fair), wala akong inilibre. Ang kulit ni Tina. Inaaway ako. **** Hindi ko maintindihan... Tuwing Pinoy Big Brother Teen Edition, the sound gets all f*cked up. Tatlong araw nang ganun. Kanina, noong TV Patrol pa, maayos pa ang sound. Noong PBB na, biglang napalitan ng ingay at hindi na marinig ang mga nangyayari sa PBB. Noong patapos na ang PBB, saka umayos ang tunog. "What's going wrong?!" (Carbonera, 2006) **** It seems like every day that passes by I slowly fall deeper and deeper for you... "ay"
(kaya may "ay" para lang mag-rhyme yung sa dulo)
Posted at 4/26/2006 9:20:34 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, April 25, 2006
Happy birthday Tina. Hehehe. Tanda mo na.
Ngasss ka! Banatan kita diyan e. Joke... :-)
**** Classmate 1: *kausap ang mga ka-group, tila pinaparinggan ako* "Hmmm... Saan kaya maganda bukas?"Classmate 2: "Yellow Cab?"Classmate 1: "May Yellow Cab ba dito? Ay oo meron!"Classmate 2: "O kaya Ichizen!"Classmate 1: "Oo nga no. Sarap dun!"Paoe: *kunwari walang naririnig* Classmate 1: *kinausap ako* "Kuya, masarap sa Ichizen!"Paoe: "Edi mag-Ichizen kayo!"**** Classmate 3: "O ano... saan tayo bukas?"Paoe: "Sa POC. Magdu-duty."
**** Huling araw ko na bilang tin-edser. Bukas ay... tin-edser pa rin ako. Twenteen. Hehe. Hehe ko mukha ko.
Ngiii. Buti na lang hindi ako sumali sa Pinoy Big Brother Teen Edition, dahil kung nakapasok man ako ay baka mamaya o bukas ay palayasin na ako sa bahay ni kuya dahil hindi na ako matatawag na "teen."
Posted at 4/25/2006 6:28:09 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, April 24, 2006
For the next 2 weeks (kasama na tong week na to), duty namin sa Philippine Orthopedic Center (POC) sa Quezon City, kung saan ang lahat (daw) ng nursing schools ay required mag-duty dito para makakuha ng board exam ang mga graduates. At kami ay galing Dasmariņas, Cavite. "DANGLAYO EH!!!"
Gumising ako kanina ng 2:00am para makarating sa school ng before 4:00am, dahil yun daw ang call time. Aalis daw ng 4:30am galing sa school namin, pero mga 4:50am na nakaalis ampota. Mabuti't nakarating kami doon sa POC bago mag-6:00am. "Ba naman, dangdaming cause of delay eh!"
11:30pm nga pala ako natulog kinagabihan nun. **** Mahirap magkaroon ng sira o nabubulok na ngipin. Mahal ang magpa-pasta. Sa aking dentista, P400 per tooth ang singil para sa pasta. Sampu (10) ang total na ngipin na nilagyan ng pasta. At hindi pa kasama doon ang ginawa sa tatlo (3) sa front teeth ko.
Tama ba namang makatulog ako habang pinapastahan ako?!
Posted at 4/24/2006 7:20:22 pm
| Permanent link (Permalink)
Saturday, April 22, 2006
Humihingi ako ng hustisya. May kadayaang nagaganap ukol sa distribution ng OR at DR cases. Ang sabi sa amin, I-PRIORITIZE ANG MGA MAY PINAKA-KAUNTING OR (operating room ) AT DR (delivery room) CASES. Pero may mga buwaya na naka-kumpleto na ng MAJOR OR CASES noong nakaraang duty namin, samantalang ang iba sa amin ay nakaka-3 pa lang, kasama na ako doon. Ang required ay 5 major at 5 minor cases para kami ay makapag-board exam. At kung kailan may case sa DR, saka naman ako in-assign sa OR, at hindi as "scrub nurse" (ang mag-aassist sa pag-aabot ng mga kakailanganin ng surgeon) na makakadagdag sa cases. AMP*TA!!!!!!!!!!!!
****
Marami talaga ang gustong magdusa ako. Maraming nagsesend ng mga mensaheng "Pass this to X people. Do not ignore, or you will experience Y years of bad luck.", where X = number of people and Y = number of years. Mga tipong ganyang mensahe. May sinasabi pa silang wala namang mawawala, unlimited naman. Pero ayokong maging annoyance sa ibang tao. Ayokong maging tulad nung mga nagsesend sa akin ng ganun. At meron din namang patuloy sa pagf-flood ng inbox ko. Hindi na sila naawa sa akin. Hindi naman nakaka-store ng 1,000+ messages ang phone ko, kaya walang space dun para sa mga ganun. Magigising na lang ako nang may 10+ messages, at majority sa 10+ messages na yun ay galing sa iisang tao. May messages na humihingi ng reply (yung may kailangan kang fill-up-an), may messages na pinapapasa sa iba, may messages na sadyang walang kabuluhan. Pwede naman silang magsend ng "Hi. Ampogi mo. Idol kita." o kaya sendan na lang nila ako ng load. Pang-ilang ulit ko na ba ang reklamong to? **** Salamat naman at nakabitan na ulit ng e string ang gitara ko!!!
Posted at 4/22/2006 9:10:24 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, April 20, 2006
Ryan M.: "Alam mo ba ang number ng HSC (Health Sciences Campus) ?"Paoe: "Hindi e. Hindi kami phone pals." Ryan M.: "Phone pals amp... Wala ba sa registration form niyo?"Paoe: *hinanap ang registration form* "Wala e. Pati sa resibo wala din yung number."Ryan M.: "Amp... e sa ID niyo?"Paoe: "Amp... pati sa ID wala din! Punta ka na lang ng HSC tapos tanungin mo ano number nila."
Posted at 4/20/2006 4:32:37 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, April 17, 2006
Noong ako ay nasa 4th year high school, nagkaroon ng isang event bilang paggunita kay dating Blessed Hannibal Maria di Francia (na ngayo'y St. Hannibal na), ang founder ng aming paaralan. And the organizers came up with a very brilliant idea. Shining and shimmering idea. Tutal uso naman ang hiphop noong panahong iyon, noong panahong ang mga walang sariling favorite na music genre at nakikuso lang ay mga maka-hiphop pa, at itinuturing na weirdo umano ang mga mahilig sa rock. Napansin niyo bang putol ang sinabi ko? Haha. Ayun. Eto na: Nag-organize sila ng RAP COMPETITION. Na sariling compose ang rap, tungkol kay Hannibal. Bilang isang poser na hiphopper, sumali ako, although initially ay "ivinolunteer" ako ng mga kaklase ko. Wow. Pinapunta pa sa harapan ng klase matapos piliin ang mga sasali sa naturang competition. Masyadong mabilis ang pangyayari, kaya nai-distribute lang sa aming mga "rappers" ang composition na ginawa ng mga kasama ko noong araw mismo ng competition. Anlaki ng problema ko sa lines na ibinigay sa akin. Hindi ko ma-memorize agad, dahil hindi ko rin maintindihan ang mga nakasaad doon. Ilang oras akong paulit-ulit, at maraming beses din akong nagkamali. Sa kabutihang palad, noong unang round (?) ng rap competition ay nabuo ko ang mga linya ko... ...hindi tulad nung iba diyan. Yung iba kasi diyan, todo practice bago ang competition. Memorized niya na ang lahat ng lines niya, at kita ko ang confidence niya. Napakahaba ng lines niya, pero na-memorize niya. Galing. Pagdating sa competition: "Ever since day one..." *nakalimutan na ang lines at biglang turo sa lead singer* Note: Ang pagturo sa lead singer ay sign na "Nakalimutan ko linya ko!!! Kantahin mo na yung chorus para hindi halata!!!"
****
Noong sumunod na araw ang "Championship" ng nasabing competition. Oo, pasok kami sa championship. First pa nga kami nung unang round e. Anyway, namroblema pa rin ako sa lines ko, kaya naisipan kong wag na lang mag-rap noon at umarte na lang na kunwari ay beatbox. At yung iba diyan... Nabuo niya na rin ang kanyang lines. Pero second placer na lang kami noon. **** Until now I am continually haunted by my lines, c/o iba diyan.
Posted at 4/17/2006 7:37:31 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, April 13, 2006
Sa isang pag-uusap sa Yahoo! Messenger: TOPIC: May nasunog daw na palayan. Paoe: "di ka nasama dun sa nasunog?" (pang-asar na tanong) Name withheld: "hindi.. pero nasophocate ako haginit na.. napalibutan ako ng apoy amf"Paoe: "sophocate amp!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"Name withheld: "mali ba? spelling?"Name withheld: " hehe"Paoe: "mali!!!!!!! amp"**** Ngayong araw na ito ay bertdey ng aking nakababatang kapatid. Fifteen (15) years old na siya.
Binisita namin siya kanina sa kanyang libingan.
Posted at 4/13/2006 11:03:30 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, April 11, 2006
I miss the simple life. No, not the show which features Paris and Nicole. The simple life. Payak na buhay. Isang taon pa lang ang lumilipas mula noong isang taon (amp!!!), at marami agad ang nagbago. Noong nakaraang taon, marami pa akong mga nagagawang mga bagay na nakapagbibigay sa akin ng ligaya (?), tulad ng paglalaro ng Grand Theft Auto: San Andreas, pagpunta sa mga gigs, paggising nang maaga upang mag-bisikleta't tumakbo at pag-uwi ay kakain din ng marami, at matutulog din pagkatapos. Ngayon ni hindi ko na mahawakan ang controller ng PlayStation ko, wala na akong alam na schedule ng mga gigs (bigla na lang akong ginugulat ng mga text na "Huy! Andito sa <lugar> ang <banda> ngayon... Punta ka ba?". Gumigising pa rin ako nang maaga, pero iyon ay para sa duty sa ospital. Kaya naman ansarap ng buhay ko noong nagkaroon ako ng one week break last week, kahit na research ang inatupag ko noon. Biglang nagbago ang buhay ko sa loob lamang ng isang taon. Oo, marami akong reklamo, at alam ko rin namang kailangan ko ring gawin ang lahat ng makakaya ko upang lampasan lahat ng to. Pero, bilang isang tao, limitado lang ang kakayanan ko. Ngayong summer ay INTENSIFICATION DUTY namin. Medyo humupa na ang "bagyo" na tinatawag na 2nd semester, pero paminsan-minsan ay may mga dumarating pa ring mga unos ngayong summer. (POC..??) **** Inatake (?) na naman ako kanina ng anxiety. Mga dalawang oras din nagtagal iyon. Nawala lamang noong ako ay nagsimula nang gumawa ng mga bagay na kailangang gawin para sa paaralan. Ayokong mag-duty. Ayoko ng buhay nursing. Ayokong gumising at magtrabaho sa mga "abnormal" na oras. Pero wala akong magagawa, kailangang gawin ko ito. **** Wala lang. Pasensya na.
Posted at 4/11/2006 12:41:57 am
| Permanent link (Permalink)
Sunday, April 09, 2006
"Bobokabularyo" powered by Dustin Carbonera (hindi lang "mostly"!)
TOPIC: Bivouac Paoe: *kausap si Tina* "Hindi ako kumain nun... Mukha kasing kaning-baboy yung pagkain... Pero nung gabi kumain na ako. Tuna na e."Dustin: "Ano'ng ulam?"**** SETTING: Hindi namin alam kung saan liliko patungong College of St. Benilde Paoe: "Hoy!!! Saan tayo liliko? Kaliwa o kanan?"Dustin: "Kanan!!!"Paoe: "Sigurado ka?"Dustin: "...hindi!"*at medyo nakalayo na kami* Paoe: "Tama ba tong dinadaanan natin?"Dustin: "Oo..." (at nag-explain) *lumayo pa lalo, at nagduda na bakit kami nakarating ng Intramuros* Paoe: "Text mo si Tina! Alam niya tong lugar na to!!!"Dustin: "Wala siyang alam!!!"Paoe: "Meron!!!!!"Dustin: "Wala!!!!"*umabot na kaming Binondo* ****
SETTING: Lagi ko daw bukambibig si Tina, sabi ni Dustin. At...
*nagtext si Tina* Dustin: "Patingin naman (ng phone) !" *sabay attempt na hablutin ang phone ko* Paoe: *nilayo ang phone* "Ano ba?! This is my cellphone!!!"Dustin: "Aba! Is there something going wrong.." *napatigil* **** SETTING: Habang nagd-drive ako Paoe: "Pa-60km na tayo mula kanina."Dustin: "Wow!!! Gaano kalayo yun?"**** SETTING: Sa KFC sa Blue Wave Paoe: "Oi, may nagtext sayo. Two numbers."Dustin: "Ako yan!!!"**** SETTING: Pinipilit ko si Dustin na mag-Globe na Paoe: "Tapon mo na yang Smart mo!!!"Dustin: "Hindi pwede!!!"Paoe: "Pwede!!!"Dustin: "Oo nga... pwede..." (?) **** SETTING: Nag-reflect si Dustin sa mga "kabobohang" nangyayari sa buong araw Dustin: "Pag magkasama tayo nabobobo ako sa Math." (seryoso ang tono) **** And lastly... for today... SETTING: Paalis na si Dustin, pinara niya ang isang jeep na may signboard na "Trece" Dustin: *bago sumakay* "Sige!"Paoe: "Ingat!"Dustin: *iniwan ng jeep*
Posted at 4/9/2006 2:06:25 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|