Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Sunday, April 29, 2007
Minamalas (nung birthday ko pa!)

April 26, 12:30am (oo, madaling araw)... habang naglalakad sa Nakpil papuntang Taft, may napansin akong lalaking sumusunod sa akin. Mula ata siya sa kabilang side ng daan pero unti-unting papalapit sa akin. Na-paranoid ako at binilisan ang lakad, at sumakay agad ng taxi na nakita ko (kahit na bus ang hinihintay kong sakyan, pero wala na atang dumadaan sa Taft na bus ng ganung oras). Sa Baclaran ako bumaba, at P100 ang binayad ko. Ok na rin siguro kahit mahal, at least, walang psychological at emotional trauma na nangyari kung na-holdap ako.

Akala ko ligtas na ako sa kamalasan.

April 26, 9:45pm... NABANGGA ang kotseng minamaneho ko. Hindi ako nabangga. Ako ang BINANGGA. P*tang ina naman kasi yung jeep sa Imus. Sumenyas na ako na kakanan ako. Nung paliko na ako, dumiretso naman ang jeep. Nabangga ang kotse sa may right rear end, basag konti ang tail light. Mahaba ang gasgas, at may kupi sa gilid.

Happy birthday sa akin!




Friday, April 20, 2007
To prevent accidents, slow down

"To prevent accidents, slow down."

Then I asked myself, "Do I have to?"

Inamo La Salle!

Graduate na ako! Yahu (amp). Sa PICC ginanap ang second half ng aming graduation, kaya ngayon, masasabi ko nang... MALAYA NA AKO SA MGA KAMAY NG DE LA SALLE!!!

****

*play sad song in the background*

Pero ang kasiyahang iyan ay muntik maging isang mala-trahedyang pangyayari dati.

Ang graduation namin ay April 19.  Nasa Cebu ang aking mga magulang mula April 11, at dapat ay uuwi sila ng April 18.  Pero sa kasamaang-palad, hindi agad makakauwi ang aking inay dahil siya ay na-confine sa isang ospital sa Cebu, at kinailangan niyang magpahinga. Mabuti't maraming pwedeng magbantay sa aking inay doon, kaya nakauwi ang aking itay para samahan ako sa graduation (at siya ay babalik sa Cebu sa Sabado).

May short notice pa na makakauwi na rin ang aking inay ng umaga ng April 19, pero hindi rin natuloy dahil sumama na naman ang kanyang pakiramdam. Kaya hindi niya nasaksihan ang aking pag-martsa sa PICC, ang pagkuha ko ng PEKENG diploma, ang pagkamay ko sa mga otoridad at ang pagka-dapa ko sa harap. Joke lang yung huli.

****

Huli akong kumain ay 12:30 ng tanghali. At mga 9:30pm na ang naging sunod kong kain. AMP!!!

Nasaraduhan kasi kami ng SM Bacoor dahil hanggang 9:00pm lang yun. Danggago kasi ng traffic sa dulo ng Coastal Road (Cavite-bound). Sa Blue Wave sana kami kumain, kaso naisip ko na baka maraming tao dun dahil marami ang grumaduate.

Mabuti't may isang Chinese restaurant kaming nadaanan ng aking itay, at doon ako kumain. Medyo marami ang in-order kumpara sa kaya kong kainin.




Sunday, April 15, 2007
Ako ay konpusado (confused)

#1: Noong Wednesday ay ipinahayag ko na nalulungkot ako dahil mawawala / wala ang aking pamilya dito sa bahay namin. Pero bukas ay uuwi na ang kapatid ko (dahil kailangan niyang mag-trabaho sa Lunes), at parang mas gusto ko pa sana na magtagal ang panahong ako lang ang nandito sa bahay. AMP!

#2: Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong matuwa (?). Pero masaya ako ngayon. Hindi ko alam kung ang kasiyahang ito ay tatagal, pero hangga't nararamdaman ko, nanamnamin ko ang bawat sandali, dahil hindi ko alam, baka sa isang iglap, mawala ang lahat.

>>ano?<<




Friday, April 13, 2007
Loooong day

Gumising ako gamit ang alarm clock (effective naman pala e!). Alas-7 ng umaga yun. Umalis ako sa amin papunta ng Manila ng 8:30am, 30 minutes late sa target departure time ko. At this time, may dala akong sasakyan [dahil kakailanganin ko sa gabi yun.]

Na-traffic ako sa Imus at Bacoor. Lagi naman e. P*tang ina kasi ang mga traffic enforcers.

Pero mga 10:00am ay nasa may Kalaw Avenue na ako, malapit na sa SM Manila. At nakarating ako technically ng mga 10:05am, pero dahil nahirapan akong maghanap ng parking ay mga 10:15am na ako nakababa ng kotse. Yun na ata ang pinakamaaga kong dating maliban sa unang araw ko sa Gapuz (dahil Linggo yun).

Sarado pa ang shutter sa 3rd level ng parking, kaya bumaba ako sa first level. Maraming tao. Hindi pa talaga bukas ang SM. AMP!!!

****

Parang isang comedy bar ang classroom namin sa Gapuz Review Center kapag si Sir Trillanes ang reviewer. Antindi humirit ng mga jokes at insulto sa mga estudyanteng mapapag-tripan. At ang astig dun, noong unang araw ay napaka-pormal niya, at pagkatapos ng mga 30 minuto ay bigla siyang humirit ng pang-stand up comedy na hirit (nabanggit ko na ata to).

At ganun ulit siya kanina. Mas malala nga lang. AMP! Hahaha!

****

Puyat ako, kaya inaantok ako sa review kanina. At nakakatulog ako. Kapag nakakatulog ako, diretso agad sa panaginip.

Normal ba yun? Sa pagkakaalam ko, hindi.

AAAMP!!!

****

May dala akong sasakyan, dahil pupunta ako ng Malate pagkatapos. Panonoorin ko si Sitti sa The Library. Kagabi ko nga lang naisipang pumunta doon e.

At pumunta nga ako.

Pics: Sitti @ The Library. ^_^

****

Mga 2:00am na ata ako nakauwi. At.. gising pa ako ngayon AMP!




Thursday, April 12, 2007
Depression and Paranoia

DEPRESSION

Nalulungkot ako dahil nakakapanibago dito sa bahay. Wala si inay, si itay at ang aking kapatid. Sila ay nasa Cebu para mag-bakasyon. Pinipilit nila akong sumama, pero tumanggi ako dahil sayang yung review sessions na makakaligtaan ko. At ngayon ay naitatanong ko sa sarili ko, "Bakit hindi ako sumama?!". Pero siyempre, hindi ko binibigkas ang mga yan. Nasa isip ko lang yan. Ayokong magmukhang baliw.

Isang linggo sila doon. Kanina habang review ay naiisip ko ang pakiramdam ng nasa airport at ng nasa eroplano. Kapag matindi ang 'fantasizing' ko ay nawawala ako sa realidad at ang mga naiisip kong yun ang parang nagiging reality... for 2 seconds. (AMP!)

Pero mas bumabagabag sa akin ang pakt (fact) na pag-uwi ko sa bahay ngayon ay hindi ko sila makikita. Ngayon pa lang, nami-miss ko na sila dito. Palagay ko ay iba ito sa nararamdaman ng mga nagdo-dorm. Iba kasi ang pakiramdam ng uuwi ka sa sarili mong tahanan, tapos ang mga taong nakagisnan mong kasama ay wala, kumpara sa isang dorm na hindi naman matatawag na "tahanan". (amp, ano yun)

In denial pa ako ngayon na wala na sila dito (amp!!!). Joke lang.

PARANOIA

Dahil ako, ang tindera at ang katulong na lang ang mga tao dito, hindi ko maiwasang ma-paranoid sa mga pwedeng mangyari sa bahay na to. Maraming masasamang-loob dito sa amin. Iilang beses na rin kaming nalooban at nanakawan ng mga mahahalagang gamit.

Paano kapag nalaman ng mga kampon ng kadiliman na kaunti lang ang mga tao dito? Paano kapag nasa Manila ako at sila lang ang andito, tapos may sapilitang manloob sa bahay namin?

Kanina ay may narinig akong kung ano sa labas. Medyo natakot ako. Ang dating sa akin ng tunog ay nilalagaring padlock. Kaya nasa alert status (amp) ako kanina. At nalaman ko na lang na ang tunog pala na yun ay galing sa isang sasakyan sa labas na may isinasakay atang... bote?

Kanina pagkababa ko ng jeep para makauwi na sa amin, may dalawang lalaking tumitingin sa bahay namin. Gabi na nun, mag-isa ako sa labas, at wala akong mapuntahan dahil may mga adik sa ibang bahagi ng lugar namin. In-assume ko agad na may masamang balak yung dalawang lalaki.

Napa-paranoid na nga ata ako.

Kapag minamalas ka nga naman - Part 3!!! Trilogy na!

Tatlong araw ng kamalasan. AMP!!!

Maaga akong gumising kanina. Alas-sais ng umaga. Pero ginawa ko yun kasi kailangan ko talagang gumising nang maaga at pupunta pa ako ng Dasmariñas, Cavite para asikasuhin ang PRC forms ko na nasa school. In other words, pumunta ako doon para ilipat ang forms ko mula sa table ng isang faculty member papunta sa table ng isa pang faculty member. Yun lang. AMP!!!

Mga 8:30am ay nakasakay na ako ng bus na papuntang Pasay mula sa Dasmariñas. Nahilo ako sa bus, dahil siguro sa faulty exhaust (?).

Medyo natagalan ako sa may papuntang Pasay Rotonda, dahil sa dami ng mga sasakyan. Pero ok lang, dahil nakarating ako sa venue ng review ng 10:15am. Wow, anlaking improvement mula kahapon!

Ang review namin ay nag-start on time. Mga 10:30am ay nagsimula na agad. Tuluy-tuloy yun, at ang pahinga lang ay lunch break ng 1:00-2:00pm. Dapat ay hanggang 7:30pm lang kami, pero natapos kami kanina ng... past 8:00pm. AMP!

At isa pang mas malalang AMP: pagkalabas ko ng SM Manila para mag-abang ng bus (mga 8:30pm na yun)... UMUULAN!!! WALA AKONG PAYONG!!! ANDAMING TAO SA LABAS!!! AT ANTAGAL DUMATING NG BUS!!!

Matapos ang mahabang paghihintay ay may dumating din na bus. Yehey. Pero nahilo na naman ako sa biyahe.

Pagdating sa Bacoor (approaching SM Bacoor)... SOBRANG TRAFFIC!!! Nakababa na ako sa terminal ng jeep sa Imus (na may mga jeep papunta sa amin) ng 9:45pm.

Mabilis namang nakaalis ang sinakyan kong jeep mula sa terminal. Noong malapit na ang jeep sa bababaan ko, bigla akong natanga sandali (?). At na-realize ko na lumampas na pala ako sa bababaan ko, kaya napasigaw ako ng "PARA!!!".

Ok na sana. Pero pagbaba ko ng jeep, may dalawang lalaking nakatayo sa harap ng gate ng bahay namin. Tila may hinihintay o minamanmanang maigi ang bahay namin. Hindi agad ako nakalapit sa gate namin. AMP, nakakatakot pa man din sa lugar namin. Maraming adik ang nagkalat tuwing gabi. Hinintay kong makaalis yung dalawang lalaki bago ako lumapit sa gate ng bahay namin.

Paglapit ko sa gate... AMP, NAKA-LOCK!!! Wala akong susi. Danggago e.

Ang tanging mga tao lang sa bahay namin ngayon ay ang katulong at ang tindera namin. Wala ang aking mader, pader, my parents(???) and my brother. Nandoon sila sa Cebu. Hindi ako kasama. Pinipilit nila akong sumama, pero sayang yung review sessions na mami-miss ko. Waaahhh!!!

Wala akong number ng katulong namin para tawagan sana, kaya sinubukan kong tawagan ang landline namin. Chineck ko muna ang balance ko. Buti hindi pa ako sobrang malas, dahil may P8.00 pa ako, sakto pantawag. Pagka-dial ko... NUMBER NOT YET IN SERVICE DAW!!! AMP, KAKAPALIT NGA LANG PALA NAMIN NG NUMBER!!! At hindi ko alam ang bagong number namin.

Nag-text ako sa aking inay para sa number ng aming katulong. Na-send naman agad ang number, at tinawagan ko ang katulong namin para buksan ang gate. At ang natirang load sa akin ay P0.50.




Tuesday, April 10, 2007
Kapag minamalas ka nga naman - The Sequel!

Dahil sa aking karanasan kahapon, umalis ako nang mas maaga mula sa amin. Mga 8:45am ay nasa Aguinaldo Highway na agad ako, nag-aabang ng masasakyang bus papuntang Pasay. Sa kabutihang palad, may dumaan agad na bus, at isang bagong bus na Jasper Jean ang dumaan. Pagkasakay ko ay lamig agad ang naramdaman ko. At astig, may dalawang automatic flip-down LCD screen sa loob ng bus habang may pelikulang pinapalabas.

Habang naaaliw sa kakaibang karanasan ko sa pagsakay sa naturang bus na yun, may napansin ako. Bigla kaming tumigil. Pagtingin ko sa labas, nakatigil din ang ibang mga sasakyan. Napatingin ako sa harapan, at mahabang pila ng mga sasakyan ang aking natanaw. At ang mahabang pila na yun ay nagsimula sa kinalalagyan namin - sa may Makro sa Imus. Malayo pa mula roon ang Robinsons Imus at ang daan papuntang bayan ng Imus.

Sobrang traffic. Mga 9:45am na ay nasa Imus pa rin ako. Pagkalampas sa may daan papuntang Imus bayan, biglang lumuwag ang daan. Yun naman pala. Nandoon na naman ang mga p*tang inang traffic enforcers na hindi naman ata alam kung ano ang mga pinaggagagawa nila.

At siyempre, may traffic din sa Bacoor, pero hindi kasin-lala nung sa Imus. Mga 10:15am na, nasa may dulo pa lang ako ng Coastal Road sa Parañaque.

Sa may Baclaran, nagbiro ang tadhana (amp!). Doon sa pila ng maraming bus dumaan ang sinasakyan kong bus. Matagal bago kami nakaalis dun.

At sa wakas, nakarating din ako sa Pasay Rotonda. Umakyat ako sa may MRT station at naglakad pa papunta namang LRT station, na operational na kanina. Sobrang haba ng pila ng mga taong bumibili ng ticket. Medyo restless ako dahil baka dumating na ang LRT ay nakapila pa rin ako.

Pero mali ako. Mali. Kahit siguro umabot ang pila sa ticket booth ng LRT hanggang MRT station, makakasakay pa rin ako. Bakit? Dahil 15 minuto mula noong nakabili ako ng tiket saka dumating ang LRT.

At dumating ako sa review session namin ng... 11:25am.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAMP!!!!




Monday, April 09, 2007
Kapag minamalas ka nga naman

1. Ang start ng review ko kanina ay 10:30am. Umalis ako ng bahay ng mga past 9:00am. Sa Aguinaldo Highway sa Anabu, Imus, Cavite ako naghintay ng bus na papuntang Pasay. Ang hinihintay kong bus ay isang aircon bus (Crown sana). Matagal akong naghintay, pero walang dumating. At inabot ako ng 9:30am na nag-aabang sa highway, kaya sumakay na lang ako sa isang bus na hindi aircon. AMP!!!

2. Salo ko lahat ng hangin at usok habang nasa hindi aircon na bus. Pero ok lang, at least hindi ako nahilo. Pero yung katabi ko sa kanan ay muntik nang makasalo sa mukha nang lumilipad na plastik sa Coastal Road.

Dumating ako sa may Pasay Rotonda nang mga 10:15am. Naisip ko, ok na rin, may oras pa. Kung male-late man ako ay kaunti lang.

Nakita ko pa ang pagtigil ng traffic sa Pasay Rotonda dahil pinatigil ng mga traffic enforcers ang mga sasakyan para magpadaan ng mga... nangangampanya (?). Habang naglalakad ay natuwa pa ako dahil hindi ko na kailangang magtiis sa tindi ng traffic doon. Pero nung nakaakyat na ako sa may MRT station at papunta na dapat ng LRT station (dahil sa SM Manila ako pupunta), ang bumulga sa akin ay "LRT No Operation". WAAAAAHHHHH!!!! Tiningnan ko ulit. Magre-resume daw ang operations sa April 10, Tuesday.

ANONG ORAS NA?!?!? Langya. At kung kailan nagmamadali ako saka naman hindi available ang pinakamabilis na naiisip kong mode of transportation. May nabasa ako dati sa diyaryo na may mga araw na hindi operational ang LRT, at na-overlook ko ata na hanggang kanina ang "break" ng LRT.

3. Dahil hindi naman ako nagka-crack under pressure, nag-isip agad ako ng dapat kong gawin. Ma-trapik sa Pasay Rotonda. Pero matatagalan naman ako kung babalik ako ng Roxas Boulevard para makasakay sa bus na papuntang Lawton. Pero may kailangan akong gawin. Kaya, kahit labag sa kalooban ko, sumakay ako ng jeep na papuntang Sta. Cruz ata, basta dadaan yun ng Manila City Hall.

Mga 10 minuto ata ang lumipas bago umandar ang jeep mula sa pagsakay ko, dahil sa sobrang traffic. Late na ako. Pero mabuti na lang at may iba palang ruta ang jeep na nasakyan ko. Nalusutan ang ibang mga lugar na sobrang trapik. At sa kabutihang palad ay holiday kanina, kaya mas kakaunti ang mga sasakyan.

Ang review ko ay 10:30am ang start. Pero nakarating ako ng 11:00am. AMP!!!




Sunday, April 08, 2007
John Cena

Panalo si John Cena sa laban niya sa Wrestlemania 23 para ma-retain ang WWE Championship. Tinalo niya si Shawn Michaels (haha buti nga).

Backtrack tayo...

Wrestlemania 21: John Cena defeated John Bradshaw Layfield to win the WWE Championship
Wrestlemania 22: John Cena defeated Triple H to retain the WWE Championship
Wrestlemania 23: John Cena defeated Shawn Michaels to retain the WWE Championship

TATLONG WRESTLEMANIA na sunud-sunod ang may championship match si John Cena!!! Waaaahhhhh!!!!!




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed