Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Sunday, April 27, 2008
Nagpakain sa PKDF noong birthday ko

Birthday ko noong *toot*. At anong meron? Mga styro ng KFC chicken meal! May softdrinks din, at may brownies pa! At ang masaya dun...

...wala akong ginastos kahit piso! Bakit? Dahil...

...ka-birthday ko pala ang may-ari ng PKDF nyahahahahaha! XD




Friday, April 25, 2008
Pagpapabago ng mapapanis nang lisensya ng isang darayber

Sa LTO Driver's License Renewal Center sa Robinsons Galleria...

...mga 30 minutes lang, makukuha na agad ang bagong license! HUWAW!!! What an offah!

Salamat sa Top Gear magazine at nalaman ko ang sikretong (?) ito!




Thursday, April 24, 2008
Abandon all hope, ye who enter here (?)

Dalawa sa pasyente ko kahapon ay mga mahirap tusukan ng karayom dahil maliliit at hindi prominent ang kanilang mga ugat, pero matagal na akong naka-establish ng rapport sa kanilang dalawa.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko (o yabang ata yun), at susubukan ko sanang magtusok doon sa isa sa kanila. Nilagyan ko ng torniquet ang braso ng isang pasyente at kinapa ang ugat. Waaah (?), medyo namamaga pa yung isang dapat kong tusukan (namaga noong previous dialysis treatment). Matigas-tigas pa. Malakas na ang loob kong tumusok sana, kaso nga lang may hematoma rin at namamaga pa. Kaya iba na lang ang tumusok (waaah).

Doon naman sa isa pang pasyente:

Patient: "Sino ba magaling tumusok dito?"
Ako: "*nagbanggit ng mga pangalan*
Patient: "Sige, si [name] na lang."
Asawa ng patient: "Ano ba ginagawa ni Sir [pangalan ko]? Master na niya yan!"
Ako: "Subukan natin?"
Patient: "Sige."
Ako: *nag-ipon ng lakas (?)* *in-assess ang access*

At napakaliit ng ugat, lalo na sa venous access. Waaaah.

Ako: "Panonoorin ko na lang si [name], mahirap e."

Kaso busy talaga ang magagaling tumusok, kaya sabi ko subukan ko, at pumayag naman ang pasyente.

Pagtusok ko sa arterial side (bakit yun ang inuna ko? @_@), walang backflow. Inatras ko at inabante, pero walang backflow ng dugo. Wala na akong nararamdamang resistance, at alam kong nasa loob na ng ugat, pero wala pa rin. At dumating ang head nurse. Tinulungan ako, konting kalikot, at yun pala, may nakabara nang maliit na blood clot sa may needle. Pina-aspirate sa akin ang dugo. Sa una may resistance, tapos biglang naging smooth na ang daloy ng dugo. Nakalimutan ko, clotter nga pala yung pasyente. @_@

At biglang sabi ng head nurse, "Sige sir, kaya mo na yan!", sabay alis. E doon sa venous side ako nahihirapan talaga. Waaaaaah!

Kinapa kong maigi. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakapag-desisyon na tutusok na. Talagang blind shot, dahil hindi prominent ang ugat. Pagtusok ko, wala. Atras konti at abante ng karayom, wala. Nagsalita ang asawa ng pasyente, "Sige i-abante mo pa.", kahit na medyo naga-alangan na ako. At pagka-abante ko nang konti (kahit na medyo malalim na), biglang nagkaroon ng backflow! Yahoo (?). At ok ang daloy ng dugo. Hindi bumukol pagka-infuse ng 10cc saline.

Nakahinga rin nang maluwag.




Sunday, April 20, 2008
Thank you Mayor Lim

...for making life a living hell for me when I go home from work at night.

*hanggang ngayon bitter pa rin ako*

****

Dahil wala nang bus na biyaheng Cavite sa Lawton, sa Cubao na ako sumasakay. MRT ang sinasakyan ko, hanggang Taft station.

Kagabi, dumating ako ng mga 9:00pm sa Cubao station. Napakatagal kong tumayo doon habang naghihintay ng tren. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring dumadaan. Mga 15-20 minutes ang nakalipas, may dumating na. At... bukod sa marami nang taong nag-aabang sa Cubao station dahil sa tagal ng tren ay... SIKSIKAN SA LOOB NG DUMATING NA TREN! P*TANG INA!!! Hindi ako hindi sumakay, kundi hindi ako nakasakay dahil puno na. May isang pasahero pa nga na muntik makipaghalikan sa pinto ng tren pagkasara. Hinintay ko na lang ang sunod na tren.

Pero pati ang sumunod na tren e napakatagal dumating. Mga 9:30pm na ang sunod na dating ng tren. At... ganun din, SIKSIKAN PA RIN! Pero nakapasok na ako sa tren kasi mas kaunti ang naghihintay, kahit na marami pa rin yun talaga. Ayun, browkbakan na naman! Buti na lang may bag ako.

Alas-diyes na ng gabi ako nakarating sa Pasay. @_@

Salamat talaga Mayor Lim! Anluwag na ng Manila dahil sa ginawa mo... napakaluwag!!! Ang galing!!! ..I.. @_@ ..I..




Saturday, April 19, 2008
Sampung tusok, bow.

Naka-sampung tusok ako sa limang magkakaibang pasyente kanina. Sampu kasi tig-dalawang tusok bawat isa sa kanila (isang arterial needle at isang venous needle). Parang AM shift sa dami ng natusukan harhar (?!). Wala e, pa-bibo kanina. Kahit doon sa dalawang pasyenteng nag-alangan ako, tinusukan ko pa rin. Sa sampung tusok ko, dalawa ang medyo sablay (medyo lang, kasi kulang lang sa lalim pero on target naman ang tusok).

Nakabawi rin sa mga araw na hindi ako makapagtusok dahil kailangang magbigay ng pagkakataon sa iba (?).

****

Parang alam ko na ang sanhi ng palpitations ko. At nararamdaman kong hindi Coke Zero ang dahilan. @_@

****

Tatlo lang?!




Wednesday, April 16, 2008
@_@

Huling araw ko na dapat kanina sa PKDF kung natuloy ang resignation ko.

Pero kung sakaling hindi ko ni-retract ang aking resignation, malamang ay hindi ko talaga pagsisisihan ang aking naging desisyon, at malamang ay matuwa pa ako sa sarili ko dahil mararamdaman kong tama ang aking ginawa -- dahil sa mga nangyari kanina.

****

Pagkadating ko sa duty kanina ay iisa lang ang pasyenteng nakasalang sa 3rd floor. May dumating na dalawa pa, at dahil marami pa namang staff nurse ng mga oras na yun ay marami ang tumulong sa mga kailangang gawin. Ako pa ang nagtusok ng karayom sa isang pasyente kahit na hindi ko pasyente yun.

Ok naman ang naging daloy ng mga pangyayari, hanggang sa...

*30 minutes later*

Tatlo na lang kaming staff nurse na natira. At sunud-sunod ang dating ng mga bagong pasyente. Hindi pa tapos asikasuhin ang isa, may darating na namang bago.

Medyo bumigat ang loob ko nang makita kong ang mga pasyente na assigned sa akin ay dalawang bagu-bago ang AV fistula at isang subclavian catheter ang access. Bagong AV fistula = madalas hindi maganda ang hatak ng dugo. Catheter = matrabaho, at may pagkakataong hindi rin maganda ang hatak ng dugo.

At ganun nga ang nangyari. Hindi maganda ang hatak ng dugo sa mga pasyente ko. Alarm nang alarm ang mga machine, at nagsu-"suck" ang arterial balloon (???). Sa isang pasyente ay naka-ilang tusok na ang mga "sharpshooters" sa kanya, pero hindi pa rin makuha (dahil may sira na ata ang fistula kahit bago pa lang). Kawawa naman, naka-limang tusok ata sa kanya ng arterial.

Sa sobrang busy ay hindi ko na nagawang linisin ang catheter ng isa kong pasyente habang dialysis, kaya pagkatapos na lang ng dialysis ko nilinis.

Habang nangyayari ang mga pangyayari kanina ay naisip kong gusto ko nang mag-resign. Hahaha. Parang gago lang. Naisip lang naman. Di ko (muna) gagawin.




Sunday, April 13, 2008
Catheter Week

*baka hindi kayo maka-relate*

Catheter Week!

Para sa isang dialysis nurse, matrabaho ang magkaroon ng pasyenteng ang vascular access ay internal jugular vein catheter, permanent catheter at femoral catheter kumpara sa pagkakaroon ng pasyenteng AV fistula o graft ang gamit.

At ang nakaraang linggo ay ang Catheter Week ko! Halos araw-araw na lang ay may pasyente akong catheter ang access. May isang araw pa na dapat ay dalawa lang ang pasyente ko (isang may catheter at isang may AV fistula), pero... hindi! Binigyan ako ng isa pang pasyente, at... catheter ang access! Bale dalawa ang hawak kong pasyenteng catheter ang access!

Hindi ako nagrereklamo. Ganun lang talaga ang buhay. (?)

Natawag pa nga ako kaninang "Catheter King". Hahahahaha (?)

****

Fatigue's taking its toll on my body.

Even at rest, I am experiencing occasional palpitations.

I badly need sleep!!! *and I'm still in front of the computer as of this writing*




Friday, April 11, 2008
Meet the parents

Hahaha (?)

****

Parang g*go talaga si Bayani Fernando.

Ang kanyang mga tauhan sa MMDA ay nagdikit noong mga nakaraang buwan sa mga bayan ng Bacoor, Imus at Dasmariņas (hindi ko alam kung umabot ng Alfonso ang mga yun) ng mga sticker ng "USLI" o "EYESORE" sa mga istrakturang sa tingin nila ay nakaharang sa daan o kaya naman ay pangit sa paningin.

At ano ito? Nagkalat ang mga poster sa kung saan-saan sa Metro Manila na may naka-imprentang imahe ni Bayani Fernando. Mas matinding EYESORE pa ito kaysa sa mga dinikitan ng mga MMDA ng mga sticker sa Cavite.

Maaga pa para mangampanya!




Tuesday, April 08, 2008
Kanina lang

Kanina lang ako binigyan ng company ID, kopya ng job description, policy and procedure at employment agreement.

March 1 pa ako nagsimulang maging "proby", pero kanina ko lang nakuha ang mga iyan.

Kaya naman kanina ko lang din nalaman na ang basic pay ko pala e P*,*6*.*0

****

Browkbakan sa MRT sa Cubao station kanina, dahil sa dami ng taong nag-aabang, sa tagal ng pagdating ng mga tren at sa dami ng tao sa loob ng mga nasabing tren.

Buti na lang may bag ako, pangharang sa aking *toot*.

Kailangan ko nang makaisip ng ibang ruta pauwi ng Kabite kapag galing trabaho dahil sobrang hassle mag-MRT pauwi. Taena naman kasi si ano e [o ayan ka na naman].




Sunday, April 06, 2008
Sa Cubao

Isang araw, sa overpass sa Cubao:

P-eople
U-nder
N-ew
K-ingdom of
S-atan

@_@

****

Tapos hindi nawawalan ng laway na may plema sa overpass sa Cubao, doon sa ibabaw ng EDSA at Aurora Boulevard. May kulay puti, may kulay dilaw, at minsan may kulay berde.




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed