|
Wednesday, May 31, 2006
Nakaka-bangag ang duty na 10pm to 6am. Lalo na't nagising ako ng maaga ng umaga nun at isang oras lang ang naging tulog ko bago mag-duty.
Nagkakamali na ako kung ano bang araw talaga ngayon at kung anong araw bukas.
Ang pagtulog habang nasa duty ay mahigpit na ipinagbabawal. Pero... I did. Kawawang nilalang. Hindi ko kinaya ang antok. Pero sandaling tulog lang. Idlip.
At noong mga 5:45am ay napapansin kong natutulala na ako at nananaginip nang gising. Amp.
Posted at 5/31/2006 7:15:17 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, May 29, 2006
I do not know what went wrong. Or what I did wrong.
Akala ko, ok na lahat. I thought everything was okay.
Hindi pala.
Right now, I'm still in disbelief.
Natulala nga ako kanina nang ilang minuto. Wala rin akong masabi. Ang isang maingay na usapan ay biglang napuno ng moments of silence. Walang nagsasalita, walang umiimik.
Pinlantsa ko pa man din ang aking nakaraan kanina upang maging ok ang pagpasok ng posibleng development ng present. Pero... wala na.
Tinanong ko kung ano ang problema. Nagbigay ako ng mga posibleng dahilan, pero wala naman doon sa mga nabanggit. Kahit yung mismong dahilan, hindi rin ma-identify.
What now?
Posted at 5/29/2006 11:56:01 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, May 28, 2006
Taas kamay with confidence
Huling araw ng aking makeup duty noong Friday. Noong una, akala ko ito ay isang napakalaking parusa na aking pagdusahan (?) dahil sa nagawa kong katangahan dati. Pero, habang tumatagal ay na-realize ko na isa pala itong blessing. Masaya ako sa naging grupo ko. At may mga natutunan din ako sa aking duty last week: Churva.Factor.Chakacious.Miss ko na kayo. **** Been to Manila last week for 4 straight days. Pagkatapos ng duty ay doon agad ang punta ko. Fumafactor at chumuchurva ako doon. Ang hirap mag-drive sa Manila. At lalong mas mahirap mag-commute. Noong Friday, noong pauwi ay nakatayo ako sa sinakyan kong bus. At tila mapaglaro pa ang tadhana, dahil nakatayo na nga ako, traffic pa. Kung nilakad ko yun, mas malayo sana narating ko noong panahong istak (ano?) kami sa traffic. **** Slither = crap.
**** Fiesta kina Tina sa Tagaytay noong Sabado. Wala lang.
Totoo bang nakakabugaw ng langaw ang kandilang may sindi?
**** *noong practice ng high school graduation*
Pam V.: *naluluha* Keo: *medyo nataranta, bumunot ng panyo sa bulsa at pinunasan ang luha ni Pam* Pam V.: *napa-smile* "Ang baho ng panyo mo."
Posted at 5/28/2006 9:22:09 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, May 22, 2006
Habang ako ay nasa jeep at ansyus (anxious) sa magiging duty ko, may mga sumakay ng grupo ng mga kalalakihan. Unang impresyon ko ay sila ay mga lasing at pauwi pa lang noong mga oras na iyon (mga bago mag-6:00am). Ngunit sa lakas ng kanilang pag-uusap, nagkaroon ako ng hint na sila ay may pagka-judinger Z.
Nananahimik ako sa kabilang side na upuan, nang biglang:
UNKNOWN: (to Paoe) "Nurse ka ba?" KASAMA NI UNKNOWN: *pabulong at tumawa* "Huy..." PAOE: *nagulat* "Estudyante po..." (napaisip.. "estudyante... estyudante... ah tama, estudyante") UNKNOWN: "Ah... saan ka ngayon?" PAOE: "Sa UMC po." UNKNOWN: "Anong year ka na?" PAOE: "Magfo-fourth year na po sa June." UNKNOWN: "Ah... duty niyo?" PAOE: "Opo." UNKNOWN: "Nagbabayad ba kayo pag nagdu-duty?" PAOE: "Opo." UNKNOWN: "Ganun ata talaga e... Kasi yung kakilala ko ganun din. Dominican yun." PAOE: "Uhhh..." UNKNOWN: "Edi maga-abroad ka niyan?" PAOE: "Opo." UNKNOWN: "Para maraming pera no?" PAOE: *tango* UNKNOWN: *biglang inabot ang kamay* UNKNOWN: "Ricky nga pala." PAOE: (Mother Ricky?!?!) *nakipagkamay* (nag-isip muna kung anong pangalan ang sasabihin) "Keh-yo". RICKY: "Ano ulit?" PAOE: "Keh-yo." RICKY: "Ha?" PAOE: "Keh-yo." RICKY: "Ah Keh-yo?" PAOE: *tango*
-- at bago ako bumaba ng dyip --
PAOE: "Sa tabi lang ho... PARA!!!" RICKY: *lumingon* "Uy, nice meeting you nga pala." *inabot ulit ang kamay* PAOE: *nakipagkamay* "Sige po. Thank you po."
Napaisip ako bigla bakit ako nag-"Thank you".
Posted at 5/22/2006 4:26:35 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, May 21, 2006
For this week, I will be paying for my sins.
Break ko dapat ngayong week na ito, pero bilang kaparusahan sa katangahang nagawa ko noong January 2006, may 1 week duty ako. Anak ng, 5 days talaga ang binigay sa akin na parusa.
****
Ito ay isang message para kay Jamilla ng PBB (Natalia ng FHM), mula sa isang galing umano sa Australia. Nakita ko ito sa isang website. hello :) i wish jamilla and her baby good luck specialy to her baby coz i was just watching big brother i herd dat her baby is gona have a operation soon i hope dat gose well and i admire here fore being a strong women and abel to handel such a heavy berdin….. i wish her gud luck. wish you all da best hope to get a reply from big brother:)if dey rely do read dis comments plss tell jamilla dat i sead hello ill b watching here every day here from australia. god bless you and your baby:)
Anlupit. Lalo na yung "berdin". Baka mag-hang ang PC pag inilagay ito sa Microsoft Word at pinindot ang F7.
Posted at 5/21/2006 2:01:27 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, May 19, 2006
Ang hirap naman ng challenge ni Big Brother.
Kailangang ngumiti.
Naku. Kung ako ang nabigyan ng ganyang task, hindi ako magtatagumpay. Hindi ako mahilig ngumiti. Ngumingiti lang ako pag magpi-picture, o kaya may ginag*go ako at tuwang-tuwa ako. Pero bukod dun, bihira na. Kung mapapangiti man ako e sandali lang tapos balik simangot ulit. Maliban na lang kung mahal kita.
Sabi nila ay mas maraming muscles daw ang ginagamit kapag nakasimangot kaysa sa kapag nakangiti. Kung ganun, mas ok pala na sumimangot, mas maraming muscles ang nawo-workout.
E bakit ine-encourage nila ang ngumiti? Dahil mas kaunting muscles ang nagagamit kapag nakangiti? Ha?!
Posted at 5/19/2006 8:19:53 pm
| Permanent link (Permalink)
"Ikaw na gustong laging may ka-text hanggang sa mapudpod ang iyong thumb..."AMP!!! **** 1: Do you want to hear a long joke? 2: Sure... 1: Jooooooooooooooooooooooooooooooke!!!
AMP!!!
Posted at 5/19/2006 1:00:33 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, May 17, 2006
Naalala ko lang noong may practice ng banda na hindi naman talaga kasali mga bwisit (bitter?!) at ako ay temporary replacement para sa nawawalang bassist...
...pwede pala akong maging "human bass", gamit ang boses.
Posted at 5/17/2006 9:06:30 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, May 16, 2006
Siyanga pala... JOHN CENA NA NAMAN!!!! TAMA NA!!! SOBRA NA!!! ****
I used to be organized. May pagka-OC ako noong ako ay bata pa pagdating sa kaayusan ng aking mga gamit pampaaralan. Sa aking bag ay dapat nakaayos ang arrangement ng mga notebooks (in order, may number pa bawat notebook). At dapat nasa pinakalikod ang pinakamatangkad (?) na libro. Nagkaroon ako ng sariling kwarto noong ako ay Grade 3 pa lamang. At ito ay nanatiling maayos at organisado, hanggang magkaroon ako ng PlayStation™ noong Grade 5 ako, at ipinasok na sa kwarto ko ang TV at ang patungan ng TV at ng nasabing game console. At mula noon ay hindi ko na naayos ang aking kwarto. Sahig pa lang yan!!!Ang natatanging ayos na lang sa kwarto ko ay ang pagkakasunud-sunod ng mga FHM.
**** Ano bang meron sa "dresser" ko? Click here for larger image- Dental floss
- ChapStick
- Listerine CoolPaks (?)
- Eskinol Beautanicals lemon - kala ko hindi magiging oily mukha ko gamit to
- suklay na orange
- salamin galing doon sa parang Tamagotchi
- BVLGARI AQVA
- Baygon (?!?!)
- Gillette deodorant and antiperspirant and antitranspirant
- Kiwi Fresh Force... para manatiling mabango ang paa at sapatos
- battery charger (?!)
- coins
- antifungal cream
- lighter
- Acqua di Gio
- thumb tacks (?!?!)
- acetone - dahil kailangan kong tanggalin ang black paint sa kuko ko noong play namin
- Coppertone - summer e
- Petroleum jelly - for chapped lips... and diaper rash
- Master Dermaclear-C at Papaya - sikreto ng mga tulad ko
- Pond's powder (blue) - para walang pimples at shine
- toothbrush, toothpaste
- Cream Silk leave-on - premyo ko to sa sinagutan kong tanong noong mall tour ng Sexbomb
- alcohol - pumapatay ng bacilli na sanhi ng tuberculosis
- bulak
- batteries (?!?!)
- mini-flashlight (?!?!)
- Mighty Bond (?!?!)
- Polo Sport
- Benetton Sport
- Hugo Boss Baldessarini
- Polo Blue
- bote ng Aficionado, lalagyan ng alcohol pang-spray sa doorknob
- Axe Unlimited at Axe Gravity
- Johnson's powder and lotion - mga gamit para sa bed bath return demonstration last year
- Fissan foot powder - di ko rin naman nagagamit
- gel pampatanggal ng pimples
- Dep Sport hair gel
- Visine Cool - vasoconstrictor
- guitar pick
- sachet ng Pond's facial scrub
- oil na mainit
- mga gamit na cards ng Sun Daylite CTU at TU
- isang pack ng green tea, galing sa FHM
- Sto. Niño (?!?!)
Posted at 5/16/2006 11:39:18 am
| Permanent link (Permalink)
Saturday, May 13, 2006
Woohoo. Tapos na ang aking kinatatakutang duty sa De La Salle University - Medical Center sa operating room (OR). Pero bago pa man matapos ang duty ko ay may nagawa akong katangahan, noon pa mismong last day. Amp. Mabuti't hindi nagalit ang aming clinical instructor na kilala sa pagiging prangka. At siyempre, muli na namang umatake ang buwaya sa aming grupo. May nang-agaw na naman ng OR case. Inagawan ang isa kong kagrupo na nangangailangan ng kaso upang hindi mapag-iwanan. Kung sino ka mang buwaya ka... "CCCCHHHH!!!!" **** Noong Lunes ata yun: Kagrupo: "Kuya, pahiram naman ng payong. Maglalakad lang kasi ako pauwi, e mainit."Paoe: *napatingin* "Ayoko nga."Kagrupo: "E sige na... ibabalik ko naman bukas."Paoe: "Baka umulan."Kagrupo: "Hindi yan. Init-init nga ngayon e."Paoe: "E bakit dati noong nag-duty tayo sa 1300 (ward, noong March 29) , umulan bigla?"Kagrupo: "..."Paoe: "Unpredictable ang weather."Kagrupo: "O sige na nga."Paoe: "Maglagay ka na lang ng bandana sa ulo."Kagrupo: "E pano naman yung katawan ko?"Paoe: "May damit ka naman e."
At biglang umulan noong Thursday ng gabi at lalo na nung Friday. At ngayon. At baka pati bukas. Lesson: Ang madamot ay dapat magaling mangatwiran.
Posted at 5/13/2006 6:08:32 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|