Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Tuesday, May 29, 2007
I blame my school

Malapit na ang Board Exam, pero hindi pa ako totally handa. Marami pa akong kulang na kaalaman, pero naka-set na sa utak ko na papasa ako, at isa iyon sa mga mahahalagang preparation para doon (hindi yun case ng pangu-uto o panloloko sa sarili). Isa sa mga ebidensya na kulang pa ako sa kaalaman ay ang mga ibinagsak kong exam kanina sa aming review.

Ang subjects ay tungkol sa Maternal and Reproductive Nursing at Pediatric Nursing, na may halong Community Health Nursing.  Ang pinakamababa kong score ata ay 31/60.  Hindi naman ako bumaba sa 50% correct answers sa total items sa bawat exam, pero ang passing ay 60%.

Hanggang ngayon ay hindi ko ma-absorb nang mabuti ang aming mga review sessions sa mga subjects na yun, pati sa Medical-Surgical Nursing. Parang karamihan ng information na binibigay sa amin ay bago sa aking pandinig. Ilang beses na nilang dini-discuss, pero kaunti ang nare-retain. Tila may resistance ang utak ko sa pagtanggap ng impormasyon tungkol sa mga subjects na yun.

At ang nakikita kong posibleng dahilan ay ang traumatic experience ko na tinatawag na 3rd year college. Lagi kaming binibigyan ng brutal na exams BAGO o pagkatapos ng mga grueling "lectures" na hindi ko naman maintindihan dahil kailangan kong magsulat habang nagsasalita ang lecturer, dahil wala naman akong mababasa pag hindi ko sinulat. Ang naging goal ko lang tuloy dati ay ang ipasa ang subject, hindi ang matuto. At yun nga, wala akong natutunan masyado noong 3rd year, lalo na sa Medical-Surgical Nursing, Obstetric Nursing at Pediatric Nursing dahil dun.

Unconsciously ay baka ina-attempt ng isip ko na pigilan ang stimulus na pwedeng maka-recall sa isang repressed memory o trauma, kaya wala akong matutunan (?).




Thursday, May 24, 2007
Lumalamig na... ata

Lumalamig na ata ang temperatura ngayong mga panahong ito, dulot maaari ng ulan at hangin. Isa itong welcome na pagbabago, dahil ilang araw na akong nagdurusa sa init sa bahay namin, lalo na sa kwarto ko. Umabot ng 37.0°C ang temperatura sa kwarto ko isang beses, ang pinakamainit na naitala ko. Lagi akong pinapawisan, lalo na sa leeg. Hindi ako makapag-aral dahil hindi komportable ang pakiramdam, kaya ang init ang nagiging excuse ko kaya hindi ako nakakapag-aral.

Sa mga nagdaang araw, ang average na temperatura mula tanghali hanggang hapon ay nasa 35°C, at pagdating ng gabi ay wala masyadong pagbabago, dahil nasa 34°C ang temperatura. Pero iba ngayon. Pagkadating ko sa amin, nasa 30°C ang temperatura. Wow.

****

Pumunta ako kanina ng Manila, particularly sa SM Manila. Sa Macapagal ako dumaan, dahil iniwasan ko ang Baclaran, dahil ang Miyerkules ay "Araw ng Baclaran".

Umulan nang malakas habang nagd-drive ako sa Macapagal.

Pagdating ko sa may PICC area, aba, MAY RALLY!!! At nakaharang ang mga tao sa dapat na dadaanan ko. Pina-kanan kami ng mga pulis sa daan na papuntang Roxas Boulevard. No choice e. At southbound lane ng Roxas yun. Palayo ako sa destinasyon ko. At ang masaklap dun, sa may EDSA pa ako nakapag-U turn papuntang northbound lane ng Roxas.

P*tang inang rally yan, huwag naman kasing gambalain ang normal na daloy ng trapiko.

Ang rally nga pala ay may hangaring itigil ang pandaraya ng Administrasyon.




Tuesday, May 22, 2007
Broken vow

Broken vow.  May vow ako dati na hinding-hindi ako gagamit ng colored cellphone.  Ang tanging panahon na gagamit ako ng colored cellphone ay kapag na-phase out na ang lahat ng monochrome display na cellphone.  At kapag nangyari yun ay ang pinaka-low end na colored cellphone ang gagamitin ko.

Na-break ko na ang vow na yan last year, noong bumili ako ng Nokia 3120.  Ang tanging gusto ko lang sa phone na yun ay ang maliit na font ng messages.  Nakikita ko agad ang 8 lines ng text sa isang screen.  Pero ang problema doon ay mas madaling makaubos ng battery ang phone na yun kaysa sa aking Nokia 1100 dahil sa colored screen.  Isa pang problema ang lag ng cellphone.

At mukhang ibe-break ko na naman ang vow na iyon, dahil ngayon ay naka-set na ang aking sights (?) sa isang Nokia 6080.

Ayaw ko pa sanang palitan ang Nokia 1100 ko, kung hindi lang dahil sa napakaraming beses na nitong bumabagsak sa kung saan-saan.  Nalaglag na iyon countless times habang pababa ako sa jeep (dahil nakalagay sa bulsa ko sa uniform ko), habang pababa sa kotse (dahil nakapatong sa hita ko), habang nasa kama (nasisipa o nasasagi ko at nalalaglag), o dahil sadyang hinihila lang ng gravity ang phone.  Sa daming beses na nitong bumagsak, gumagana pa rin naman nang maayos.  Minsan nga lang ay nagre-restart bigla.  May mga messages din na naliligaw (dahil dapat ay by date ang arrangement).

Napaka-pangit naman ng basic phone ngayon ng Nokia na 1112.  Ang text message ay 3 lines lang ang nakikita (kumpara sa 1100 na 4 lines).  May bagong ilalabas na monochrome display basic phone ang Nokia, ang Nokia 1200.  Pero bibili na lang ako nun pag nagkaroon ako ng extrang pera, dahil ang gusto ko talaga ay yung 6080.  At kung magkaroon pa nga ako ng extrang pera, dahil sa *insert reason here*

Hotdog pish pleybor

Ngayon, masasabi ko nang marunong na akong magluto. Pero hindi ako magaling. Kahapon lang ako sumubok na magluto. Mag-prito ng hotdog. Simple lang naman yun. At naniniwala akong great things start from small beginnings, kaya mula sa hotdog ay balang araw may maluluto din akong iba... tulad ng corned beef.

Noong nagluto ako kahapon, ok naman ang kinalabasan. Masarap naman ang niluto ko. At nagluto ulit ako kaninang umaga. Ginamit ko ang isang frying pan na may mantika na nagamit na. Tinanong ko sa aking inay kung yun na rin ba ang gagamitin ko, ang sabi niya oo, dahil hotdog at itlog daw ang pinrito doon.

Pagtikim ko sa niluto ko, parang may kakaiba. Iba ang lasa kaysa sa inaasahan ko. Naisip ko nung una, baka undercooked yung hotdog. Pero hindi, dahil medyo nangungulubot pa nga yung balat ng hotdog.

Sinabi ko sa aking inay, "Parang may ibang lasa yung mantika." At doon lang niya naalala na... ang mantikang pinag-prituhan ko ay pinag-prituhan pala ng isda.

****

Nag-saing din ako kahapon. First time kong gawin yun. Ngayong mga panahon na wala kaming katulong lang ang mga pagkakataon ko para matuto ng mga gawaing bahay. At eager akong matuto dahil... *insert reason here*

Sinubukan ko ring maglaba ng ilang damit ko, dahil nauubusan na ako ng susuotin. Tatlong puting t-shirt lang yun, pero nahirapan ako. First time kong maglaba ng ganun, dahil ang nilalabhan ko lang dati ay bimpo at mga underwear ko.

Matapos kong maglaba, noong pagod na ako at magpapahinga na dapat, nag-joke ang mommy ko. "Hindi ka ba magpapaturo maglinis ng CR?." Pero pumayag ako na linisin ko ang CR. Hindi ko na-imagine kahit kelan na lilinisin ko ang CR namin, pero ginawa ko. Nakakapagod, pero masayang mag-linis, dahil OC ako. (?)

Willing akong matuto... para sa *insert reason here*




Sunday, May 20, 2007
WWE Judgment Day 2007 predictions

  • WWE Championship: John Cena (c) vs. The Great Khali = John Cena wins (again)
  • Handicap match for the ECW World Championship: Mr. McMahon (c), Shane McMahon and Umaga vs. Bobby Lashley = Mr. McMahon retains the ECW World Championship, then abolishes the ECW (?)
  • 2 out of 3 Falls match for the WWE United States Championship: Chris Benoit (c) vs. Montel Vontavious Porter = MVP wins, but who cares
  • Elijah Burke vs. CM Punk = Elijah Burke wins (wala lang, kahit hindi ako nakakapanood ng ECW)
  • World Heavyweight Championship: Edge (c) vs. Batista = Edge wins. Dapat lang. Hahaha.
  • Carlito vs. Ric Flair = Carlito wins. Again, who cares.
  • Randy Orton vs. Shawn Michaels = ORTON!!! Shawn Michaels will be beaten to a bloody pulp.

Ang sapul na forwarded message

Ang forwarded message na ito ay galing sa aking kaibigan na si Rodelio.

Sa buhay marami
kang nagagawang
kamalian...





tarantado ka kasi.
Hehe..Ü

Jowk.Gudnyt! Ü



Sapul.

Yeah, use diversion when you are totally screwed up

Since I am screwed, I will just divert my attention to something else... before the mental anguish being brought by my problem starts to devour me alive again.

****

Transcript of Records.  Naka-lista dito ang lahat ng grades ko mula 1st year hanggang 4th year college.

1st sem 2003-2004
  • General Psychology: 91.80
  • Communication Arts and Skills 1: 95.21
  • Sining ng Pakikipagtalastasan: 89.70
  • College Algebra: 96.45 *yes naman... hahaha*
  • Intro to Biology Lec: 93.32
  • Intro to Biology Lab: 84.14 *sablay!*
  • Logic and Critical Thinking: 94.19 *dahil ata sa subject na to kaya literal ako mag-isip (?)*
  • Fundamentals of the Christian Faith: 96.43
  • Self-testing Activities and Gymnastics: 94.27
  • Introduction to the Lasallian School: Passed
  • National Service Training Program: 92.50
2nd Sem 2003-2004
  • Sociology and Anthropology: 90.14
  • General and Inorganic Chemistry Lec: 93.44
  • General and Inorganic Chemistry Lab: 95.21
  • Communication Arts and Skills 2: 94.00
  • Panitikang Pilipino: 95.71 *ANO?!?!*
  • Pilosopiya ng Tao: 91.21
  • Philippine History and Culture: 83.40 *yeah, I suck at history*
  • Jesus: The Good News: 93.07
  • Individual / Dual Sports (table tennis): 85.45 *anak ng, wala akong napanalunang match sa table tennis nung may ka-partner ako. amp*
  • Introduction to Career Pathing: Passed
  • National Service Training Program: 92.60
1st Sem 2004-2005
  • Health Ethics: 88.86
  • Health Care 1: 88.80
  • Human Anatomy and Physiology: 85.09
  • Literature of the Philippines: 87.75
  • Basic Statistics with Biostatistics: 87.56
  • Phil. Government and New Constitution: 86.81
  • Church: The Community of Faith: 92.78
  • Swimming: 99.00 *what the f*ck?!*
2nd Sem 2004-2005
  • Health Economics with Taxation and Land Reform: 85.63
  • Science, Technology, and Society: 88.50
  • Health Care 2: 85.17
  • Basic Computer Concepts w/ Health Informatics: 96.03 *isa pang what the f*ck?!*
  • Speech and Oral Communication: 93.99
  • Microbiology and Parasitology with Lab: 81.98 *yeah, muntik na akong ma-tinggil (haha) kung bumaba pa yan ng below 80... salamat kay Ma'am America, pumasa ako!*
  • Mechanics and Energy Lec: 91.90 *what the... I don't deserve this. Dapat nasa 80 lang grade ko dito*
  • Mechanics and Energy Lab: 85.00 *naka-79 ako nung prelim dito AMP!*
  • Sacraments, Marriage, and Family Life: 90.42
  • Team Sports (basketball): 97.54 *ang galing ko kasi mag-shoot ng 3-pointers... dati*
Summer 2005
  • Nursing Foundations with Drugs and Solutions: 87.74
  • Nutrition and Dietetics: 88.15
1st Sem 2005-2006
  • Literatures of the World: 93.00
  • Promotive and Preventive Nursing Care Management: 82.77 *whew, kung naging below 80 yan e tanggal na ako sa DLS-HSC*
  • Pharmacology and Therapeutics: 83.56
  • Strategies of Health Education: 92.00
  • Health Informatics 2: 83.05 *walang kwentang subject*
  • Christian Morality: 94.00
2nd Sem 2005-2006
  • Curative and Rehabilitative Nursing Care Management 1: 82.18 *lagi akong alanganin sa major subjects ah*
  • Principles of Community Health Nursing: 85.17 *wow, nakakuha ako ng ganyang grade mula sa professor na ibinagsak ako nang todo sa duty dati*
  • Introduction to Nursing Research: 87.74
  • Philippine Art and Music Appreciation: 95.00 *nag-enjoy ako dito kahit sabi ng iba e boring hahaha!*
  • Social Teachings of the Church: 84.00 *nagrereklamo yung iba sa baba ng grade nila dito, pero para sa akin e ok lang to*
Summer 2006
  • Summer Intensification Duty: 84.88
1st Sem 2006-2007
  • Asian Civilization: 92.00
  • Kursong Rizal: 90.00 *pakyu Rizal!*
  • Curative and Rehabilitative Nursing Care Management 2: 86.92
2nd Sem 2006-2007
  • Nursing Leadership and Management: 85.17
  • Seminars in Nursing: 86.06 *wow. yung nerd kong kaklase dati, naka-80.00 lang dito. roleta ata grade dito e (?)*
  • Electives in Nursing Practice: 86.00 *ang elective na hindi ko pinili!*




Thursday, May 17, 2007
The pathetic pre-board exam

Nag-exam kami noong May 15, 2007 sa aming review center. Ang total items ay 500.  Ang results ay nalaman agad kinabukasan.

Binigay sa amin ang mga sagot (at rationales) sa lahat ng mga tanong.  At ito ang mga score ko based sa mga tama ko talagang sagot:

NCM 1 (Fundamentals of Nursing, Leadership, Management, Research): 67/100
NCM 2 (Community Health Nursing, Maternal and Child Health Nursing): 62/100
NCM 3 (Medical and Surgical Nursing): 62/100
NCM 4 (Medical and Surgical Nursing): 67/100
NCM 5 (Medical and Surgical Nursing, Psychiatric Nursing): 58/100 *AAAAAMP!!!*

At ito naman ang mga score ko based sa answer sheets na machine-checked:

NCM 1: 64/100 (-3 sa real score)
NCM 2: 54/100 (-8 sa real score)
NCM 3: 38/100 (-24 sa real score AAAAAAAAAAMP!!!)
NCM 4: 55/100 (-12 sa real score AAAAAAAAAAMP!!!)
NCM 5: 58/100 (same score pa rin... AAAAAAAAAAAMP!!!)

Kung ang shading ang problema, bakit sa last exam pa walang discrepancy sa score, e nung last exam na pinaka-pudpod at pinakamalabo ang pencil ko?!

****

Ang sabi ay kailangan ang general average para pumasa sa board exam ay 75%, na walang kahit isang subject na bababa ng 60%.

Hindi ko alam ang grading, pero may nagsabi na ang 60/100 daw ay equivalent ng 75%. Ang una ko namang naisip ay 60/100 = 60%. Pero mukhang mahirap naman atang makakuha ng at least 75/100 sa lahat ng exam, kaya... yun. Ano ba ang tama..?




Tuesday, May 15, 2007
Kapag nagbiro ang tadhana

Sobrang lamig sa bus.  Nakatutok sa akin yung aircon dahil wala yung ginagalaw para mabago ang direksyon ng hangin ng aircon. Ang naging resulta, pakiramdam na ihing-ihi.

Nang bumaba ako sa Imus, nag-dalawang isip pa ako kung gagamit ako ng public restroom sa may terminal ng jeep dun na may bayad na P2.00. Noong una ay ayaw ko, pero dahil parang hindi ko na kaya, tiningnan ko ang coin purse ko kung may P2.00 ba ako. WALA. Kaya hindi na lang ako nag-CR dun.

Matagal akong nakatayo dun dahil walang dumadating na jeep na dadaan sa amin, kung kailan ihing-ihi na ako. Matapos ang ilang minuto ay nakasakay na rin ako.

Sa kalagitnaan ng biyahe, habang ihing-ihi na ako... nagpa-gasolina ang driver ng jeep.

Noong tumuloy ang biyahe... anak ng, TRAFFIC!!! Hindi ko na-anticipate na magiging ma-traffic pala sa may amin sa gabi dahil may prusisyon nga pala. Fiesta kasi sa amin, at may prusisyong ginaganap kapag gabi. Matagal akong na-istak sa traffic... habang ihing-ihi.

Waaaaah (?)

Board Exam

Bilang paghahanda sa nalalapit na Nurse Licensure Exam o Board Exam (ng nursing), ang aming review center ay nagbigay ng tinatawag na "Pre-Board Exam", isang simulation ng board exam mismo. Meron din kaming answer sheet na kailangan shade-an, katulad ng gagamitin sa board exam.  Lahat na ng topics ay integrated sa exam na yun, at dun mate-test ang knowledge o skill level ng mga nagre-review para sa board exam.

At ang total ng lahat ng items sa exam kanina ay... 500 items. Sinagutan naming lahat yun sa loob lang ng isang araw.

Lima ang exams namin na tig-100 items bawat isa.  Sumakit ang ulo ko sa 4th exam, at pagdating sa 5th exam ay hindi na ako makapag-isip nang ayos kahit na sobrang simple lang pala ng tanong. Kaya ata ganun ay dine-desensitize na kami ng aming review center para hindi kami mabigla sa actual board exam, na kung saan 2 araw ang nakalaan para sa 500 items na yun.

Waaaaah (?)




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed