Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Thursday, May 29, 2008
Tusok sa medyo bagong fistula

Palakasan ng loob -- dinare (?) ko ang sarili ko na tumusok sa fistula ng isang pasyente na medyo bago pa lang. Gauge 18 pa ang ginagamit na karayom. Maliit na karayom para sa maliit na fistula. Pumayag naman ang pasyente.

Venous muna (engk bakit yun na naman inuna ko). Medyo sablay, dahil wala agad akong nakuhang backflow. Konting adjust, at nagkaroon din. Kaso pag inaabante ang karayom, bumabagal ang backflow, na nangangahulugang pwedeng mag-bulge ang fistula pagkasimula ng dialysis treatment. Hindi ko na lang pinasok lahat ng karayom.

Tusok sa arterial, at ok naman.

Unang beses kong tumusok gamit ang gauge 18 na needle, kaya medyo nakakapanibago. Mabagal talaga ang backflow dahil mas maliit ang butas ng needle na yun.

Start na ng dialysis treatment. Kabado ako. Pero ok naman ang venous pressure, stable at mababa.

Pero pagkatapos ng isang oras ng dialysis ay biglang tumaas ang venous pressure. Huwaaaaa. Pero hindi naman nag-bulge. Sinubukang ayusin ng ibang staff, pero walang nangyaring pagbabago. At dumating ang isang senior nurse, at nagawa niyang ipasok lahat ng needle. @_@ At naging ok na ang venous pressure ulit.

Napatanong na lang tuloy ako, "Paano niya nagawa yun?" @_@




Wednesday, May 28, 2008
And I got my looooong sleep... at ang p*tang inang traffic sa Cavite

Kahapon, pagkatapos ng duty ay natulog agad ako pagkarating sa Room for Rent (?) matapos kong kumain at maglakad ng 13 minutes. Mga 3:00pm ako natulog, at nagising ako ng 7:00am. May mga nireplyan akong text messages, at nakatulog ulit ako ng 8:00pm. At... 4:00am na ako gumising pagkatapos. @_@

Bale ang tulog ko ay 3:00pm to 7:00pm (4 hours) at 8:00pm to 4:00am (8 hours). Add them up and you get... 12 hours of sleep!!! @_@

Kaya naman nanibago ako sa duty kanina. Wala yung antok na nararamdaman ko mula 5:30am hanggang 9:00am. At may 'sinungitan' ako kaninang co-staff. At sabi ko sa kanya pagkatapos, "Masungit ako kapag nakatulog nang ayos." @_@

****

Umuwi ako ng Cavite. Umalis ako ng QC ng 1:45pm. Pagkarating ng Bacoor galing Coastal Road, TRAFFIC!!! Standstill. Kung uurong ang mga sasakyan e gapang lang. Kanina ko lang nalaman -- nakita ko pa sa isang banner -- [hindi verbatim] "Expect heavy traffic along Aguinaldo highway on May 28, 2008 starting 2pm due to the kick-off of the Wagayway Festival 2008." Napatingin ako sa relo ko at... May 28 ngayon, at 3:00pm na. @_@ Sana puyat na lang ako para tinulugan ko ang traffic.

Noong dumating ako sa may St. Dominic (at total standstill pa rin), naisipan ko nang bumaba ng bus at maglakad na lang pabalik ng Talaba upang sumakay ng jeep pa-Binakayan, tapos sa Binakayan ay sasakay ng jeep pa-Imus (at mula Imus ay sasakay ng jeep papunta sa amin). Naka-6 na sakay ako kanina, makauwi lang. @_@ Jeep - MRT - bus - jeep - jeep - jeep. @_@

Nakauwi ako ng 5:20pm. @_@




Sunday, May 25, 2008
Periorbital darkness (?)

Palaki nang palaki ang eyebags ko, dahil sa puyat na nararanasan ko ngayong buwan na ito. Sa linggong ito, malalaman ko na ang schedule ko para sa buwan ng Hunyo.

Kung...

AM shift = puyat pa rin, pero mabilisan lagi ang trabaho, at mabilis lagi ang oras. Konti lang ang boredom.
PM shift = makakatulog na ako nang mahimbing, pero mabagal ang oras, at umuulan pa ng mga vascular catheters na nagloloko. @_@

Parang mas gusto kong makatulog nang mahimbing na lang. @_@




Thursday, May 22, 2008
Suicide

Bago mag-duty ng Wednesday (kahapon) ay... mga 2:00am na ako nakatulog, at gumising ng mga 4:30am. Dalawa't kalahating oras lang na tulog, tapos duty na sa umaga simula 5:30am! Woohoo! Kaya naman babangag-bangag ako sa duty. At... NASIRITAN PA AKO NG DUGO SA NOO!!! Yahoo! Palakpakan!

At hindi lang dun nagtatapos...

...dahil nag-prisinta pa akong mag-overtime hanggang 5:30pm dahil kulang sa staff ang PM shift! Yehey!




Saturday, May 17, 2008
And for the second time in my employment history (?)...

...absent na naman ako! Tangnangyan, ang katawan kong hindi mapatumba ng hangover ay unti-unti nang nagfo-fall apart (aaaaaaaaaamp)!

****

Pumasok ako noong Biyernes. Gumising ako ng 2:40am, para makapaglipat na ng gamit sa lilipatan ko sa QC. Napakarami kong dala. Nakakapagod. Medyo mahabang lakaran din ang tinahak ko habang bitbit ang mga gamit na yun. Pagkababa ng mga gamit ay dumiretso na ako sa trabaho... nang naglalakad. Na naman. Kaya late na ako dumating, at pagod na.

Isa pang matinding dagok (?) -- late na nga ako dumating, pero ano nadatnan ko? Marami pang pasyenteng hindi nasisimulan ang dialysis treatment dahil kakaunti ang nurse! KAKAUNTI! May mga um-absent, at may mga na-assign na nurses na off pala nila noong araw na yun. Kaya ayun, trabaho agad. Kailangang bilisan, dahil lalampas na kami sa cut-off time ng initiation ng treatment.

Tapos isa pang matinding dagok -- ang isa sa mga pasyente ko dapat ay nagpa-cancel ng treatment, kaya na-bakante ang isang machine. At ang pumalit? May vascular access na nagloloko!!! HUWAAAAAAA!!! Kaya naman maya't maya ay naga-alarm ang machine. @_@

At... understaffed ang PM shift dahil marami ring absent! Naku ano ba naman yan. Tinanong ako ng charge nurse namin, "Sir [name ko], OT?". Ang sagot ko lang ay "Saan [saang floor] ba ako ma'am?". Noong sinabi niyang "Sa taas [3rd floor].", tinanggap ko agad. Ayun, nag-overtime ako kahit puyat at pagod, para makabawi sa mga napinasala kong buhay [ng mga nurse] noong umabsent ako.

Hindi pa ako nakauwi agad matapos ang duty. Lumabas ako ng 5:30pm mula sa duty, pero pumunta pa akong Cubao upang bumili ng electric fan at kung anu-ano pang kakailanganin ko. At... umulan noong gabi sobrang lakas! Mahangin pa kaya ang tubig ulan ay sa iba't ibang direksyon pumupunta! Huwaaaaa!!! PAGOD NA PAGOD NA AKO!!!

At... *toot*

Noong natulog na ako ng [time], sabi ko sa sarili ko (sinabi ko talaga hahaha), "Pag ako nagising ng 4:45am, papasok ako kahit puyat at pagod ako." Kaso... 5:45am na ako gumising! Late na late na kung papasok pa ako.

@_@




Wednesday, May 14, 2008
For the first time since being employed...

...um-absent ako!

Hindi ko na ata kakayanin pa pumasok kanina. Puyat ako at masama ang pakiramdam. Dapat nga ay kahapon pa ako um-absent, pinilit ko lang ang sarili kong pumasok kahit late na ako gumising.

Naputol na ang non-absent streak ko mula January 14 waaah. Hindi ako nagawang pa-absent-in ng matinding hangover dati, pero itong pagod at puyat sa AM duty ay naging successful ngayon. @_@




Tuesday, May 13, 2008
Battered and bruised

Napapagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko nitong mga panahong ito. Napapagod. Literal na napapagod, dahil kulang sa pahinga.

Mula pa noong isang linggo ay kulang ako sa tulog. Nakabawi nga ako ng tulog noong Thursday (lampas 12 hours na tulog, at sumakit ulo ko), kaso hindi naman ako nakatulog nang maaga noong gabi bago mag-duty kinabukasan.

Kahapon (Lunes), kahit na puyat ako ay tumungo ako sa happy birthday to you party para sa anak ng aming soon-to-be charge nurse sa Navotas. Umuulan nang malakas kahapon, kaya naman baha sa mga dinaanan namin. Kawawa rin yung taxi driver ng taxi na nasakyan namin, nasira pa yung wiper niya.

Mga 6:45pm na kami nakaalis galing Navotas, at uuwi pa ako ng Cavite. Cavite!!! Waaah. Kung galing QC nga ay nanlulumo na ako bumiyahe pauwi ng Cavite, galing Navotas pa kaya. Ayun, LRT mula 5th Avenue station hanggang EDSA. Kaso may problema -- tumitirik yung LRT! Langya, antagal nakatigil sa isang station (habang tutulug-tulog ako, tapos pag nagigising e hindi pa rin umaalis sa pwesto ang tren). Tumagal tuloy biyahe ko pauwi. Tapos... trapik pa sa Bacoor! Tangnangyan! Tapos... ang haba ng pila para sa tricycle papunta sa amin! Umuulan! Tangna!

Tapos... medyo nakainom pa ako dahil pinilit ako ng soon-to-be charge nurse namin! Nahiya naman akong tumanggi dahil ikinuha at pinagbuksan pa talaga ako ng bote. Kaso pagkatapos ng unang bote, pinasundan ng isa pa. At isa pa. At isa pa. At isa pa. At isa pa. Yung huling isa pa, hindi ko na ininom, hindi na kaya ng tiyan ko.

Mga 9:45pm na ako nakauwi sa amin. At nakatulog agad ako. Hindi ko na-set yung alarm clock. Dapat ay 2:40am ako gigising kinabukasan, kaso nagising ako ng 3:25am!!! Late na. At masama pakiramdam ko. Sinuggest sa akin ni inay na um-absent na lang. Mas inclined ako na um-absent, dahil puyat ako, pagod at masama ang pakiramdam. Kaso... pinili kong pumasok! WOW!

Ayun, mukha akong bangag sa duty!

****

Sana mawala na ang pagod at puyat na nararanasan ko ngayon... pag lumipat na ako sa nahanap kong room sa QC! Yehey.




Thursday, May 08, 2008
Third day f*ck (sa AM duty)

Araw-araw na lang ay may kung anu-anong nangyayaring hindi kanais-nais sa duty.

Ang unang pasyenteng pinuntahan ko ay ayaw magpatusok sa akin (kahit anlaki ng kanyang AV fistula) dahil hindi ko raw saulado ugat niya. Sabi pa niya, "Si Sir [name ng nurse] na lang." Di na ako kumontra. Pero noong dumaan si Sir [name ng nurse], sabi niya, "Kayang-kaya na ni Boss [name ko] yan!", sabay alis. Hahaha. Parang na-no choice yung pasyente. Sinabi sa akin ng pasyente na madugo siya pag tinutusukan (kasi anlaki ng fistula niya). Ano nangyari nung tinusukan ko? WALANG UMAPAW NA DUGO! Nyahahaha.

Ang pangalawang pasyente, lalaki. Hindi niya ako kilala. Medium-sized yung fistula niya, at kayang-kaya ko naman (?) hahaha. Success ulit.

Sa pangatlong pasyente, amf (?), wag na yung details, langya, nakakahiya. Basta ganito, may katangahan akong nagawa, at saktong andun ang doktor, nakita niya ang nangyari. Ang doktor pa man din na iyon ay kilala sa pagsesermon kahit sa harap ng maraming pasyente, bantay at ibang tao sa paligid. @_@

****

Mas takot na ako ngayong tumusok ng malalaking AV fistula kaysa sa mga maliliit na fistula na halos hindi na makapa. Waaah.




Tuesday, May 06, 2008
Second day f*ck (sa AM duty)

Tatlong pasyente lang ang natusukan ko kanina sa duty, dahil ang iba sa mga napuntahan ko ay ayaw magpatusok sa akin, dahil nga bago ako sa kanilang paningin. Pero it's not the quantity, but the quality (?!). Mas fulfilling makatusok nang successful sa mga mahirap tusukan kaysa sa makatusok nang marami sa mga madali talagang tusukan. (?)

Patient #1: May nag-warn sa akin na nagsu-suck ang access ng pasyenteng iyon (meaning, hindi maganda ang nagiging hatak ng dugo mula sa arterial side ng fistula). Napansin ko ring medyo namamaga ang arterial side. Tiningnan ko ang previous hemodialysis treatment sheet niya, at nakita kong ang charge nurse namin ang tumusok, at matindi talaga ang sucking. Masyadong mababa ang blood flow rate buong treatment (dahil kapag mataas ang blood flow rate ay mas malala ang sucking). Pero tinusukan ko pa rin. Ayun, lobong-lobo ang arterial balloon (?)! Maganda ang hatak... hanggang sa last 40 minutes ng treatment. Nag-suck na. Medyo magalaw rin kasi ang pasyente. Kaya minanipulate ko nang kaunti ang karayom, at binawasan ang blood flow rate. Ok naman hanggang matapos. *applause*

Patient #2: Diabetic, at medyo mataba ang pasyente. Hindi ko makita at makapa masyado ang venous side ng kanyang fistula, pero prominent naman ang arterial side. Ibig sabihin, mukhang mas madaling tusukan ang arterial side, at pahirapan naman sa venous side, na tipong mga expert lang ang dapat tumusok.

Tinusukan ko ang venous. Binaon ko ang karayom. Walang backflow ng dugo. Konting manipulate pa, at... tsamba! Naka-in ako sa venous part ng fistula. Tinest ko ang patency, at ok naman. *applause*

Arterial side naman. Dahil madaling makapa, mukhang madali. ENGK! Hindi ko nakuha!!! Ginawa ko ang best ko (amp), pero wala talaga. Nag-comment pa ang pasyente na doon pa ako nahirapan sa madaling tusukan. @_@ Hinugot ko na lang ang karayom, at ang head nurse na ang tumusok ulit.

Start na ng treatment. Ok na sana, kaso inatake ng back pains ang pasyente. Sobrang likot niya. Nadadaganan ang tusok. Tumaas ang venous pressure. Pinayuhan na na huwag masyadong gumalaw at baka bumukol ang venous access. Eventually, nag-bulge nga ang venous access. @_@  Kinailangang hugutin ang venous needle at tumusok nang panibago.

Naghanap ang head nurse ng panibagong tutusukan sa venous side, pero wala masyadong makapang vein. Nang may nahanap, tinusukan na. Pero hindi maganda ang daloy ng dugo. Kaya hinugot na lang ulit.

At tumusok nang panibago, malapit sa tinusukan sa arterial part. Kaso mataas pa rin ang venous pressure, dahil nasa ilalim ng bulge ang tusok. Pero wala nang ibang choice. Waaah. Toxic!!!

Patient #3: Malaki at madugo ang fistula ng pasyente. At naghahanap siya ng ibang tutusok, pero dahil wala ang mga gusto niyang tumusok, sabi ko, "Baka pwedeng ako na lang?" (para makatipid na rin sa oras dahil late na). Pumayag naman.

Tusok sa venous. "Aruy!", sabi ng pasyente. Pero na-in naman agad. At hindi madugo, may teknik ako e. Hahaha.

Tusok sa arterial. "Aruy! Aruy! Aruy!". Walang backflow kahit anlaki na ng fistula! At nag-alangan na akong ituloy dahil nasasaktan na nang sobra ang pasyente, kaya humingi ako ng tulong sa head nurse. At ang ginawa ng head nurse ay hinigit nang kaunti ang karayom, tinaasan ang angle ng tusok, at binigla ang pag-abante ng karayom. "Aruy!", sabi ulit ng pasyente. Pero na-in na. Ganun pala yun sa kanya, kailangan steep ang angle at kailangang biglain. @_@




Monday, May 05, 2008
First day f*ck (sa AM duty)

Gumising ako nang (?) 2:30am. Unang beep pa lang ng alarm clock, nagising agad ako. Siyempre, excited e. *nyahahaha* Umalis ako sa amin ng mga 3:40am. Saktong pagkarating ko ng highway ay may dumaang bus na papunta ng Pasay, kaya nakasakay agad ako. Mabilis ang biyahe, dahil tulog pa ang mga traffic enforcers walang traffic jams. Naisipan kong sa Pasay-EDSA na bumaba dahil maraming bus na dumadaan doon na northbound.

Mali pala ang nasakyan kong bus sa EDSA, dahil dapat ay sa Kamias Road ako bababa, kaso sabi ng konduktor hindi raw sila dadaan dun (hindi ko tiningnan lahat ng signboard amp), kaya sabi ko sa Cubao ako bababa. At sa Cubao nga ako bumaba, pero malayo doon sa may overpass na karugtong ng Farmers Plaza. @_@ Napakalayo ng nilakad ko makarating lang sa nasabi sa aking sakayan papuntang Pantranco (na ang biyahe ay dadaan sa pinagtatrabahuhan ko).

Nag-abang ako sa sinabi sa aking lugar kung saan ako dapat mag-abang. Kaso sampung minuto na ang lumipas, at wala pa ring dumadaan. Kaya naisipan kong sumakay na lang ng jeep na tatahakin ang buong E. Rodriguez Sr. at bumaba na lang ng Tomas Morato. At ganun nga ang ginawa ko, at naglakad mula E. Rodriguez Sr. hanggang Kamuning. @_@ Sa Kamuning ako nag-abang ng jeep na papuntang Pantranco. Nakasakay ako matapos ng ilang minutong paghihintay, at mga 5:15am ako dumating sa PKDF.

****

Medyo natanga pa ako pagkarating sa PKDF, kasi hindi ako pamilyar sa sistema doon sa umaga. Ang sabi, tingnan ang listahan ng mga pasyente sa whiteboard, at puntahan kung sino ang unang nakasulat. Kung nakitang may nurse na na naga-asikaso, ang kasunod na pasyente naman ang puntahan. Tiningnan ko ang whiteboard, at tiningnan kung may nurse na ang pasyenteng nakalista. Ang pangatlo sa listahan ay wala pang nag-aasikaso, kaya siya ang nilapitan ko.

Kinakabahan ako, kasi hindi ako kilala ng pasyenteng pinuntahan ko. Hindi ko rin siya kilala. Unang beses ko siyang nakita. Nag-assess ako at hinanda ang machine at ang mga gamit na kailangan. Noong ok na ang lahat, oras na para magtusok.

Pagtusok ko, nagkaroon naman agad ng backflow. Nilagyan ko ng tape para ma-secure. Bubuksan ko na sana ang tubo ng fistula needle para i-test ang patency, nang biglang... TUMIGIL ANG BACKFLOW!!! Minanipulate ko nang kaunti ang karayom kaso wala talaga. Sinubukan ko i-aspirate ng 10cc syringe ang needle, kaso wala ring mahatak. Clotted na ang needle. Ganung kabilis! Walanjo (?). Nakakapanghina, ang aga aga tapos ganun ang nangyari. Hinugot ko na lang ang tinusok ko. Humingi ako ng tulong sa head nurse, at siya na ang nagtusok ulit. At napag-alaman ko sa ibang co-staff ko na mahirap pala tusukan ang nasabing pasyente. @_@

****

AM duty. Mabilis ang oras kumpara sa PM duty. Busy kasi halos buong duty. Hindi ko nagawang tumanga kanina katulad ng ginagawa ko sa PM shift.

****

Kulang ako sa tulog. Mga 11:30pm na ako nakatulog kagabi, at 2:30am ako gumising, kaya naman inaantok ako sa duty. Naaalala ko ang panahong estudyante pa ako, na laging nanghihina pag AM duty. Hindi ata talaga ako morning person. Pero pagsapit ng mga 9:00am kanina ay bumalik na ang aking lakas. (?)

Pahirapan sa pag-uwi. 1:30pm ang off namin. Napakainit. Nag-MRT ako. Sobrang siksikan. Browkbakan na naman. Tapos may isang putang inang lalaki pa na may hawak ng envelope na dumidikit sa pwet ko ang kamay. Sinusubukan kong umiwas pero ayaw talaga alisin ng putang inang lalaking yun yung kamay niya. Wala rin naman akong masyadong uurungan kasi siksikan. Putang inang yun.

Pagdating sa Taft station ay pumunta agad ako sa bus terminal sa Pasay kahit sobrang gutom na ako, para lang makauwi nang maaga. Ang nakita ko ay isang mahabang pila. Naisip ko, mabilis lang naman ang biyahe siguro pauwi, kaya naisipan kong tumayo sa bus... na isa palang malaking pagkakamali. MA-TRAFFIC PAUWI!!! At... BIGLA AKONG DINAPUAN NG ANTOK!!! Langya, kahit nakatayo ako e nakaka-idlip ako! Bigla nga lang bumibigay tuhod ko pag nakaka-idlip. Ang hirap.

****

Mga ilang segundo bago ako kumatok sa pinto namin ay tinext ako ng aking inay na kung bakit lagi na lang antagal-tagal kong umuwi. @_@ Sobrang hirap na ngang umuwi, tapos ganun pa!




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed