|
Thursday, June 26, 2008
Nabanggit ko dati na mahirap makahanap ng trabaho sa ibang bansa bilang
isang nurse, kung saan mas malaki ang sweldo dahil wala talagang
aasahang maganda sa mga employer dito sa Pilipinas. Nakakalungkot pero
totoo -- maraming kumukuha ng nursing upang kumita nang malaki, at
hindi ko rin naman sila masisisi dahil ang karamihan sa kanila ay
gustong mai-angat ang kanilang mga pamilya sa kahirapan.
Pero... kahit dito mismo sa Pilipinas ay mahirap makakuha ng trabaho!!!
Maraming ospital ang understaffed, pero ayaw naman nila mag-hire ng mga
dagdag na nurse! Brain drain dahil nagsisi-alisan ang mga nurse
papuntang ibang bansa? Nah. Maraming nurses sa Pilipinas. Ang kulang ay
ang job opportunities. Bakit ganun? Nagtitipid ba ang mga institutions
para malaki ang kitain nila?
And how would you expect a nurse to render effective nursing care to
patients if he or she's handling 15 patients or more at a time?!
Posted at 6/26/2008 10:33:52 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, June 24, 2008
Nursing is a noble profession. Nursing is a vocation. Yes, they are
true. The satisfaction of being able to care for other people and touch
lives -- they're priceless. Nursing is not an easy job, but why
do nurses get very low salaries? Some nurses have families to support
and mouths to feed, and definitely a job of being a nurse in the
Philippines is financially not enough. We are overworked yet underpaid.
Nurses should at least receive some sort of fair compensation for the
work we do! And this sad fact makes nurses shift to another job or seek
employment opportunities abroad. ****
Rest day OT tomorrow! @_@
Posted at 6/24/2008 12:00:55 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, June 23, 2008
...mag-nursing o maging nurse.
****
May isa akong kaibigan (na malaki ang tiyan... wala lang) na isang
registered nurse, pero mga dalawang buwan lang siya nagtrabaho bilang
nurse at ngayon ay lumipat na siya sa isang mas financially rewarding
na trabaho. Dini-discourage na rin niya ang ibang mga kakilala niya sa
pagkuha ng nursing.
Maraming kumukuha ngayon ng nursing dahil sa pangako nitong magandang
kinabukasan (?), yun e kung makakapunta ng ibang bansa. Pero dito sa
Pilipinas? Nah. @_@
Wag ka na mag-nursing! Bakit?
- bilang estudyante, kailangan mong magbayad ng mahal na tuition at
kung anu-ano pang mga bayarin (tulad ng affiliation fees na binabayad
sa mga affiliated hospitals -- ibig sabihin, magbabayad ka para
makapagtrabaho ka dun @_@) Biglang nag-sulputan ang mga nursing school.
Pati mga school na dati ay walang nursing, ngayon ay meron na! Kasi
maraming enrollees, na ang ibig sabihin ay maraming pera! Woohoo! Very
good business!!! ..I..
- bilang estudyante ulit, papahirapan ka ng mga professors at clinical
instructors mo kahit hindi angkop sa sitwasyon. Power tripping!
- mababa ang sweldo. MABABA! Napakabigat ng trabaho, pero napakaliit ng
sweldo! Ako, ang naiuuwi ko lang sa isang buwan (hindi kasama ang
overtime pay) ay nasa P7,000 lang kung walang absent. Nabalitaan ko
ngang mas mataas pa sweldo ng maintenance department kaysa sa nursing
department! @_@ At sa ibang ospital, nabalitaan kong ang sweldo ng
nurse ay mas mababa pa sa minimum wage. Anak naman ng...!!!
- pagsasamantalahan ang mga bagong registered nurse. Ang mga ospital ay
magko-conduct kuno ng "training program" sa loob ng ilang buwan para sa
mga baguhan, at kailangang magbayad ng nurse ng training fee.
MAGBABAYAD KA PARA MAKAPAGTRABAHO! Sige perahan niyo ang mga nurse!
- hindi madali ang makapasok ng ibang bansa bilang nurse! Kailangang
gumastos ng malaki, o kaya naman ay kailangan may years of experience
muna bago tanggapin sa ibang bansa. Years of experience sa ganitong
setting -- na mabigat ang trabaho pero mababa ang sweldo!
Nursing amp!
Posted at 6/23/2008 1:03:51 am
| Permanent link (Permalink)
Sunday, June 22, 2008
This might be a bit late, but...
LOL @ LAL. =))
****
Noong Huwebes ay sobrang bigat ng trabaho ko. Medyo unfair pa nga, kasi
*blah blah*. Nasabi ko tuloy pagkatapos ng trabaho na pakiramdam ko ay
Sabado noon dahil sa bigat ng trabaho.
Pero...
...mali pala ako. Dahil itong nagdaang Sabado, naging mas mabigat pa ang trabaho ko. @_@
* WARNING: The following text is full of crap (?).
Tatlong pasyente, at ang isa ay may internal jugular vein catheter na
nagloloko ang access. Walang ma-aspirate sa arterial port, kaya
pinagpalit ang arterial at venous lines. Pero nagloloko pa rin. Halos
buong treatment ng pasyenteng yun ay nasa tabi niya ako, kinakalikot
ang kanyang IJ catheter. Hindi ko na halos ma-monitor ang dalawa ko
pang pasyente (na sa kabutihang palad ay stable naman... ay di pala,
biglang nag-cramps yung isa).
Tapos... tapos...
>_<
Basta, bad trip!!! Langya, palibhasa *toot* na e ganun na. At yung iba, naturingan pa man ding *toot* tapos *toot*.
Posted at 6/22/2008 12:23:43 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, June 16, 2008
Nakakatamad ang Tuesday off
Tuesday off. Tuesday off duty. Tuesday break. Tuesday free day (?).
Nakakatamad. Monday hanggang Saturday ang trabaho namin. Dati ay Thursday ang free day ko, ngayon naging Tuesday na.
Nakakatamad, lalo na pagdating ng Wednesday, na pakiramdam ko e
gustung-gusto kong um-absent na lang para tuluy-tuloy ang pahinga. Pero
hindi naman pwedeng ganun. Akshuli (amp), pwede naman, pero hindi
dapat. Mas maganda talaga na kalagitnaan ng work week ang off, tulad ng
Wednesday o kaya Thursday.
****
Nakapag-cannulate ulit ako sa isang bagu-bagong fistula. Sa
pagkakataong ito, 6th use na ng fistula, at 18G needle ang gamit.
Madaling mag-bulge ang ganun, pero sige lang, alam kong kaya ko.
(^_^)/") (?!?!)
Noong Sabado ay may na-cannulate din akong bagu-bagong fistula, 4th use
naman. Napasubo lang ako dahil busy ang assigned na nurse sa kanya,
tapos matagal nang naghihintay ang pasyente ng maga-asikaso sa kanya,
at lahat ng ibang tao ay busy. Success naman. =) (amp, tanginang
emoticon yan)
****
I lost 2.2lbs in just 1 week! Waw (?)
Posted at 6/16/2008 11:41:40 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, June 03, 2008
Gusto kong lumipat ng tinutuluyan
May nahanap nga akong tutuluyan sa QC, kaso nasa alanganing pwesto naman. Pitong (7) minuto ng paglalakad papunta sa pangunahing kalye kung saan may mga jeep, at labintatlong (13) minuto naman na paglalakad mula doon hanggang sa pinagtatrabahuhan ko. Para makatipid, tinatahak ko na lang ang 13 minuto na ruta para hindi na kailangang mamasahe. At ang 13 minuto na lakad na yun ay may bahaging steep uphill climb (biglang nag-English!). Nakakapagod ang layo. At hindi lang yun ang ayaw ko doon, dahil tuwing gabi ay nakakatakot na sa area na yun. Madilim, tahimik, walang tricycle (madalang na taxi lang ang dumadaan pag gabi) at parang bigla na lang akong susunggaban ng kung sino habang naglalakad doon. Kung bakit naman kasi pinagtabuyan ako sa bahay ni Big Tita. Ok na ok na sana doon. Ok na ang room, ok na rin ang paligid sa labas. Convenient. Malapit pa sa MRT station. Maraming tricycle at taxi. Marami ring tao kahit madaling araw. Huwa. (?)
Posted at 6/3/2008 9:31:03 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, June 01, 2008
...dahil mula next week ay nasa PM shift na naman ako, kung kailan nasasanay na ako sa AM shift (minus the waking up part). **** Sobrang sumasakit ang tiyan ko kahapon (noong Thursday pa nagsimula), pero dahil last day na sa AM shift ay pumasok pa rin ako. Apat na beses akong dumumi kahapon. Grabe ang sakit ng tiyan ko. Tatlo ang pasyenteng assigned sa akin, at magkakasunod ang tapos ng dialysis treatments nila kaya sobrang busy. At pagkatapos ay may sumunod akong mga pasyente, tatlo rin sila. At... nagloko yung isang machine! Huwaaaa. @_@ Pero nalampasan din ang unos. Na-hook na lahat ng mga sumunod na pasyente. At... pinag-OVERTIME ako! Sapilitan. Haha. Pero tinanggap ko pa rin kahit pwede namang tumanggi. Kaya naman naranasan ko ulit -- sa hapon naman -- ang magkakasunod na tapos ng pasyente at pag-hook ng susunod na pasyente. Hindi ko pa namalayan na malapit na ang 4:00pm (ang 'deadline' para ma-hook ang mga susunod na pasyente). Nilapitan ako ng charge nurse at sabi "Sir bilisan mo, maga-alas kwatro na!", kaya binilisan ko. Nung nakita niya ang lightning pace ko (?), sabi niya "Ay, OT ka nga pala... sige sir, take your time, nakakaawa ka naman". (?) Binilisan ko na lang ang pagtusok at pag-initiate para makahabol. Tapos nung pauwi... Cubao station sa MRT, andaming tao!!! Antagal ding dumating ng tren. At nang may dumating... SIKSIKAN SA LOOB!!! Hindi ko na tinangkang makisiksik. Kaya naghintay na naman ako nang sobrang tagal habang pinagpapawisan ng malagkit. At nung may dumating ulit na tren, siksikan pa rin. Pero pumasok na ako. Nakisiksik. At yung tumulak sa akin galing sa likod, tinulak ko rin. Gago e. Hahaha. Knocked out ako pagkauwi. @_@
Posted at 6/1/2008 12:05:43 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, May 29, 2008
Tusok sa medyo bagong fistula
Palakasan ng loob -- dinare (?) ko ang sarili ko na tumusok sa fistula
ng isang pasyente na medyo bago pa lang. Gauge 18 pa ang ginagamit na
karayom. Maliit na karayom para sa maliit na fistula. Pumayag naman ang
pasyente.
Venous muna (engk bakit yun na naman inuna ko). Medyo sablay, dahil
wala agad akong nakuhang backflow. Konting adjust, at nagkaroon din.
Kaso pag inaabante ang karayom, bumabagal ang backflow, na
nangangahulugang pwedeng mag-bulge ang fistula pagkasimula ng dialysis
treatment. Hindi ko na lang pinasok lahat ng karayom.
Tusok sa arterial, at ok naman.
Unang beses kong tumusok gamit ang gauge 18 na needle, kaya medyo
nakakapanibago. Mabagal talaga ang backflow dahil mas maliit ang butas
ng needle na yun.
Start na ng dialysis treatment. Kabado ako. Pero ok naman ang venous pressure, stable at mababa.
Pero pagkatapos ng isang oras ng dialysis ay biglang tumaas ang venous
pressure. Huwaaaaa. Pero hindi naman nag-bulge. Sinubukang ayusin ng
ibang staff, pero walang nangyaring pagbabago. At dumating ang isang senior nurse, at nagawa
niyang ipasok lahat ng needle. @_@ At naging ok na ang venous pressure
ulit.
Napatanong na lang tuloy ako, "Paano niya nagawa yun?" @_@
Posted at 5/29/2008 4:27:44 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, May 28, 2008
And I got my looooong sleep... at ang p*tang inang traffic sa Cavite
Kahapon, pagkatapos ng duty ay
natulog agad ako pagkarating sa Room for Rent (?) matapos kong kumain
at maglakad ng 13 minutes. Mga 3:00pm ako natulog, at nagising ako ng
7:00am. May mga nireplyan akong text messages, at nakatulog ulit ako ng
8:00pm. At... 4:00am na ako gumising pagkatapos. @_@
Bale ang tulog ko ay 3:00pm to 7:00pm (4 hours) at 8:00pm to 4:00am (8 hours). Add them up and you get... 12 hours of sleep!!! @_@ Kaya
naman nanibago ako sa duty kanina. Wala yung antok na nararamdaman ko
mula 5:30am hanggang 9:00am. At may 'sinungitan' ako kaninang co-staff.
At sabi ko sa kanya pagkatapos, "Masungit ako kapag nakatulog nang ayos." @_@ ****
Umuwi
ako ng Cavite. Umalis ako ng QC ng 1:45pm. Pagkarating ng Bacoor galing
Coastal Road, TRAFFIC!!! Standstill. Kung uurong ang mga sasakyan e
gapang lang. Kanina ko lang nalaman -- nakita ko pa sa isang banner --
[hindi verbatim] "Expect heavy traffic along Aguinaldo highway on May 28, 2008 starting 2pm due to the kick-off of the Wagayway Festival 2008." Napatingin ako sa relo ko at... May 28 ngayon, at 3:00pm na. @_@ Sana puyat na lang ako para tinulugan ko ang traffic. Noong
dumating ako sa may St. Dominic (at total standstill pa rin), naisipan
ko nang bumaba ng bus at maglakad na lang pabalik ng Talaba upang
sumakay ng jeep pa-Binakayan, tapos sa Binakayan ay sasakay ng jeep
pa-Imus (at mula Imus ay sasakay ng jeep papunta sa amin). Naka-6 na
sakay ako kanina, makauwi lang. @_@ Jeep - MRT - bus - jeep - jeep -
jeep. @_@ Nakauwi ako ng 5:20pm. @_@
Posted at 5/28/2008 7:06:54 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, May 25, 2008
Palaki nang palaki ang eyebags ko, dahil sa puyat na nararanasan ko
ngayong buwan na ito. Sa linggong ito, malalaman ko na ang schedule ko
para sa buwan ng Hunyo.
Kung...
AM shift = puyat pa rin, pero mabilisan lagi ang trabaho, at mabilis lagi ang oras. Konti lang ang boredom. PM shift = makakatulog na ako nang mahimbing, pero mabagal ang oras, at umuulan pa ng mga vascular catheters na nagloloko. @_@
Parang mas gusto kong makatulog nang mahimbing na lang. @_@
Posted at 5/25/2008 6:32:24 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|