|
Monday, July 31, 2006
Ang aking gitara ay nabili ko noong May 2005. At ganito na ang itsura ng ilang bahagi ng nasabing gitara:  Katangahan kasi!!!
Posted at 7/31/2006 10:00:47 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, July 30, 2006
Promises are made to be broken daw. Therefore, vows (which are promises too, solemn nga lang) are made to be broken din kung ganun. And I did break a vow. .... ANG BAGO KONG PHONE AY MAY COLORED SCREEN NA!!! (Sabi ko dati, hindi ako gagamit ng colored na phone unless phased out na lahat ng black and white / monochromatic phones) Isa akong LIAR!!! (?) **** SETTING: Paoe is driving, Dustin is sitting next to Paoe PAOE: "Huy saan ba tayo liliko?!"DUSTIN: "Mamaya pa..."PAOE: *kumunot ang noo* "I'm asking WHERE... not WHEN!!!"DUSTIN: *natanga* "Oo nga no... Napaisip din ako kanina pagsagot ko e..."PAOE: *halakhak* DUSTIN: *halakhak* **** Continuation: PAOE: "Yan ang isa sa mga common errors ng mga Pilipino."DUSTIN: "Oo nga. Tulad ng "Kaninong T-shirt to?" tapos may sasagot "Ako yan!" "PAOE: "Hahaha... Kaya pag nagtatanong ako ng "Kanino to?", ang sinasabi ko "Who's this?" "DUSTIN: *napaisip* "Whose... W-H-O-S-E?"PAOE: "Hindi... H-O..." *napatigil* DUSTIN: "H-O pala ha... "Who's" tapos H-O?! Wahahahahaha!!!"PAOE: *tawa*
Posted at 7/30/2006 11:44:51 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, July 28, 2006
Last week pa ako naka-receive ng text message ukol sa salmonella contamination ng ilan sa Cadbury products. Ito ang latest text message sa akin tungkol dito: Nang matanggap ko last week ang ganitong message, chineck ko kung totoo nga. Oo, totoo nga ang news na may contamination. Pero... - Hindi lahat ng Cadbury products ay contaminated.
- Saan nanggaling ang part na ibebenta ang mga contaminated products sa 3rd world?! Evil ba ang Cadbury para gawin yun? Ganoon ba sila ka-gahaman sa pera para ilagay sa kapahamakan ang mga consumers nila? Hindi ba't parang detrimental naman sa business nila na ibenta pa ang contaminated products na ito? Kung maraming magkakasakit dahil sa products nila, edi masisira ang pangalan nila at mababawasan nang todo ang bumibili ng Cadbury products.
**** Bad trip ang vending machine ng Nescafe sa Jose P. Rizal Hospital. Para sa aking 3rd cup ng kape, naglagay ako ng P20. Pinindot ko ang aking "desired drink". At tiningnan ko pa talaga sa ibaba ang proseso ng paglalagay ng kape sa cup kahit na magmukhang tanga at masabihang "Wala sa bundok niyan no?". Nakangiti ako noong una. Pero biglang napalitan ng simangot. Nagmukha akong worried. WALANG CUP NA BUMABA. At tuluy-tuloy lang ang buhos ng kape, ng asukal, at ng kung anu-ano pa. WALANG CUP. Nangutang pa man din ako para makabili ng kape. DEMYU!!!!!!! **** Tapos na ang Part 1 of 3 ng aking torturous (ano?) duty sa Jose P. Rizal Hospital. DAY 1Malayung-malayo sa inaasahan ko ang nangyari. Ang akala kong sobrang busy na araw ay naging araw ng pagtunganga. Isang (1) pasyente lang ang na-assign sa akin. Isa siyang 2 1/2 year-old na bata. At hindi ko talaga magawa mag- "Ang cute naman ng baby... Kiss nga mommy muchi muchi... Ni mommy muchi-muchimu... Mumumu gugu gugugugu hmmhmm...".
Gamot lang ng pasyente ang task namin. At nagkataong walang kailangang gamot ang aking pasyente. DAY 2Ako ay "team leader" para sa 2nd day. Ako ang maga-assign ng mga pasyente sa mga kagrupo ko. Ako rin ang responsable sa pag-schedule ng breaks, sa pag-inform sa aming clinical instructor (CI) tungkol sa mga concerns ng mga kagrupo ko, ako ang taga-remind sa mga kagrupo ko ng mga kailangan nilang gawin, at ako ang dapat umanong umako ng mga gawaing ayaw gawin ng ibang kagrupo ko (joke). Ayon sa aming CI, isa (1) lang ang iha-handle kong pasyente. At ang 2 1/2 year-old na bata pa rin ang pasyente ko. Nagkaroon ng admission ng mga pasyente. Ang unang pasyente ay in-admit ng isa kong kagrupo habang ino-obserbahan ko ang ginagawa niya. Pero ako na rin ang responsable sa paga-asikaso sa pasyenteng iyon. May sumunod na namang in-admit. Ako na ang nag-admit. At dahil alam kong ayaw ng iba na magkaroon ng dagdag na pasyente, ako na lang din ang naging responsable para sa pasyenteng iyon. Tatlo (3) lahat pasyente ko. Ang sabi sa akin, isa (1) lang. Yey. DAY 3Hindi na ako team leader. Pero na-assign ako sa ibang area ng ospital. Ibig sabihin, may mga bago na naman akong pasyente. At apat (4) ang na-assign sa akin. Ok lang para sa akin noong una, kasi ang task lang daw namin sa area na yun ay ang "charting" at pag-record ng intake and output (ng fluids) ng mga pasyente. Ganoon daw ang gagawin dahil may mga kasama kaming 3rd year, at sila ang bahala sa ibang bagay tulad ng vital signs taking at lahat ng gamot. Sarap ng buhay... Engk! Wrong!Sa apat (4) na pasyenteng hawak ko, walang 3rd year student na na-assign. Tig-isang (1) pasyente lang pala ang hawak nila. Kasi kaming mga 4th year students, binigay sa amin lahat. Kaya naman wala akong katulong sa 4 na pasyente na iyon. First time mangyari sa akin to. Ang pinakamalala nang nangyari sa akin dati ay nagkaroon ako ng tatlong (3) pasyente, at nagkasakit ako halfway ng duty. (Naaalala ko pa na habang kinakausap ako ng isang pasyente ko dati ay lumalabo na paningin ko at disoriented na ako). *Tama ba naman kasing uminom ng malamig na tubig nang walang laman ang tiyan*Anyway, umuwi ang dalawa (2) sa apat kong pasyente. MGH sila e. "May Go Home". Kaya naman nasayang ang aking SOAPIE para sa dalawang pasyenteng iyon. Ang duty namin ay 2:00pm to 10:00pm. Uwi daw kami ng mga after 9:00pm. At nagkatotoo nga. Mga 9:50pm na kami dinismiss. **** Free again...
Sabi nila, if you love someone, set him/her free...
....
AYOKO NGA!!! BUMALIK KA!!!
*boses ni Scorpion (ng Mortal Kombat)* "Come urr (here)!!!" "Get over here!!!"
Posted at 7/28/2006 11:18:58 pm
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, July 26, 2006
Woes of a nursing student
This is a re-run, a remake, a rehash of my previous posts. Sarap ulitin, bitter kasi e.**** Ako ay isang 4th year nursing student. Graduating (hopefully) na sa March 2007. Or April 2007. Basta sa year 2007. At ito ang ilan sa mga hinanakit ko: - Nakakatamad gumising nang sobrang aga dahil ang morning shift ay nagsisimula ng 6:00am.
- Nakakasira naman ng ulo ang night shift na nagsisimula ng 10:00pm hanggang 6:00am.
- Nauubos ang oras ko sa simula ng duty kakabasa at kaka-recite ng classification, indications, action, etc. ng mga medications na kailangang ibigay sa pasyente.
- Nakakabaliw gumawa ng SOAPIE para sa mga pasyenteng mahirap hanapan ng problema. ("Please parang awa mo na... Sabihin mong may masakit sa iyo!!!")
- Nakakatamad ang whole day lecture. Nauso ito sa amin noong 3rd year 2nd semester. Dati ay mula 7:00am to 4:00pm ang Medical-Surgical Nursing (at may klase pa ng 4:00pm to 7:00pm). Ngayon ay whole day pa rin, 8:00am to 5:00pm.
- Kapag nagpatung-patong na ang requirements, nakakasira na rin ng ulo. Nursing case study (NCS) ang isa sa mga pinakamalupit na requirement sa amin noong 3rd year. Dati ay mayroon kaming GROUP NCS PRESENTATION bawat term, at 10% iyon ng aming grade. Hiwalay pa yun sa NCS namin na individual requirement bawat "rotation" (assignment sa mga areas tulad ng wards, operating rooms, etc.). Sa presentation na ito ay tutuligsain kami nang harap-harapan ng mga panelists, hahanapan ng mali ang aming gawa at pupurihin ang ilang tama.
- May mga clinical instructors (CI) na tila galit sa mundo o kaya parang walang "empathy" sa mga estudyante. Sobra sila kung manita, magalit, manigaw, manlait, at pati magmura. Kaya naman minsan nagiging traumatizing ang experience.
- Ang errors sa duty ay may mabigat na mga sanction. Ako mismo, nakaranas nito. Tatanga-tanga kasi. Sobrang na-depress ako at naisipan ko pang mag-shift ng course kahit na 3rd year student na ako noon.
- Uso rin ang may mga nagta-take advantage sa isang grupo ng mga student nurses. Kalimitan lumilitaw ang mga "buwaya" sa operating rooms (OR) at delivery rooms (DR), kung saan may requirement ang PRC (Professional Regulation Commission) na OR at DR cases para maka-graduate ang isang student nurse. Agawan ng cases.
- Thesis. Pag may nagmarunong, wala na. Ang itutulong mo, mababalewala. Tapos uutus-utusan ka pa. Pagdating naman ng defense, palpak din naman.
- May mga clinical instructors na mayroon na agad predetermined/fixed impressions sa ilang mga student nurses. Biktima ako nito. May natatagong galit ata sa akin ang isang naging CI ko noon, at binigyan ako ng 73 sa rotation na iyon. Nadaig ko pa ang pasaway kong kagrupo na lumalayas kapag oras ng duty.
- Mabigat sa loob ang magtrabaho nang walang suweldo.
Posted at 7/26/2006 12:41:26 am
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, July 25, 2006
Mahirap magtrabaho nang walang bayad
Malupit ang tadhana. Kung kailan gusto kong pumasok, saka naman idineklarang walang pasok. At kung kailan ayokong pumasok, saka magkakaroon. Bukas, simula na ng aming hospital duty sa Jose P. Rizal Hospital. Isang kulchur shak (?!) ang magaganap, dahil kami ay idi-distribute sa iba't ibang wards, at sa kalkulasyon ko ay tig-5 o 6 na pasyente ang aming maha-handle. Walang problema sa pag-attend sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagbibigay ng gamot (ang pagre-recite ng action, classification, etc. ang problema actually). Problema ko ang SOAPIE. *maraming hindi maka-relate* Anyway, to cut this short... Nine (9) days of torture ito. Dahil dito ay mas gugustuhin ko nang mag-duty sa medical ward ng Cavite Naval Hospital (pero tapos na yun e). **** SETTING: SM Mall of Asia Paoe: *may nakitang natumbang couple sa ice skating rink* "Ayon!!!"Dustin: *napatingin* "Awww... ang sweet!"Paoe: "Sabay pa talagang natumba no?"Dustin: "Tingnan mo, tinutulungan nung lalake na tumayo yung babae."Paoe: "Hindi makatayo yung babae..."Dustin: "...."Paoe: "Baka dumikit yung ass sa ice."
****
Bago magbitiw ng salita, it is better to know both sides of the story. MUCH better. Pag may pinanigang side nang hindi pa alam ang side ng kabilang party, wala na. BIAS na ito.
So shut your mouth. You don't know anything.
Posted at 7/25/2006 10:12:37 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, July 24, 2006
I'm glad I did not spend even a single peso for the screening of WWE Great American Bash at selected SM Cinemas. Pero natutuwa naman ako sa last match ng event na iyon: King Booker def. Rey Mysterio to win the World Heavyweight Championship.Muling naibalik ang "Heavyweight" sa Heavyweight title. Yeah. Ayoko kay Booker T bilang champion, pero mas ayoko na si Rey Mysterio ang champion. Sa WWE SummerSlam, sana matalo si Booker T. Ni Batista, preferably. **** May buyer na ng Nokia 1110 ko...
... ang aking inay!!! (seryoso!)
Posted at 7/24/2006 8:33:22 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, July 23, 2006
Wala daw pasok bukas. Hindi ako masaya. Bakit? - Wala akong baon!!! (daily ang pagbigay ng baon ko, at matindi ang pangangailangan ko ngayon)
- Hindi matutuloy ang product demo ko bukas!!! (ibebenta ko kasi ang aking Nokia 1110, at may interesadong tingnan ang phone. Hindi ko rin tuloy malalaman kung pwede ba ako sa Marketing. Diyem!)
**** Maneater.
What the f***?! Cannibalism ito!!!
Posted at 7/23/2006 11:10:36 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, July 21, 2006
Disappointment (dis-a-pwuh-muh). Kahapon ay nabili ko na ang simpleng phone na matagal ko nang hinahangad... At ito ay ang Nokia 1110. Ang ganda ng pichurs (features) para sa isang black and white na phone. Polyphonic tones, may speaking alarm clock, inverted black and white display, may phone memory para sa messages at 200 phone book entries, may 4-direction direction button (?), may converter para sa length, temperature at weight, at iba pa. May Chinese lunar calendar pa nga e (available pag Chinese ang language na piniling option). At napakadaling magtext sa phone na ito. Hindi matigas ang keypad, responsive sa bawat pindot at walang lag. Pero ang isang major turn-off ay ang itsura ng message pag babasahin. Noong ito ay binili ko, pagkabasa ko ng text message, malaki ang font. Three (3) lines lang ng text ang nababasa ko. Kaya kinalikot ko agad para paliitin pa ang font. Pero ang nakita kong option ay "Large fonts". Ang 3 lines ng text pala na iyon ay small fonts na ng lagay na yun. Pag pinili ko yung large fonts, 2 lines ng text na lang. Maarte ako. Ayoko ng maraming beses ako pipindot ng down para matapos ang isang message. Ayoko rin pumindot ng up nang maraming beses upang balikan ang message na nakalimutan ko. Mas gusto ko pa yung Nokia 1100, na kasalukuyang hindi ko na napapansin. Naaawa na nga ako e. Napamahal na kasi sa aking ang aking Nokia 1100, tapos iniwan ko na lang bigla para sa 1110. Kaya... kung sinuman ang interesado sa isang 1-day old (and counting) Nokia 1110... Makipag-negotiate na sa akin! (seryoso!) **** Ang Kamikazee ay may pica.
What is pica?
Pica is an eating disorder wherein one persistently eats non-nutritive substances such as hair, clay, cigarette butts, needles, paper, compact discs, flash disks, PlayStations, printers, computer monitors, photocopying machines, treadmills, trees, houses, and SM Mall of Asia.
Take a look at this:
Ang almusal ay sigawan Ang hapunan natin ay tampuhan Ang merienda ay pagdududa Pero mahal kita wala nang hahanapin pang iba Handa kong magtiis kahit na Away away away na'to!
Posted at 7/21/2006 10:21:38 am
| Permanent link (Permalink)
Thursday, July 20, 2006
"Screw you guys, I'm going home!"
DLS-HSC 215 examinees, 127 passed59% passing rateYan ang text message na natanggap ko kaninang umaga tungkol sa result ng board exam. Yeah, take that. Matapos ibida ang in-house review dahil daw isang "suicide" move ang hindi pagtangkilik (?) sa naturang review method. Matapos i-lure ang karamihan sa amin na piliin ang in-house review. Shame on you!!! **** Sabing wala sa type ng review yan. Nasa tao yan. Sa disiplina at tiyaga. **** Ang mga batchmates ay ang pinakamalaking distraction sa review. Period. **** At sa in-house review, pag "lights off" na, hindi ka na makakapag-aral. Pero pag nakakauwi ka sa bahay, anytime na convenient sayo, makakapag-aral ka. Tama? **** Hindi ako natanggap sa Blitz, ang official band umano ng DLS-HSC. Ang mga natanggap daw ay yun pa ring mga dating pumasa sa Blitz. Nagpa-audition pa kayo!!! (bitter?!) Anyway, ayoko din namang matanggap. Hahaha. Marami pa akong pangarap sa buhay. At tutugtog pa ako kasama sina Aaron at Cyrus Malib*g. Kapag napasali kasi ako sa Blitz, hindi na ako makakatugtog kasama sila, sa isang competition na tanging non-Blitz members lang ang pwedeng sumali. **** Prelim exam sa Psychiatric Nursing kahapon. Heck, it was a neckbreaker. Literally. Masakit sa leeg at batok ang pagsh-shade ng napakaraming bilog. At masakit sa ulo ang pagbabasa ng mga tanong na situational, at pipili ka ng mga sagot na either higit sa isa ang tamang sagot o kaya ay walang applicable na sagot mula sa choices, pero kailangan mong sumagot. **** Minsan naiisip ko, may conspiracy (?) at kadayaang nagaganap sa exams namin sa mga nursing subjects.
Hindi nila binibigay sa amin ang test questionnaire. Siguro, ire-recycle nila yung mga tanong.
Minsan hindi rin naibabalik sa amin ang aming test card (yeah, card!). Ang aming answer card. Answer sheet. Nakikita na lang namin ang result sa class record. Kaya minsan naiisip ko, "Yan ba talaga result ng exam ko?".
Hindi na rin nare-recheck ang exams namin. Paano kung mas marami pa pala akong tama kaysa doon sa nakaprint na score sa may upper right side ng answer sheet namin?
At sa palagay ko ito ang isa sa mga dahilan bakit medyo pumalya ang aming paaralan sa board exam: Hindi na nire-recap (?) ang exam. Hindi na sinasabi sa amin ang mga tamang sagot sa exam. Hindi na rin sinasabi sa amin ano ang rationale sa likod ng tamang sagot.
Pero ito talaga matagal ko nang naiisip...
Meron kayang mga tanong sa exams namin na wala talagang tamang sagot at sinadya nilang ganun para walang tumama? At ilalagay nila sa checking machine na letter E ang sagot kahit na ang nasa choices lang talaga ay A to D?
Posted at 7/20/2006 9:29:03 am
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, July 18, 2006
Kanina ay prelim exams ng minor subjects. > ASIAN CIVILIZATION- nagsimula akong mag-aral dito ng mga bandang 5:00AM na. Pagdating ng 6:00AM ay nanood muna ako ng The Simpsons. After 30 minutes ay nagbasa ulit ako.
- History ito. Mahina ako sa ganito. Pero dahil sa assurance ng aming professor na sa handouts lamang manggagaling ang exam, na-motivate ako. Ilang beses ko binasa ang handouts dahil makakalimutin ako.
- Sa jeep ko lang sinubukang i-memorize ang mga bansang napapabilang sa bawat division (?) ng Asia (Southeast, Southwest, South, East, Central). Napakinabangan ko naman ang pagme-memorize ko dahil ang Part I ng exam ay pag-classify sa mga bansa kung saang division ito napapabilang.
- Satisfied naman ako sa peformance ko sa exam, kahit na ilang oras lang bago mag-exam ako nagsimulang mag-aral.
> KURSONG RIZAL- Kagabi pa ako nagsimulang magbasa sa subject na ito. Apat (4) na chapters ang coverage. Medyo mahaba...
- ...at napapalooban ng mga WALANG KWENTANG DETALYE.
- Anak ng p*ta, napaka-detalyado ng buhay ni Rizal ayon sa pagkakasaad sa libro.
- Chapters 4-7 ang coverage. Chapter 4 ang nabasa ko nang matino, ang 5 at 6 ay nasa handouts at hindi ko maintindihan. Ang Chapter 7 ay hindi ko na nabasa dahil kinailangan ko pang mag-aral sa Asian Civilization.
- Halos lahat ng tanong sa exam ay galing sa Chapter 7. Anak ng p*ta.
- Noong akala ko tapos na ang kalbaryo ko, pagtingin ko sa last page sa may bandang ibaba, may 3 essay questions. At... galing lahat iyon sa Chapter 7. In short, WALA AKONG SAGOT.
- 30 pts. nga pala yung sa essay questions.
Posted at 7/18/2006 7:44:53 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|