Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Monday, July 30, 2007
Alipinus selponis

*posted April 17, 2005

The cellphone is a very useful communication tool, especially these days.  These cellphones outweigh the old, conventional means of communication such as telegrams, snail mails, and the like in terms of convenience and speed.

You can send anyone instant messages via the cellphone.  You can ask, "Kumain na u?" (yeah, "u"...), and can also reply at once, "Oo, kumain na ME" ("me" my ass... who the hell came up with the idea of using "u" and "me" in such statements anyway?)

At first, phone kits, SIM cards, and prepaid credit/load cards (or prepaid cards) were too expensive for the ordinary Filipino.  It was a real pain to shell out P300 for prepaid cards, P500+ for a SIM card, or P8,000 for a Nokia 3310.

Newer cellphone models emerged as time passed by.  Back then, a phone with a bulit-in radio was considered "elite."

Cheaper prepaid cards were offered.  Globe released a P100 call and text card.  Smart, on the other hand, released PureTxt 100.  A stupid idea.  This PureTxt 100 would turn your cellphone into a pager: You cannot make outgoing calls, and you CANNOT receive INCOMING calls.  All you can do is text, and all you can receive is text.

Then cellular networks came up with the very bright idea of electronic load.  Cheaper denominations were made available so that more Filipinos could afford "cellular communication."

Other services were offered, like Globe's Share-a-Load, Smart's Pasa Load, and others.

And lately, the SUN Cellular network made a huge impact by offering the 24/7 Call and Text Unlimited.  It made possible the limitless calling and texting within the same network.  Other networks accused SUN of predatory pricing, but since they could not do anything about it, they also attempted to offer similar services for a certain period of time. (Right now, Globe's All-You-Want, Touch Mobile's Todo Text, Todo Tawag, and Smart's 25/8 promos are over)

Unlimited calls and texts.  Sounds great?  Nah.

Cellphones can be evil.  Cellphones can make a slave out of anyone.  And this is best achieved with the existing unlimited promos.

Imagine: As you wake up, you reach for your cellphone to send text messages.  You wash your face, then you again reach for your cellphone.  You eat your breakfast, then the next thing you know, you are holding your cellphone.  Lunch time approaches, you eat, then it's you and your cellphone, again.  The same happens at night.  You wanna sleep, but the cellphone is just too tempting to let go of, because you can call and text all day all night without worrying too much about the cost.

So the whole day, it's just you and your cellphone.

A lot of other things are put off because you are too attached to your cellphone.

You do not realize it: You are being used by your cellphone.  And when you do, it's too late.  Your life is a total mess because you have been serving your master cellphone for so long.

During the time when there are still no unlimited services, when you run out of load, you achieve freedom from the possible slavery of cellphones.  But now, considering that communication is a lot cheaper, you become an easy prey for these cellphones.

These advances in technology should only be used for important purposes only.  Let us not be used by them.

Cellphones are evil.  With irresponsible use.




Sunday, July 29, 2007
Mga adik sa amin, mga nanghoholdap sa tapat mismo ng bahay, etc.

Marami niyan sa Malagasang, kung saan kami nakatira. May balita nga na sa isang malaking bahay na isang bahay lang ang pagitan mula sa amin, may mga tinutukan ng baril doon at kinuha ang cellphone.

At sa tapat mismo ng bahay namin ay napakaraming maiingay na tambay. Maraming adik dito sa lugar namin (hindi ako kasama), at hindi malabong mga adik rin ang mga tambay na yun.

Kaya naman nakakatakot pag uuwi ako nang mga lampas na ng 10:00pm, dahil sa mga oras na yan naglalabasan ang mga nasabing tambay. Mas nakakatakot pag uuwi ako nang may dalang kotse, dahil kailangan ko pang bumaba para buksan ang gate.

WALA NANG LIGTAS NG LUGAR SA MUNDO!!!

Mga naudlot na pangarap (?)

Marami akong mga nagagawa noong kabataan ko (?) na kung ipinagpatuloy ko lang ay malamang nahasa na ako nang maigi.

Isang halimbawa ang sining ng pagguhit (drawing, hindi lining). Noong bata ako ay mahilig akong mag-drawing. Gumagawa pa nga ako ng mga comic strips na iginuguhit ko sa sketch book na maliit, at ipinapakita ko sa mga kaklase ko. Isa rin itong attempt sa pagiging komedyante, pero tuwing makikita ko ang iilang naisalbang mga gawa ko, masasabi kong hindi ako pwedeng maging komedyante. Nweiz (nweiz aaaaaamp!!!), mula noong high school ay itinigil ko na ang pagd-drawing ko, sa kadahilanang hindi ko magaya ang mga drawing ng mga anime na uso noon.

Isa pang halimbawa ang graphic designing (?). Tuwing computer classes namin noong high school, pinaglalaruan ko ang MS Paint (wala pa akong alam masyado sa computers noon, hindi nga ako nakakagamit nun dati -- at hindi ko rin alam ang Photoshop). Gumagawa ako ng iilang designs doon kahit limitado lang ang tools. At isama na rin ang web designing. Dati ay nawiwili akong gumamit ng mga hyperlink sa paggawa ng simpleng web designs, pero noong nagtapos ako ng high school ay hindi na nasundan ito.

Nang tumapak ako sa college, nakagamit na rin ako ng sariling PC (sarili na, personal pa!). Second semester ng first year ako unang nagkaroon ng PC. Maliit lang ang capacity ng hard disk ko noon, dahil yun ang napaglumaan ng kapatid ko. Pero may isang program noon na ginagamit ko pang-edit ng ilang mga pictures. Madaling gamitin ang program, at nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Pero ngayon hindi ko na alam kung nasaan ang program na yun.

Sinubukan ko ang Photoshop, kaso kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga malaman kung paano gumamit noon. At nalilimitahan pa ako ng 256MB na RAM ng PC na ito, kaya naman tuwing mago-open ako ng Photoshop program, laging nagha-hang ang PC. Kumusta naman ako yun ikaw? (??)

Karagdagang halimbawa -- ang HTML. Mula noong nagsimula akong mag-blog dito sa Blogdrive, natuto ako ng mga basic HTML codes. Binalak kong pag-aralang maigi ang tungkol dito, pero mula noong tumuntong ako sa summer class ng second year college, nawalan na ako ng oras para rito. Pati oras ng PlayStation 2, nawala na rin. Tulog na lang lagi ang inaatupag ko.

Sana hindi maudlot ang pangarap kong gumaling sa larangan ng potograpiya. Maraming pagod, oras at pera na rin akong naibuhos para dito. Sana sa pagkakataong ito ay mag-excel na ako.




Thursday, July 26, 2007
Drought

July na. Dapat ay tag-ulan na ngayong mga panahong ito, pero napakainit pa rin. Tuyo ang panahon. Kung umulan man ay paminsan-minsan lang, katulad noong isang linggo na sobrang lakas ng ulan noong gabi, pero iba na agad ang panahon kinabukasan.

Tila summer pa rin ngayon.

Dapat ay maulan ngayon sa Luzon at Visayas at tuyo sa Mindanao, pero hindi ganun ang sitwasyon. Baliktad ang panahon -- maulan sa Mindanao at tuyo sa Luzon at Visayas.

Kapag nagpatuloy ang ganitong panahon, makaka-experience ang Luzon at Visayas ng drought o tag-tuyot. At ang drought na ito ay maaaring maging sanhi ng kakulangan ng water at power supply. May kakulangan sa power supply dahil magiging kulang din ang tubig na nagpapatakbo sa mga power plants na nagge-generate ng kuryente.

Kumusta ka naman tayo? (?)




Wednesday, July 25, 2007
The Simpsons Muveeeeeeee

Muveeeeeeeeee amp!!! Ungas ang ganyan mag-spell! *hahaha*

Nanood ako ng The Simpsons Movie, na tinatawag ding "Simpsons the Movie" o kaya "The Simpsons The Movie".  Sa pangalawang pagkakataon, nakanood ako ng sine nang mag-isa. *ang una kong sineng pinanood mag-isa ay "Dead or Alive"*  Hindi ako mahilig manood ng sine, pero isa ito sa mga exception.  Ang plano ko dapat ay sa Biyernes pa ako manonood, pero, watdahel, bakit di pa ngayon? Hahaha.

Sa loob ng isa't kalahating oras ay nakalimutan ko ang mundong aking ginagalawan, at ako ay nakatutok lamang sa pelikulang matagal ko nang pinakahihintay.

Nakakatawa, nakakatuwa, nakaka-antig ng puso (?).

****

Ang ipinunta ko talaga sa SM ay ang manood ng sine. Pero maraming naatasang mga gawain sa akin -- may mga ipinabili sa akin ang aking inay.

Tatlong tubo ng mga produktong pang-mukha (facial products) na nahirapan pa akong hanapin ang dalawa dun; dalawang bote ng blueberry preserves; tatlong luntiang mansanas at dalawang orange (ano ang Tagalog ng "orange" na prutas?), kaso tatlong orange ang nabili ko.

Nakakapagod bumili ng mga bagay-bagay, lalo na kung sa Supermarket. Maikli lang ang pila, kaso napakarami namang mga items ang mga nasa unahan ko, samantalang ako, dalawang bote lang ng blueberry preserves ang hawak ko.

Pero ok lang yun. Nabigyan pa man din ako ng extrang pera kanina, pambili ng bagong Chucks (hahaha) at bagong aklat ni Bob Ong na "Macarthur"!




Tuesday, July 24, 2007
Simple joys

Sa mga panahong ito na wala akong magawa, na gusto kong magtrabaho na pero hindi sumasang-ayon ang mga pangyayari sa aking mga plano, ay inaaliw (aliiiiiw) ko na lang ang sarili ko sa kung anu-anong mga bagay na nakapagpapasaya sa akin.

Isa sa mga ito ay ang panonood ng Eat Bulaga. Matagal kong hindi sinubaybayan ang palabas na ito mula noong nawala ang dati kong paborito na Sexbomb Girls (oo, Sexbomb!). Parang nawalan ng saysay ang panonood ko ng Eat Bulaga kung wala naman doon ang Sexbomb. Pero nito lang ay nagsimula na naman akong manood ulit, at hindi ito dahil sa pagbabalik ng Sexbomb. Hindi na nga ako natutuwa masyado tuwing nakikita ko ang Sexbomb e.

Ang pinanonood ko ngayon sa Eat Bulaga ay ang EB Babes (hahaha). Ngayon ko lang napansin na may mga magaganda pala roon. Una kong napansin doon ay si EB Babe Belle, na nasundan naman ni EB Babe Saida at nito lang ay si EB Babe Joyce. Wala lang. Hahaha.

At natatawa ako sa mga patawa doon sa Eat Bulaga. Natatawa rin ako doon sa dalawang machong naka-pink na parang bakla kung sumayaw.

Gusto ko ring panoorin ang Game KNB, ngayong si Edu Manzano na ang permanent host nito. Idol ko yun e! (?) Buti na lang siya na ang permanent host, dahil nakakabadtrip dati manood ng Game KNB dahil kay Kris Aquino, na tila nakikipag-kumpetensya rin sa mga contestant doon.

Uhhh...

Walang kwenta ang Wowowee!!! P*tang ina!!!

Ayoko ng mainit

Ayoko ng mainit. Hindi komportable sa pakiramdam. Papawisan nang maigi, mapapa-simangot ka, nakakasira ng araw. Itong "bakasyon" nga lang, lagi akong nagigising sa tanghali hindi dahil sapat na ang nakukuha kong tulog kundi dahil hindi ko na makayanan ang init sa kwarto ko.

Sa sasakyang pampubliko, maraming ayaw ng mainit. Kapag nasa jeep at hindi gumagalaw dahil sa traffic, ito ang isa sa mga pinakamalalang sitwasyon ng isang taong namamasahe. Kaya naman marami ang gusto ng aircon na sasakyan -- bus, FX, van, atbp.

Pero pagdating sa mga sasakyang pampubliko, kung papipiliin ako, mas gugustuhin kong doon na lang ako sa mainit at hindi airconditioned pero nakakahinga ako nang maayos. Hindi ko alam kung anong meron sa mga aircon na sasakyan, pero tuwing sasakay ako sa mga aircon na bus o van o FX, kadalasan ay nahihilo ako. Hindi naman pwedeng motion sickness ang dahilan nun, dahil hindi ko yun nararamdaman kapag nasa jeep o bus na hindi airconditioned ako nakasakay. Mula pa noong bata pa lang ako, ganito na ang sitwasyon ko -- nahihilo sa mga airconditioned na sasakyan. Kahit sa sarili naming sasakyan, kapag hindi ako ang nagmamaneho, nahihilo rin ako.

Kawawa naman me. *yak "me"!!!*




Saturday, July 21, 2007
Walang trabaho = bad trip

Tumitindi ang aking nararamdaman. Lampas isang buwan na akong "bum" (pwet / walang trabaho). Nakaka-bad trip na. Hindi naman nakakatuwa ang tumunganga sa bahay. Napaka-unproductive ng buhay ko ngayon. Gusto kong magtrabaho na, kahit ano, baka patulan ko. Teka, babawiin ko. Hindi pala kahit ano. Pero gusto ko ng disenteng trabaho, para naman maging produktibo ako sa lipunan.

Kapag ako na-bad trip na nang sobra, baka patulan ko na talaga ang maging tagabuhat sa water refilling station. XD




Friday, July 20, 2007
AMP: Brock Lesnar kisses Kurt Angle


And look what Kurt Angle does in "retaliation".

AAAAAAAAAAAAMP!!!




Wednesday, July 18, 2007
The Great Khali is the new World Heavyweight Champion


...dammit!!!




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed