|
Thursday, July 31, 2008
The good news and the bad news
THE GOOD NEWS:
Wala na kaming tax sa sweldo namin! [Buti naman!]
THE BAD NEWS:
Everything else!
****
It only gets worse. May bago na namang developments sa aming
institusyon. Wala na talaga ang panahong "stagnant" ang buhay doon.
Ngayon ay parang maya't maya ay magkakaroon ng sorpresa -- mga
sorpresang hindi kanais-nais.
*claps*
Mga isang buwan na lang...........
Posted at 7/31/2008 4:02:30 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, July 29, 2008
DFA personal appearance eh eh!!!
Eh eh!!! (a la Stone Cold Steve Austin) Na-cancel ang
personal appearance appointment ko kanina sa DFA dahil malabo raw ang
NSO birth certificate ko. Hindi ako aangal, dahil malabo talaga.
Tinawagan ko ang hotline (?) ng NSO, at sabi nila ay kahit umorder daw
ako ulit ng bagong NSO birth certificate ay malabo pa rin ang makukuha
ko dahil yun ang meron sila. Para magka-clear copy ako, kailangan kong
kumuha ulit ng certificate of live birth sa Local Civil Registry sa
lugar kung saan ako ipinanganak -- e sa Cebu yun. @_@ Pagkakuha ng
certificate doon ay mage-endorse sila ng clear copy para sa NSO. Boooooooooo!!! Akala ko pa man din may maganda na akong dahilan para um-absent kanina
****
May isa pang option daw: Magpadala raw ako ng certified true copy ng
municipal birth certificate. Ang problema, (1) original lang ang andito
(2) sa Cebu pa magpapa-certify (3) may discrepancy sa naka-type, dahil
mali ang middle initial ng aking itay doon sa municipal birth
certificate.
Uhhh (?)
Posted at 7/29/2008 8:10:28 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, July 27, 2008
Lifehouse concert -- at iba pa
Wala na naman akong photographic evidence ng concert! P*tang ina nahuli na naman camera ko at pina-deposit sa labas! @_@
****
Upper Box A amp. May malaking lalaki (matangkad na mataba) sa may
babang row na pag tumayo ay hindi na makita masyado ang nagpe-perform.
Kahit mag-isa lang siyang nakatayo, wala siyang pakialam basta
nakakapag-video siya gamit ang napuslit niyang camera sa loob.
****
Walang kwenta ang sound system! Mas maganda noong concert ng Vertical
Horizon. Tapos nage-echo pa yung drums (lalo na yung snare), parang
nawawala tuloy sa beat dahil sa echo.
At hindi ako maka-relate sa karamihan ng kanta nila dahil mga kanta lang sa "No Name Face" ang alam ko. @_@
Ok naman ang kanilang performance. Kaso sabi ni Aaron, parang may
pagka-Spongecola ang itsura nila (hindi tunog, itsura lang). Tapos
isang beses, parang may pagka-Rico Blanco daw ang kilos ni Jason Wade.
Wala namang problema doon, sinasabi ko lang.
Kaso bitin. Hindi ko narinig yung ibang gusto kong marinig.
****
Pinag-overtime nga pala ako kahapon, dahil sa sobrang dami ng
um-absent. Mga pasaway. Kung kailan Sabado, doon a-absent, e
napakaraming pasyente kapag Sabado. Tapos ang napunta pa sa akin na
pasyente noong OT ko ay yung medyo nagloloko ang vascular access.
Parang "kiss of death" ang pagtanggap ko sa OT.
Posted at 7/27/2008 12:48:03 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, July 25, 2008
Congratulations De La Salle - Health Sciences Campus / Institute June 2008 Nurse Licensure Exam passers
DLS-HSC / HSI attained a 96.00% passing rate in the recently held Nurse
Licensure Exam. Two (2) students from the said school became
topnotchers. Congratulations.
Good luck in finding a nursing job here in the Philippines. @_@
Posted at 7/25/2008 6:10:43 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, July 24, 2008
Sa wakas natapos din ang pagri-rip ko ng mga CD ko. Ang total number ng
files na na-rip ay 2,702. Ang total file size ay 13GB. Files ripped at
192 kbps, normal stereo. *nosebleed* Nai-copy ko na
rin sa 500GB external hard drive ko ang mga mp3 files ko. Whew. May
backup na sa wakas. \:D/ (?) ****
Jab
- straight! Apat! Anim! Foot jab! Straight kick! Low
kick! Rapid! Shuffle, low
kick! ****
Posted at 7/24/2008 1:27:50 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, July 23, 2008
Ito pa lang pala ang mga napupuntahan ko sa Pilipinas
Pathetic! XD 

My
Lakbayan grade is
D! How much of the
Philippines have you visited? Find out at Lakbayan! Created by Eugene
Villar.
Posted at 7/23/2008 11:27:42 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, July 21, 2008
...kahit na masama ang pakiramdam -- nahihilo, nasusuka, masakit ang
ilang bahagi ng katawan. May pinag-overtime na naman kanina dahil
kulang sa staff nurses ang AM shift. Ano ba yan (?). Kung pati ako
absent, malaking problema ang haharapin ng AM shift dahil lalong
kukulangin sa staff. ****
Kumusta
ka naman yun (??), ako lang mag-isa ang umakyat sa third floor noong
pagkarating ko. Ang policy (?) ay dapat may kasamang senior nurse ang
"proby" sa mga ganung sitwasyon. Pero dahil sa napakarami nang pasyente
na naghihintay sa 3rd floor (lahat ata ng nurse nasa 2nd floor),
umakyat akong mag-isa, policy be damned (?!). Hindi mahirap na hindi
mapansin ng ibang pasyente, "Mag-isa ka lang ata dito sir." @_@ Tusok dito, initiate doon. Kahit nahihilo, sige lang. Bilisan ang kilos, late na. @_@ Sumatutal
(?), 7 pasyente ang natusukan ko ngayong araw na 'to, na ang ibig
sabihin ay 14 na karayom ang naitusok ko. Bagong record! (?) Bakit andaming (?)? ****
Hindi
ko masyadong naramdaman ang bigat ng cost-cutting measures nila ngayon,
dahil sa 3rd floor ay hindi pa nai-implement ang mga measures na yun.
Pero ang gloves sa machines na assigned sa akin, andaling naubos. Kaya
may mga pagkakataon na hindi ako naka-gloves. @_@ May open wound pa man
din ako sa middle knuckle ng right hand.
Posted at 7/21/2008 6:38:36 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, July 20, 2008
Mula bukas, limitado na ang gagamiting supplies
...yun e kung papasok ako bukas. XD XD XD
****
Limitado na ang supplies na pwedeng gamitin ng isang nurse para sa
isang pasyente. Ang pinaka-masaklap sa pag-limita na ito ay 5 pares
lang ng gloves ang pwedeng gamitin para sa isang pasyente. Lagi kaming
in contact (wow) sa dugo, at gusto pa nilang limitahan ang gloves?
Tapos may mga trainees pa na gagamit din ng gloves. Isang malaking
pagkakamali ito. Kawawa kaming mga nurses, pati na rin ang mga
pasyente, kung hindi kami magsusuot ng gloves.
Pag sinipag ako ay sasabihin ko sa admin ang tungkol dito. Kung hindi nila ako papakinggan... [Plan B].
Posted at 7/20/2008 9:19:15 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, July 18, 2008
NBI clearance -- for travel abroad
Nagpunta na naman ako sa NBI Carriedo. At... wala pang 20 minutes ay
nakuha ko na ang bagong NBI clearance ko na for travel abroad. \:D/
****
Sa Carriedo:
A: *tumitingin ng mga panyo / scarf at pinapakiramdaman ang tela*
B: *tumitingin din*
Tindera: Pare-pareho lang tela niyan.
A: *umalis*
B: *nakakita ng face towel, pinakiramdaman din ang tela* Eto parang maganda.
A: Parang manipis.
Tindera: Hooooy! Umalis na nga kayong dalawa! Pinapahiran niyo lang mga paninda ko!
A: Hindi ho!
Tindera: Ilan ba bibilhin niyo ha?! Umalis na kayo, mga sira ulo!
A: Sira ulo ka rin!
Note: Ako yung A.
P*tang inang tindera yun. Yun lang masasabi ko, bow.
Posted at 7/18/2008 8:50:54 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, July 17, 2008
Sana makalayas na ako papunta ng ibang bansa. Gustuhin ko mang manatili
dito, wala naman akong mapapala dito bilang isang nurse. Isama pa diyan
ang walang kwentang gobyerno na puro pagpapayaman sa sarili ang
inaatupag, kapalit ng paghihirap ng bawat Pilipino.
Unti-unti ko nang inaasikaso ang mga requirements papunta sa *toot*.
Bad trip nga lang, kailangan ko pa palang kumuha ulit ng NBI clearance
na "for travel abroad" dahil for local employment lang ang nakuha ko
noong isang taon. Pagkatapos nun ay kukuha na ako ng pasaporte, at
aasikasuhin ko na rin ang iba't iba pang requirements. Sana mga bandang
*toot* ay makaalis na ako papuntang *toot*.
Panibagong buhay ang aking haharapin kung sakali. Hindi rin magiging
ganun kadali ang pagpunta ko sa ibang bansa, dahil... dahil hindi ako
marunong magluto (?!). Buti na lang may microwave oven. (?) Maraming
adjustments ang aking kailangang gawin.
Sana sa taong 2010 ay magkaroon na ng pagbabago kahit papaano sa bansang ito.
****
"LABANAN ANG KAHIRAPAN"
"RAMDAM ANG KAUNLARAN"
Ano daw?
Posted at 7/17/2008 4:57:27 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|