BACKGROUND: Late na pumasok si Paoe (pa-wiiiiii) para sa kanyang exam.
SCENE 1
(Pumasok si Paoe sa examination room)
Proctor: "Good morning sir!"
Paoe: "Good morning..."
Proctor: "Bakit ka late?"
Paoe: "Uhh... traffic po."
Proctor: "Saan traffic?"
Paoe: "Um, sa highway po..."
Proctor: "Ah ok... Will you be taking the exam?"
Paoe: "Huh?" (puzzled)
Proctor: "Will you be taking the exam?"
Paoe: "...."
Proctor: "Napasa na nila mga papel nila..."
Paoe: "...?"
Proctor: (puzzled na rin) "Will you be taking the exam?"
Paoe: (sa loob-loob: "Ahh joke pala yun...") "Opo..."
Proctor: "Ok sit down."
SCENE 2
(during the exam, at naglilibot ang proctor para pirmahan ang mga test permits)
Proctor: "Nasaan ang name plate mo?"
Paoe: "Uhh... naiwan ko po."
Proctor: "Ano, wala pa?"
Paoe: "Naiwan ko po..."
Proctor: "Grabe naman yan... Dapat suot niyo ang name plate niyo pag exam."
Paoe: "Akala ko po pag duty lang yun sinusuot?"
Proctor: "Sino may sabi sayong pag duty lang yun sinusuot?"
Paoe: "Uhhh... wala po..."
Proctor: "Ano'ng name mo?" (sabay kuha sa test permit)
Proctor: "Sulat mo name mo dito..."
Paoe: (kabado, akala ay bibigyan ng violation slip, yun pala ipapasulat lang ang pangalan sa test permit)
****
Obstetric nursing - it's over... at marami itong iniwan na bakas ng daņos para sa mga kumuha ng subject na ito.
Kaninang madaling araw, habang ako ay ganado sa pag-aaral, ako ay napahiga saglit para mag-stretch (para maging flexible). Noong mga panahon na yon ay marami pang mga topics akong dapat aralin, at may 3 oras pa, na sapat na rin para ma-review ang mga past lessons. Pero may nangyaring hindi kanais-nais: Nakatulog ako - buka ang bibig, tulo ang laway, nasa dibdib ang mga kamay na parang na-tombstone piledriver ni Undertaker - sa loob ng 2 oras at 30 minuto. At dahil ako ay magaling (?), pagkagising ko ng 5:30am ay natulog lang ulit ako.
In short, napakagaling (?) ko sa exams namin kanina (midterm exam at unit exam) sa OB, o tinatawag ding Maternal and Child Health Nursing.
Pero dahil tapos na, wala nang use ang magsisi at manghinayang. Kailangang mag-move on, harapin nang buong tapang ang kinabukasan. Kung pasa, pasa. Kung bagsak, bagsak.
Kanina nga pala ay marami (na naman) na mga dishonest... Ayokong mapasama sa kanila kaya habang may mga nagbubulungan at nagtatanungan sa likod, tinatakpan ko na lang tenga ko... At nung pinasa ko na ang papel ko, nag-observe ako sa paligid, at lantaran ang tanungan. Major subject pa man din.
Lord, please help them realize what they are doing...
****
OB, bilang isang topic/concept na wala man lang akong kahit kaunting interes, ay napakahirap. Ang pagiging intimidating ng isa naming professor ay naka-lala sa hindi ko pag-APPRECIATE ng OB (mabuti para doon sa tumanggap sa hamon niya at ginawang driving force yun para mag-aral nang mabuti).
Nagpapasalamat ako sa mga professors ko sa OB dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para kami ay matuto. They sort of pushed us to our limits, and even though I wasn't able to do very well in that subject, I learned that things which seem impossible become possible, if there is hard work, exercise, and dedication. Now if I can do it, I know all of you can do it so drugs - out, hard work - in. (Ano daw?)
****
"ULAN" by Cueshe
(isang analisis)
Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawa
Hindi naman ako tanga
Alam ko nang wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
Di na kita kapiling
Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan
Pero huwag kang mag-alala
Di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayo'y
May kapiling ka nang iba
Tanging hiling ko sa'yo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang
May nagmamahal sa'yo - ako
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalala
Ang awiting ito ng Cueshe ay nags-suggest ng pagiging martir ng isang umiibig para sa kanyang dating (presumably) kasintahan. Let's dig deeper...
"Lagi na lang umuulan..." - Panahon ng tag-ulan o may bagyo siguro ito na-compose.
"Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap na limutin ka ay di pa rin magawa" - Ang mga bagay na mahalaga para sayo ay hindi na mabubura sa alaala, maliban na lang pag nagkaroon ng malalang kaso ng amnesia, kaya kahit anong pilit mong makalimot, hindi mo magagawa. At pag gusto mong limutin ang isang bagay, hindi ba parang lalo mo lang nire-recall? Kung hindi mo makalimutan, wag na. In short, "Kung ayaw, wag pilitin."
"Iniwan mo akong nag-iisa sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan" - Ang gobyerno talaga natin... Saan ba napupunta ang mga pondo para sa bayan at madilim sa mga lansangan?! Mag-provide naman kayo ng mga ilaw sa daan!
"Alam ko namang ngayo'y may kapiling ka nang iba" - Bad. Ano yun, iniwan yung isa para mapalitan?!
"Tanging hiling ko sayo na tuwing umuulan... Maalala mo sanang may nagmamahal sayo... Ako..." - Nakakaawa ang iniwan. Kaya ako, ang hiling ko, sana laging maaraw at walang ulan, para hindi na maalala nung iniwan ang masaklap na karanasan niya na siya'y iniwan... at dahil little children want to play.