|
Wednesday, August 30, 2006
This week:
Monday. Dapat ay walang pasok, pero mayroon kaming makeup lecture! At submission na din ng final copies ng thesis papers. Maraming nag-rush.
Tuesday. Term exams sa Asian Civilization at Kursong Rizal! Asian Civilization: India and China! Kursong Rizal: Mga walang kwentang detalye, kasama ulit sa exam!
Wednesday. Term exam sa Curative and Rehabilitative Nursing Management! Isama na rin ang unit exam! At ang pre-board exam!
Thursday. Final oral defense ng thesis! Either passed or failed! Kung failed, magpa-admit na sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong!
Friday. Di ko alam!
Saturday. Required ulit kaming pumunta sa school para sa presentation ng Asia Pacific Review Center! Ang hindi um-attend, tanggal sa De La Salle - Health Sciences Campus! *joke*
Posted at 8/30/2006 5:53:18 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, August 27, 2006
Posted at 8/27/2006 8:43:43 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, August 24, 2006
Si Apl.d.Ap ng Black Eyed Peas ay may sintomas ng "Loose associations."
Pers (first), let's define "Loose associations". Yes, are you raising your hand? Oh. Puro pawis lang pala kili-kili mo.
According to the book "Psychiatric Mental Health Nursing 2nd edition" by Sheila Videbeck, loose associations (taken as a singular noun) is a form of disorganized thinking that jumps from one idea to another with little or no evident relation between the thoughts.
Ngayon, bakit ko nasabing may sintomas si Apl.d.ap ng loose associations na ito?
Read:
Hoy pare pakinggan niyo ako Ito ang tunay na Filipino Galing sa baryo Sapang Bato Pumunta ng LA nagtrabaho Para makatulong sa nanay Dahil sa hirap ng buhay...
(Ang mga lines na ito ay tungkol sa kanyang sarili at buhay, nang biglang...)
... Pero masaya parin ang kulay Pag kumain nagkakamay Yong kanin, chicken adobo Yong balot, binebenta sa kanto Tagay mo na nga ang baso Pare ko inuman na tayo
(Masaya pa rin ang kulay?? What?! At napunta sa pagkain ang kanyang rap. Naiba bigla ang focus ng rap.)
Masdan mo ang magagandang dalaga Nakakagigil ang beauty mo talaga Lambingin di nakakasawa Ikaw lang ang gustong makasama Yung bahay o kubo Pag-ibig mo ay totoo Puso ko'y laging kumikibo Wala kang katulad sa mundo ko
(Ang focus ng mga lines ay tungkol sa mga dalaga, tapos... YUNG BAHAY O KUBO?!)
Pinoy ka sigaw na, sige Kung maganda ka sigaw na, sige Kung buhay mo'y mahalaga, sige Salamat sa 'yong suporta Filipino!!! Filipino!!! Filipino!!! Filipino!!! (Ano ba talaga ang main theme ng "Bebot"?!)
Posted at 8/24/2006 4:27:44 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, August 21, 2006
Tanong: Ano bang meron sa Havaianas kaya't maraming gustong magkaroon nito? Sobrang mahal ng presyo ng mga ito. Ang isang pares ng simpleng flip-flops na gomang Havaianas ay nagkakahalaga ng mga P700 o P800 pataas, pero maraming babae pa rin ang gusto nito. Bakit?!?!?! **** Katulad din iyan ng iPod accessories, mapa-iPod na brand o kahit mga third party manufacturers pagdating sa kamahalan ng presyo. Ang "condom" para sa isang iPod nano, nagkakahalaga ng P480. Mura na yan sa lagay na iyan, dahil ang ibang brands, umaabot ng higit sa P1,000. **** At bakit maraming naghahangad ng mga high-end phones (while already owning one)? **** Addendum (amp):
Speaking of phones, gusto kong i-enumerate ang bawat phone na aking ginamit mula noong ako ay unang nagkaroon ng "essential" gadget na ito.
CURRENT PHONE: Nokia 3120 [successor (?) ng Nokia 3100]
PREVIOUS PHONES:
Nokia 3310 (Feb. 2001 - May 2001)
My first-ever cellular phone. Kulay blue ang casing/housing. Noong Feb. 2001 ako nagkaroon nito. Ang problema nga lang ay nagha-hang ito hindi lang occasionally, kundi most of the time. Lumala ang problema noong bumagsak ito mula sa kwarto ko sa 2nd floor.
Nokia 3210 (May 2001 - Jan. 2002)
Regression. Balik sa mas naunang model ng phone. Nabili ko ito noong summer ng 2001, dahil nga sobrang nagha-hang ang Nokia 3310. Ito ang phone ko hanggang January 2002, dahil ito ay... nanakaw. In my face. May suntok pang kasama.
Madaling gamitin, at hindi nagha-hang.
Nokia 3330* (Jan. 2002 - Dec. 2003)
Matapos manakaw ang aking Nokia 3210, nanghiram muna ako ng Nokia 5110 kay Dakilang Ryanman, at matapos ang dalawang linggo ay nakabili ako ng Nokia 3330. Parang Nokia 3310 din, meron nga lang WAP at animated screensavers. Plus, hindi ito nagha-hang. Ito ang phone ko hanggang December 2003. Ang phone na ito ay napunta sa aking inay noong sumunod na buwan.
Nokia 6210 (Dec. 2003 - Sept. 2004)
Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng phone na may memory para sa messages, bumili ako ng ganito na "reconditioned".
Sobrang bagal. Nakakainis.
Nokia 3315* (Sept. 2004 - Sept. 2005)
Gusto ko ng mabilis na phone, kaya bumili ako ng Nokia 3315. Ang pinagkaiba nito sa Nokia 3310 ay mayroon itong "Picture editor".
Nokia 1100* (Sept. 2005 - July 2006)
Naghangad ako ng phone na may "Sent items" para mabalikan ko ang mga previous text messages ko kapag nakakalimutan ko ang pinaguusapan sa text.
Mabilis itong phone na to. May memory rin para sa messages at phonebook entries. At may flashlight pa! Useful tuwing brownout at tuwing may mga ikakabit ako sa likod ng PC.
Nokia 1110 (July 2006 for 5 days)
Hindi ako nakuntento sa Nokia 1100, ginusto ko ang Nokia 1110.
At matinding disappointment. Sobrang laki ng text sa text messages. Hindi nakakatuwa.
Nokia 3120* (July 2006 - present)
At dahil gusto ko ng maliit lang ang size ng text, ito ang binili ko. Ang gusto ko talaga ay Nokia 3100, pero phased-out na iyon, kaya ito ang binili ko.
Hmmm. Ok naman. Medyo mabilis. Useful din ang calendar. Pero madaling maubos ang battery. Nagsasawa na rin ako. Gusto kong gamitin ulit yung Nokia 1100 ko hahaha. Amp.
* - still in use
Posted at 8/21/2006 1:44:11 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, August 20, 2006
Hannah (photo courtesy of... me) Hannah (photo courtesy of me) with Hannah (photo courtesy of bassist Richard Carandang) with sessiOnroad (photo courtesy of Ryan Medina)
****
Learning about the ideal ways of handling a mentally ill patient is easy. But actually handling one is a whole different story. Last Thursday, I was able to talk to a patient of National Center for Mental Health in Mandaluyong. I admit, I was very anxious and worried. My patient. She was quiet. She had this blank look on her face. I frequently ran out of things to say since she wasn't responding to my queries often. I did get responses, but they were short. I wanted to know what happened to her in the past that might have led to what she is now. But whenever I ask her about it, she just keeps quiet while looking away. **** "Kumusta ka naman?"
It's annoying...!!!
Posted at 8/20/2006 12:48:57 am
| Permanent link (Permalink)
Monday, August 14, 2006
I f*ckin' woke up at 3:00am today. May orientation kasi sa National Center for Mental Health (NCMH), at ang departure time ay 5:00am. Anak ng whore (amp... amp talaga! kaya nga whore e), dumating kami doon ng mga bago mag-7:00am. At doon namin napag-alaman na... 1:30pm pa ang orientation ng batch na kinabibilangan ng school namin!!! ARGH!!! **** "Kanya-kanyang langoy."
Ano ulit yun, "Majority wins" ?
Posted at 8/14/2006 8:32:08 pm
| Permanent link (Permalink)
Sunday, August 13, 2006
"Majority wins." In-house review daw umano ang pinili ng majority ng aming batch (pero walang naipakita sa aming statistics ng result ng survey. At nagdo-doubt ako kung totoo ngang yun ang result). Pati kaming mga hindi in-house review ang pinili ay kailangan din sumama sa in-house review na ito, dahil sa "Majority wins."The damned authorities are forcing us to be in something we do not want to be in. Teka lang... Legal ba ito? **** Spot the difference Note: Ang larawan sa kaliwa ay noong bagong bunot ang aking wisdom teeth (take note: TEETH)
Posted at 8/13/2006 3:11:50 pm
| Permanent link (Permalink)
Saturday, August 12, 2006
Tatlo (3) na ang nakakasabay ko sa jeep na suspicious / weird ang mga kinikilos in a span of less than 10 days. FIRST INCIDENTPauwi galing duty (mga 10:00pm), sumakay kami ng jeep ng mga ka-duty ko. Marami kami. May dalawang lasing sa magkabilang dulo ng jeep. Ang isa ay "tulog" (nasa kabilang dulo ng jeep sa pinakalikod) at ang isa ay pinagmamasdan kaming mga bagong sakay (nasa likod ng driver). Halatang-halata ang kanyang pagmamatiyag. Nabanggit ko sa katabi ko na hindi ako komportable sa jeep na iyon. Tiningnan niya ang paligid at napansin niyang may kakaiba rin. Kaya naman nag-decide ako na bumaba kasama nila dahil baka kung ano ang mangyari. At noong pababa na kami, narinig ng isang kasama ko na may binanggit daw ang lasing habang pababa kami, pero hindi niya naintindihan. SECOND INCIDENTFriday. Nasa jeep ako pauwi. May sumakay na lalaking medyo matanda na at madumi. Tumabi siya sa isang babae. At unti-unti siyang lumalapit sa babae habang may "dinudukot" sa kanyang shorts. Bawat urong niya ay ipapasok niya ang kanyang kamay sa kanyang shorts. Napapatili yung babae, kaya lumipat siya ng pwesto. THIRD INCIDENTKaninang tanghali. May dalawang lalaking sumakay sa jeep. Sa may likod ng driver sila pumuwesto, isa sa kanan at isa sa kaliwang upuan. Napansin kong pinagmasdan ng isa ang kanyang katabi at ang iba pang mga pasahero. Bumaba ang katabi ko, at lumipat siya sa tabi ko sa kaliwa. Siniksik niya ang isa pang pasahero sa kaliwa niya (na mukhang mayaman). Agad bumaba ang nasabing pasahero. **** Kailangan laging aware sa mga kilos ng ibang mga tao sa paligid. May nagsasabi na titigan daw sa mata ang mga ganoong klaseng tao para maging aware sila na aware ka sa ginagawa nila (although parang delikado rin yun). Ganoon ang ginawa ko kanina, pinagmasdan ko ang bawat kilos ng dalawang suspicious na nilalang.
Posted at 8/12/2006 10:43:06 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, August 11, 2006
May nabasa ako sa post ni Sayote Queen tungkol sa isang site na nags-scan ng mga mukha (mukha mo!!! mukha ko!!! mukha nating lahat!!!) at maghahanap ito ng mga magma-match na mukha ng mga celebrities. Puntahan niyo ito: http://www.myheritage.com (kailangan niyong mag-sign up) Subukan niyo! ****
WARNING: Boring post aheadKanina ay ang aking last day of duty sa "dreaded" Jose P. Rizal Hospital. It wasn't as bad as I initially thought it would be. In fact, it wasn't bad at all. I was right when I said to myself at the end of my first week there, "Mami-miss ko rin to...". Yes! English yun. Nweiz (amp!!! sino ba gumagamit ng ganito sa text?!), sa aming last day ay case presentation at exam lang. Wala nang duty. I'm going to miss that hospital. I'm going to miss the atmosphere there. I'm going to miss the coffee vending machine (which has already *stolen* P24 from me). I'm going to miss the weekly requirements. I'm going to miss the staff nurses who were very supportive of us. I'm gonna miss our clinical instructor who was very patient and supportive of us too. I'm gonna miss the *toxicity*. Yeah. Toxicity that I can tolerate. Goodbye JP. Hello NCMH (yak!!! ayoko dito!!!) **** May exam kami last week, at may part na ia-identify ang meaning ng mga acronyms/abbreviations.
Mali ako dito: NPO
Ang sagot ng lahat ay "nothing per orem". Ang sagot ko ay "nil per os", which is literally the same, and is actually a (if not the) correct answer. Pero mali ako. Di ko na dinefend ang sagot ko. Wala akong proof na dala.
Mali rin ako sa EDC.
Naisip ko noong una na "Expected Date of Confinement." Pero nang maalala ko ang word na "confinement", naisip ko agad, paano naman malalaman kung kailan mako-confine ang isang pasyente e depende naman yun sa kaso nila? Nawala sa isip ko na pwede pala iyon sa mga manganganak. May idea ako na ang EDC ay may kinalaman sa mga buntis, at dahil ayaw ko sa "confinement", ang naging sagot ko ay "Expected Date of Childbirth." Parang ganun din ang thought, pero mali ako sa test.
Posted at 8/11/2006 1:24:51 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, August 09, 2006
The Inconsistencies of Life
Last week ago (amp), may tatlong nilalang na nagsabi sa akin na pumayat ako. Ang dalawa doon ay lampas isang linggo na ako hindi nakikita, at ang isa ay noong 3rd year 2nd sem pa ako huling nakita.
At kanina...
SETTING: Sa labas ng Jose P. Rizal Hospital
PAOE: *nakasalubong ang dating clinical instructor* "Hi Ma'am!" CI: "Hi... Keo antaba mo na!!!" PAOE: *nagulat, at hindi matanggap ng ego kaya gumana ang defense mechanisms* "Ma'am, illusion lang yan! Tingnan niyo..." *pinakita ang collar bone (clavicle)* CI: "Kahit hindi mo na ipakita!" PAOE: *pinabakat sa uniform ang waist* "Illusion lang yun Ma'am!"
Bakit ganoon ang buhay? Kung kailan may nage-exert ako ng effort para pumayat, saka may magsasabi sa akin na mataba ako? At kung kailan todo kain ako at may sedentary lifestyle, saka may mga magsasabi sa akin na gulat na gulat pa ng "Ampayat mo na!!!" ?
Posted at 8/9/2006 10:56:21 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|