Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Thursday, August 30, 2007
Entertainment ito! Willie responds to Joey's statements

PART 1


PART 2

Wowowee controversy

Twelve wheels with different colors -- they were made with "zero" as bases (for practicality purposes I suppose), then the prizes (which are shuffled everyday) are inserted into these wheels (P2M, P1M, P500K, house and lot if I am not mistaken) printed on films.

Willie may have pulled out accidentally both the first layer of film covering the P2M prize and the film layer which has a "2" printed on it, thus revealing the "zero". Willie already has in his hand the P2M film in that incident, therefore he might have pulled out the first layer of film and the second layer (which is the P2M film).

And if for instance Willie doesn't want to give out the P2M prize, then he won't be able to show to the contestant and to the audience where the P2M prize is located....

...unless they put in other P2M films in the other wheels, and if it really is up to Willie if he wants to give the prize or not.

But, I do not watch the show (mainly because it sucks), so I do not know how things go there.

****

Joey says that Willie should "Explain before you complain!".  It appears to me that Willie wasn't able to explain immediately what happened in that episode. He could have done it, right? Did he? I do not know.

Wowowee controversy video

Fraud?

Tængæ

Tanga.

****

Pumunta kami nina Dustin at Jacque sa Greenbelt kahapon para sa gig ni Sitti, at diretso naman ng Blue Wave Macapagal pagkatapos para naman sa gig ni Sofia.

Dinrain ko ang batteries ng camera ko noong madaling araw, at chinarge ko hanggang maging fully charged. Dalawang gigs yun, kaya kailangan fully charged ang batteries para hindi ako maubusan ng power habang kumukuha ng photos o videos.

All set. Papunta na kami. At si Dustin ay may nakitang nagbi-bike na may sidecar sa Bacoor na bumangga sa isang "baby bus" dahil hindi ata gumana ang preno niya. Mahina lang ang bangga niya, wala namang nasaktan, kaya natawa kami. Sinabi ko kay Dustin, "Maganda sana kung na-videohan mo yun."

Bigla akong natulala. P*tang ina. Parang may naiwan ako. At alam kong naiwan ko nga.

NAIWAN KO ANG 1GB AT 512MB NA MEMORY CARDS NG CAMERA KO SA BAHAY!!! AT MALAYO NA KAMI SA BAHAY NAMIN!!!

Nanghina ako. Ang blanko kong mukha ay na-blanko lalo. Hindi ko na tinangkang bumalik ng bahay, dahil sigurado pag bumalik pa ako sa bahay namin, pag papunta na ng Greenbelt ay sobrang traffic na.

Napag-desisyunan kong manonood na lang ako, wala nang picture-picture.

Pero habang nag-iisip, naisipan kong bumili na lang ng memory card na kahit 512MB lang. Naisip ko na mga P700 ang mawawala akin.

Naghanap kami sa Glorietta ng memory card. At may nakita akong 1GB na memory card na P800 lang. Binili ko na. Yey, may memory card na ako! At goodbye P800.

****

Vision of 270 degrees
A person has who is crazy
Sexually deprived, not a fallacy
And he'll be beaten up, by me

(?)

*putcha may paggaganun pa! hahahahaha

*tang inang yun.




Monday, August 27, 2007
Pangalan sa diyaryo

Sabi ng iba, masaya raw ang makita ang pangalan na naka-imprenta sa diyaryo.

Ako, hindi ako masaya...

...hindi ko naman nakita pangalan ko sa diyaryo e.

Philippine Daily Inquirer ang diyaryo namin dito, at hindi lahat ng pumasa sa Nursing Licensure Exam June 2007 ay naka-imprenta ang pangalan sa nasabing pahayagan. Putol. May "to be continued tomorrow" pang nakalagay sa dulo. At DAMBOBO (which is "ang bobo" to you) ng pagkaka-print ng mga pangalan -- tuluy-tuloy ang pagkaka-type ng mga pangalan na napakaliit ng font na semicolon lang ata ang naghihiwalay sa bawat pangalan, at naka-justify ang mga columns. Ako, gusto kong magbasa ng mga text na maliit ang font, pero ang isang ito ay sobrang liit. Kumusta ka naman yun ito. Pwede namang per line ay isang pangalan lang.

At mali ring sabihin na "masayang makita ang sariling pangalan sa diyaryo".

E pano kung sa isang NOTICE TO THE PUBLIC lumabas ang pangalan mo, may litrato mo pa? "This is to inform the public that Ka Jot, whose photo appears above, is no longer affiliated with [company]."

O kaya sa OBITUARIES. "In loving memory of Ka Jot"

O kaya sa FRONT PAGE NG TABLOID. "Ka Jot, nadapa"

Nursing results (downloadables)

95% ang passing rate ng DLS-HSC para sa mga first-time examinees!!!

TAKE THAT, DEAN!!! Sumama pa loob mo sa amin noong ayaw namin mag-in house review. Hahahahahahahahahaha
Schools: 20070826_NURSE_0607.pdf
Name list: 20070826_NURSE_0607_NAMES.pdf

Ulit: Paano dumating sa akin ang balita ng resulta ng NLE 2007

Galing sa libing at pauwi na, nag-vibrate ang aking selepono (cellphone). Naramdaman kong tawag ang pag-vibrate na yun dahil sa sobrang tagal. Nainis ako dahil baka holdaper ang katabi ko at maramdaman niyang nagvi-vibrate ang phone ko na isang napakamahal na Nokia 1110i. Inisip ko kung sino ba ang tumatawag. Naisip ko baka ang aking inay ang tumatawag. Baka nabahala na siya dahil tanghali pa ako umalis at libing naman pinuntahan ko, na hindi naman inaabot ng gabi. May mga naisip pa akong "Kaya ko namang alagaan ang sarili ko!". Kumusta naman yun (?).

Lumampas pa ako sa tapat ng bahay namin dahil masyado akong na-distract sa pag-vibrate ng phone ko. Medyo malayo na nung nalaman kong lampas na pala ako. Kaya pinara ko agad ang jeep, bumaba, at naglakad pauwi.

Kumatok ako sa pinto. Binuksan ni itay. Wala siyang imik.

Wala si inay sa sala.

Umakyat ako ng hagdan. Tiningnan ko ang master's bedroom. Wala doon ang aking inay. Naisip ko, baka umalis siya.

Pumasok ako sa kwarto ko. Ilang sandali lang ay may kumatok. Hindi ko agad nabuksan ang pinto, pero nung nabuksan ko na ay andun ang aking inay. Nakatingin sa akin. Walang imik. At bigla niyang inabot ang kanyang kamay.

Nakipag-syeyk hands ako, at binanggit niya sa akin na pasado ako. At pinapunta niya ako sa kwarto ng kapatid ko na kasalukuyang tinitingnan ang resulta ng naturang board exam.

Nung nakita ko ang pangalan ko, natuwa ako...

Natuwa...

Natuwa.

Pero... ganito ang mukha ko kanina e -- :-|

Blanko ang mukha noong ibinalita sa akin na pasado ako. At blanko pa rin mukha ko nung nakita ko pangalan ko. Kumusta ka naman ikaw yun tayong lahat ka?

What will I do after I get my license as an RN?

Start training?

Apply for a job?

Apply for NCLEX?

...

Aha!

Join Eat Bulaga's Itaktak Mo o Tatakbo! By that time I will be having 2 valid IDs -- a driver's license and the PRC license! Nyahahahahaha




Sunday, August 26, 2007
Libing at living (?)

Ako ay nanggaling kanina sa libing ng itay ng aking kaibigan at dating kaklaseng si Patrick. Cardiac arrest ang ikinamatay ng kanyang itay. Masyadong biglaan ang mga pangyayari. Natatandaan ko noong isang buwan lang ay nakita ko pa ang itay ni Patrick na buhay na buhay. Walang bahid o senyales ng anumang karamdaman.

Matapos ang malungkot na libing ay nagsaya (?) na lang kami para... yun, para masaya.

Nagpunta rin kami ng Lotus. Napagastos ako. Napabili ako ng dalawang PS2 games at isang PC CD at *toot*.

Habang nasa jeep pauwi, naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko. Medyo nainis ako kasi gusto ko sana tumigil na yung pag-vibrate at nasa jeep ako, baka holdaper pala katabi ko (?). At dahil pa sa pag-vibrate na yun ay lumampas ako sa dapat kong babaang lugar (sa bahay namin). Naglakad pa tuloy ako pabalik sa bahay namin.

Wala namang espesyal pagkabukas ko ng pinto. Napansin ko rin na parang wala ang aking inay sa sala. Umakyat ako ng kwarto ko. May kumatok. Di ko agad nabuksan. Pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang aking inay. Wala siyang imik. At bigla niyang inabot ang kanyang kamay.

Nagtaka ako. Nakipag-syeyk hands ako, at sinabi niyang pasado ako sa local board.

PASADO AKO!!! YAHUUUUUU!!! Hahahaha... SAMPAL YUN SA MGA HUMIHILA SA AKIN DATI PABABA!!! Nyahahahahaha!

Salamat sa Panginoon!




Saturday, August 25, 2007
Karamdaman

Ang aking ama ay may myocardial ischemia (pathological loss of or reduction in blood flow to a part of the muscular tissue of the heart).

Ang aking inay ay kalimitang may hypertension (high blood pressure). Madalas din siyang atakihin ng hilo. May Meniere's Disease din siya (a disorder of the inner ear that can affect hearing and balance)

Ang aking kapatid ay may first degree AV block (disease of the electrical conduction system of the heart in which the PR interval is lengthened).

Ako na lang ata ang walang karamdaman sa amin. Ano kayang meron ako?

*checks*

Nangangati singit ko.

*aaaaaaaaaaamp!!!*




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed