Check my old blog out: http://pawi.blogdrive.com

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."


Sunday, September 25, 2005
Day Care

Day Care duty.

Saan ako nakatira?  Sa Malagasang I-D.

Saan ako na-destino?  Sa Malagasang I-C.

Sino ang teacher sa Day Care Center na na-assign sa akin?  Ang ina ng aking former classmate noong elementary na taga-Malagasang I-D rin.  Kilala ko, kilala ako, kilala ang aking ama't ina.

Palakpakan!




Thursday, September 22, 2005
"Baby, please stop pulling me down"

94/180 (tentative score ko sa evaluation exam ni Ma'am Vicencio)

****

May mga parts ng exam na "recycled" galing sa evaluation exam namin para sa community one month ago.

I. COLOR CODING (tandaan... orange and peach is for ENT!) = 10 pts.
II. CONVERSION (recycled!) = 10 pts.
III. NURSING CONSIDERATIONS (e.g. "client for major operation" - give 5 nursing considerations... madali pa yang sa item na yan, yung iba... zzzzzzzz) = many pts.
IV. NURSING RESPONSIBILITIES (sige enumerate lang...) = many points
V. ACRONYMS/ABBREVIATIONS (recycled din... at parang kung ano ang mali ko dati, yun din ang mali ko ngayon, mas dumami nga lang ata! hehe) = approx. 20-30 pts.
VI. COMPREHENSIVE HEALTH HISTORY (including the history of past and present illness, ward course, discharge plan if any) - - - amf nakalimutan ko isulat yung sa discharge plan!!!! = 10 pts. ata yun
VII. DRUGS (generic name, brand name, classification, STOCK/DOSAGE) = 60 pts.
VIII. MULTIPLE CHOICE (situational... at kahit sa tingin mo yung choice mo ang most probable na sagot, in the end madi-disappoint ka lang hehe) = approx. 20 pts.
IX. DRUG COMPUTATIONS (yun nga lang, wala nang given stock/dosage.  e.g. "Give 25mg Felodipine now." yan lang ang given, wala nang iba) = 10 pts.

****
Natapos ang duty ko sa ward na fulfilled, dahil marami akong natutunan.  Natapos ko rin ang evaluation exam nang fulfilled.  Magaan ang loob ko.

Hanggang sa may mga dumating na balita sa akin.

May mga taong humihila sa akin pababa.

Ako, ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para maabot ko ang pangarap ko na maka-graduate (cliche, pero totoo).  Pero may mga kontrabida talaga sa buhay na hindi ka tinitigilan na ilayo sa'yo ang pangarap mo.

At may mga tao namang bigla ka na lang huhusgahan.  Sino sila para husgahan ako?  Hindi ako bobo.  Hindi ako tanga.  Wag nila akong maliitin.

Unfair nga naman talaga ang mundo.  Sa nakikita ko ngayon, kung sino pa ang hindi deserving, sa kanila pa pumapabor ang takbo ng buhay.  Take note: ngayon.

Dalawa ang nakikita kong pwedeng gawin ngayon: ang magpaapekto at sumuko, o ang i-take as a challenge ang mga nangyayaring to.

Sabi nga ng isang kaibigan, "What doesn't kill you makes you stronger."

They have to kill me to take my dream away from me.

Or if ever they take my dream away...  Pasensyahan na lang.




Wednesday, September 21, 2005
Lupit ever

Last day na namin sa ward ng UMC 1300 bukas.  Sa Friday ay sa Day Care Centers naman kami.  Oo, centers, kasi ang aming grupo ay pagwawatak-watakin (?) at ide-destino sa kung saan mang day care center na kanilang nanaiisin.

Evaluation exam ulit ni Ma'am Vicencio bukas.  Hindi ko alam kung ano ba ang aaralin ko, dahil napakalawak ng magiging scope ng exam.  At aabutin ata ulit kami ng lampas 2 oras.

Ngongo si Champ.

"Dahi kehangan ha, kehangan ma kita nahing hayo'y iwa..."

Lupit ever!




Sunday, September 18, 2005
Amag

Matagal na ring panahon ang lumipas mula noong ako'y huling gumawa ng entry dito sa inaamag kong blog na puro kalokohan lang ang laman.  Dahil sa kawalan ng kalokohan na mailalagay ay aking gagawing online diary muna ang blog ko.  Hehehe...

MABUHAY ANG WARD

Matapos ang pamatay na evaluation exam namin under kay Ma'am Vicencio matapos ang 7-day duty sa health center sa Panapaan, ang sunod naming duty ay sa UMC1300 (De La Salle University Medical Center 1st bldg. 3rd floor, 00 is for the room number).

Ang dapat na clinical instructor namin sa rotation na to ay si Sir Sarinas.  Pero napag-alaman namin na iba na ang CI namin para sa ward duty.  At siya ay si... well, Ma'am Vicencio ulit.

Although blessing na ang maging CI namin sana si Sir, isa ring blessing na maging CI ulit namin si Ma'am Vicencio dahil lately, under sa kanyang supervision ay marami na kaming natututunan sa mga gawain sa ward.  At sa Thursday ay evaluation exam ulit.  Palakpakan!

MAMATAY ANG 73.10

Ang isa sa mga ka-grupo ko ay nagkaroon ng dalawang IR (incident report) dahil sa mga bagay na katangahan ang pinairal habang duty.

Ako, wala akong IR kahit isa. 

Siya ay 76, ako ay 73.10.

Palakpakan!

GD

Tapos na ang OB, at GD (Growth and Development) naman ngayon.  Ok sana pambawi sa OB, pero dahil lagi na lang akong inaantok, hindi na ako nakakapag-aral nang ayos para sa mga exam sa GD na kung tutuusin ay madali lang talaga...  AAARRRRGGGGHHHH!!!

NEWBORN CARE RETURN DEMO

Sayang, dahil nakalimutan ko nung actual demonstration na ang mga dapat kong gawin.

I GOT MYSELF A NEW PHONE

Nokia 1100.  Ayoko ng colored phones, nakakapang-hinayang pag nawala.  Ang gusto ko lang ay phone na maliit at mabilis.  At yun na yun, Nokia 1100.

DEBUT SA QC

Mabuhay ang traffic sa may ginagawang SM Molino...  Pagdating namin ng mga bago mag-9:00pm ay hindi pa pala nagsisimula ang program.

Mabuhay ang QC!  Toxic ang buhay dun, literal at hindi literal.  Hehe...




Wednesday, August 31, 2005
Paoe! Paoe!

BACKGROUND: Late na pumasok si Paoe (pa-wiiiiii) para sa kanyang exam.


SCENE 1

(Pumasok si Paoe sa examination room)

Proctor:  "Good morning sir!"
Paoe:  "Good morning..."
Proctor:  "Bakit ka late?"
Paoe:  "Uhh... traffic po."
Proctor:  "Saan traffic?"
Paoe:  "Um, sa highway po..."
Proctor:  "Ah ok...  Will you be taking the exam?"
Paoe:  "Huh?"  (puzzled)
Proctor:  "Will you be taking the exam?"
Paoe:  "...."
Proctor:  "Napasa na nila mga papel nila..."
Paoe:  "...?"
Proctor:  (puzzled na rin)  "Will you be taking the exam?"
Paoe:  (sa loob-loob:  "Ahh joke pala yun...")  "Opo..."
Proctor:  "Ok sit down."

SCENE 2

(during the exam, at naglilibot ang proctor para pirmahan ang mga test permits)

Proctor:  "Nasaan ang name plate mo?"
Paoe:  "Uhh... naiwan ko po."
Proctor:  "Ano, wala pa?"
Paoe:  "Naiwan ko po..."
Proctor:  "Grabe naman yan...  Dapat suot niyo ang name plate niyo pag exam."
Paoe:  "Akala ko po pag duty lang yun sinusuot?"
Proctor:  "Sino may sabi sayong pag duty lang yun sinusuot?"
Paoe:  "Uhhh... wala po..."
Proctor:  "Ano'ng name mo?" (sabay kuha sa test permit)
Proctor:  "Sulat mo name mo dito..."
Paoe:  (kabado, akala ay bibigyan ng violation slip, yun pala ipapasulat lang ang pangalan sa test permit)

****

Obstetric nursing - it's over... at marami itong iniwan na bakas ng daņos para sa mga kumuha ng subject na ito.

Kaninang madaling araw, habang ako ay ganado sa pag-aaral, ako ay napahiga saglit para mag-stretch (para maging flexible).  Noong mga panahon na yon ay marami pang mga topics akong dapat aralin, at may 3 oras pa, na sapat na rin para ma-review ang mga past lessons.  Pero may nangyaring hindi kanais-nais:  Nakatulog ako - buka ang bibig, tulo ang laway, nasa dibdib ang mga kamay na parang na-tombstone piledriver ni Undertaker - sa loob ng 2 oras at 30 minuto.  At dahil ako ay magaling (?), pagkagising ko ng 5:30am ay natulog lang ulit ako.

In short, napakagaling (?) ko sa exams namin kanina (midterm exam at unit exam) sa OB, o tinatawag ding Maternal and Child Health Nursing.

Pero dahil tapos na, wala nang use ang magsisi at manghinayang.  Kailangang mag-move on, harapin nang buong tapang ang kinabukasan.  Kung pasa, pasa.  Kung bagsak, bagsak.

Kanina nga pala ay marami (na naman) na mga dishonest...  Ayokong mapasama sa kanila kaya habang may mga nagbubulungan at nagtatanungan sa likod, tinatakpan ko na lang tenga ko...  At nung pinasa ko na ang papel ko, nag-observe ako sa paligid, at lantaran ang tanungan.  Major subject pa man din.

Lord, please help them realize what they are doing...

****

OB, bilang isang topic/concept na wala man lang akong kahit kaunting interes, ay napakahirap.  Ang pagiging intimidating ng isa naming professor ay naka-lala sa hindi ko pag-APPRECIATE ng OB (mabuti para doon sa tumanggap sa hamon niya at ginawang driving force yun para mag-aral nang mabuti).

Nagpapasalamat ako sa mga professors ko sa OB dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para kami ay matuto.  They sort of pushed us to our limits, and even though I wasn't able to do very well in that subject, I learned that things which seem impossible become possible, if there is hard work, exercise, and dedication.  Now if I can do it, I know all of you can do it so drugs - out, hard work - in.  (Ano daw?)

****

"ULAN" by Cueshe
(isang analisis)

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawa

Hindi naman ako tanga
Alam ko nang wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
Di na kita kapiling
Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero huwag kang mag-alala
Di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayo'y
May kapiling ka nang iba
Tanging hiling ko sa'yo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang
May nagmamahal sa'yo - ako
Lalalalalala
Lalalalalala
Lalalalala


Ang awiting ito ng Cueshe ay nags-suggest ng pagiging martir ng isang umiibig para sa kanyang dating (presumably) kasintahan.  Let's dig deeper...

"Lagi na lang umuulan..." - Panahon ng tag-ulan o may bagyo siguro ito na-compose.

"Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap na limutin ka ay di pa rin magawa" - Ang mga bagay na mahalaga para sayo ay hindi na mabubura sa alaala, maliban na lang pag nagkaroon ng malalang kaso ng amnesia, kaya kahit anong pilit mong makalimot, hindi mo magagawa.  At pag gusto mong limutin ang isang bagay, hindi ba parang lalo mo lang nire-recall?  Kung hindi mo makalimutan, wag na.  In short, "Kung ayaw, wag pilitin."

"Iniwan mo akong nag-iisa sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan" - Ang gobyerno talaga natin...  Saan ba napupunta ang mga pondo para sa bayan at madilim sa mga lansangan?!  Mag-provide naman kayo ng mga ilaw sa daan!

"Alam ko namang ngayo'y may kapiling ka nang iba" - Bad.  Ano yun, iniwan yung isa para mapalitan?!

"Tanging hiling ko sayo na tuwing umuulan... Maalala mo sanang may nagmamahal sayo... Ako..." - Nakakaawa ang iniwan.  Kaya ako, ang hiling ko, sana laging maaraw at walang ulan, para hindi na maalala nung iniwan ang masaklap na karanasan niya na siya'y iniwan... at dahil little children want to play.




Sunday, August 28, 2005
ABC

Lately ay may mga nagsesend sa akin ng mga text messages na nagsasabing "...pero nung napadaan ka....  Amoy baby cologne!  Big time!"

Hindi ko malaman kung seryoso ba sila o hindi...

Kasi...  baby cologne ang ginagamit ko ngayon e.  Wahahahaha...

****

Community Health Nursing.  Natapos na officially ang rotation namin sa community (Panapaan, Bacoor) noong Friday.  At ito ay tinapos sa pamamagitan ng isang pamatay na evaluation exam na lampas 2 oras ang kailangan para matapos.

Ito yung ilan sa mga types ng test ng aming CI:

<not in specific order>

I. CONVERSION (kilogram to pounds, fahrenheit to celsius, glass to mL, etc.) = approx. 10 pts
II. IDENTIFICATION (merong word box, pipili ka ng sagot) = approx. 15 pts.
III. COMPREHENSIVE FAMILY HEALTH HISTORY (narrative form) = 10 pts.
IV. MATCHING TYPE (matching type nga ba tawag dun?) = approx. 10 pts.
V.  MATCHING TYPE II = approx. 5-10 pts.
VI.  ACRONYMS/ABBREVIATIONS = approx. 20-30 pts.
VII.  HEALTH PERSONNEL (pati utility man dapat kilala mo) = 10 pts.
VIII.  SUPPLY THE NORMAL VALUES = approx. 10 pts.
IX.  ENUMERATION (signs and symptoms) = approx. 20 pts.
X.  DRUGS (brand name, generic name, classification) = many pts.
XI.  DRUG COMPUTATIONS (eto yung pinakamadali) = many many pts.
XII.  NURSE'S PRAYER = 5 pts.
XIII.  WHAT IS MY FULL NAME? = 5 pts.




Thursday, August 25, 2005
....

Nakaka-frustrate din pala ang mag-banda, ano?




Wednesday, August 17, 2005
War

May giyerang nagaganap sa classroom.  At ano ang dahilan at purpose ng giyerang ito?

Aircon.

Sa isang klase na binubuo ng higit 40 na estudyante, iba't ibang personalidad at mga preferences ang nagsasama-sama sa isang kwarto.  At kasama sa mga preferences na yan ang temperatura ng classroom.

May dalawang aircon sa classroom.

May mga taong ang gusto ay malamig, kaya kanilang ilalagay sa HIGH ang setting at ang thermostat ay nasa sagad na COOL.

May mga tao rin namang gusto ay mainit, kaya nilalagay nila sa FAN at ang thermostat ay nasa sagad na WARM.

FAN.  Walang temperatura sa setting na FAN.  Hangin lang yan.  Kung ilalagay niyo din lang sa FAN ang aircon, edi sana electric fan na lang ang ginamit.

At ang masama diyan ay naka-FAN na nga ang isang aircon, papatayin pa ang isa pang aircon.  O kung mas brutal sila, naka-HIGH ang setting at nasa sagad na WARM ang isang aircon, at ganun din ang setting sa isa pang aircon.

Meron din namang gusto patay pareho ang aircon.

Kasama sa ibinabayad na fees ang aircon, tapos pinapatay ng iba.

At hindi lahat ng tao sa classroom gusto ang mainit.  Pero kung makapaglipat ng setting at temperature ng aircon ang iba, tila sila lang ang tao sa kwarto.  Hindi ba tayo pwedeng magkasundo sa LOW setting at nasa GITNA ng WARM at COOL ang thermostat?

Kaya...  WAG NIYO ILAGAY SA FAN O SA WARM ANG AIRCON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

****

Gumawa ka ng tama, at hindi ka mapapansin.

Gumawa ka ng mali, tiyak, tatatak iyon sa isip ng iba.  At lahat ng mga tamang ginawa mo, matatabunan na ng isang pagkakamali.

Ganito ba talaga ang mundo?




Tuesday, August 09, 2005
If cars could talk

If cars could talk, what could they be saying when...

Magpa-park na ako sa isang masikip na parking lot?

CAR 1:  "Hoy!  Mga kapwa ko coche!  Nandiyan na siya!  Hold on to your... kahit saan basta hold on!"

CAR 2:  "Anak naman ng...  Bakit ngayon pa to kailangang mangyari?!"

CAR 3:  "Patawarin Niyo po ako sa mga nagawa kong kasalanan...  Iligtas Niyo po ako sa kapahamakan!  Wag Niyo po siya hayaang mag-park sa tabi ko...!"

CAR 2:  "Pano yan CAR 3... e ang bakanteng space na lang e sa pagitan nating dalawa?!  Ibig sabihin nito ay... <hikbi>"

CAR 3:  "...ang isa sa atin... ay..."

CAR 2:  "...oo.  Tama..."

CAR 3:  "...hindi to maaari.  HINDI!!!!!!!!!"

CAR 2:  "Wala tayong magagawa.  Ang ating kapalaran ay nasa kamay at paa ng driver na yun..."

CAR 3:  "CAR 2... may gusto akong sabihin sayo, bago mahuli ang lahat..."

CAR 2:  "...ano yun CAR 3?"

(Palapit na ang magpa-park...)

CAR 3:  "CAR 2, gusto kong malaman mo...  Mahal kita..."

CAR 2:  "...?!?!?!"

(Dahan-dahan nang pumasok sa space sa pagitan ng CAR 2 at CAR 3 ang magpa-park...)

(At...  CRASH!!! <--- Oo alam ko hindi talaga ganyan tunog ng nabangga...  Pero pagbigyan niyo na)

CAR 2:  "Nooooooooooo!!!!"

CAR 3:  (naghihingalo)  "Tatandaan mo lagi...  Mananatili ka sa puso ko..."

--- silence ---

CAR 3: "...."  (patay na)

CAR 2:  "Nooooooooooo... (inhale)...ooooooooooo!!!!!!"
 




Monday, August 08, 2005
Preload

SETTING:  Discussion tungkol sa mga drugs na may epekto sa cardiovascular system, at kasalukuyang nire-review ang mga essentials tungkol sa cardiovascular system.

Professor:  "What is preload?"

Student:  "Yun pong pag bumili ng bagong SIM card, yung P50 po ang preload."




Next Page
 



Ano, hindi ka mag-iiwan ng message?!




   





 




 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed