|
Thursday, September 20, 2007
Reklamo ulit bago lumayas
Pumunta ako sa dentista noong isang linggo para
magpa-cleaning at ipaayos ang natipak kong ngipin. Bago ako pumunta sa
nasabing dentista ay wala naman akong nararamdamang tootache (tu-tash)
o sa wikang Tagalog ay pananakit ng ngipin. *hahaha*
Nilinis ang
aking mga ngipin. Natanggal yung p*tang inang brown na stain sa
dalawang ngipin ko sa harap. At ang gold kong ngipin, dilaw na lang
ngayon. *aaaaaaaaaamp*
Maayos na rin tingnan yung natipak kong
ngipin. Mukhang buo na ulit. Kaso nangingilo na ako ngayon sa ngipin na
yun. Akala ko ay mawawala rin ito sa pagdaan ng araw, kaso hanggang
ngayon ay sobrang sakit pa rin kapag halimbawang nagmumumog ako o kaya
ay kumakain ng mga matatamis tulad ng bagong Bavarian donuts ng Mister
Donut. Wala naman ang pangingilo at pananakit na iyon dati.
Parang pinagsisisihan ko tuloy ang pagbisita ko sa dentista.
Posted at 9/20/2007 12:24:16 am
| Permanent link (Permalink)
Wednesday, September 19, 2007
Sa Professional Regulations Commission mo makikita ang ilan sa mga pinaka-unprofessional na mga nilalang. ****
Pumila ako para makuha ang breakdown ng result ng board exam ko. Alas-onse ng umaga (11:00am) ako pumila. At anong oras ako natapos? ALAS KWATRO (4:00PM)!!! Higit isang oras diyan ay dahil sa lunch break. NAPAKARAMI nang nakapila, nagawa pa nilang sagarin ang lunch break nila. Ni wala man lang reliever para tuluy-tuloy ang proseso. Nakakasira ng ulo maghintay sa pila. ****
Sinisipon ako, kulang na kulang sa tulog, at nanlalata na. At hindi pa ako nakakapag-empake. Aalis na ako. Pero babalik din. XD
Posted at 9/19/2007 10:56:47 pm
| Permanent link (Permalink)
Tuesday, September 18, 2007
...I'm glad it's back!!! *yahooooooooooooooo*
Posted at 9/18/2007 2:29:34 pm
| Permanent link (Permalink)
Monday, September 17, 2007
Mortal Kombat: Sub-Zero vs. Liu Kang vs. THE UNDERTAKER! (photo)
Posted at 9/17/2007 5:09:26 pm
| Permanent link (Permalink)
Anjokjok, anjokjok, anjok anjok anjokjok
*forwarded lang to sa akin Sabi ng TOURISM sa NURSING: "Field trip niyo, bar tour lang namin!"Sabi ng ENGINEERING sa NURSING: "Computations niyo, sisiw lang sa amin!"Sabi ng BUSINESS ADMINISTRATION sa NURSING: "Explanation niyo, parang sales talk lang namin!"Sabi ng ARTS AND SCIENCES sa NURSING: "Thesis niyo, on the spot writing lang namin!"Sabi ng NURSING sa LAHAT: "Susuwelduhin niyo, pang-candy lang namin!"****
Hoy,
forwarded joke lang yan. Wag kayong magalit sa akin. Kung gusto niyo
mag-ekspres (express) ng inyong mga saloobin, pakitext na lang to: "50
<space> <4-character PIN>" tapos pakisend sa 0927*******
Posted at 9/17/2007 4:25:09 pm
| Permanent link (Permalink)
Bangungot habang gising (?)
Kung iniisip mong si ____ _____ yan, pwede rin. Pero hindi siya ang tinutukoy ko. *evil laugh* Pumunta akong Robinsons Galleria para manood ng gig ni Sitti. Kasama ko doon si Danrianne (nerd) dahil niyaya ko siyang manood rin ng gig. Dahil kamakailan lang ay nagdiwang siya ng kaarawan ay nilibre niya ako (di ko pinilit... sadya lang siyang mabait haha) sa [pangalan ng kainan]. Masarap yung Salisbury steak at yung German chocolate na pinaubos niya sa akin (dahil mahirap ubusin talaga, kahit ako e nahirapan din). *salamat ulit Danrianne (nerd)!* XD Pero ano ba ang bangungot na tinutukoy ko? Marami yun. 1. Habang papunta ako sa Galleria (at nasa EDSA ako), NAGKAMALI ako ng daan. Dahil hindi naman talaga ako gumigilid sa EDSA dahil pang-bus at jeep ang rightmost lane na yun, NALAMPASAN ko ang daan papuntang Ortigas Avenue. Napa- "Oh sh*t!" na lang ako. Oo, yun talaga. Para sosyal kunwari. 2. Habang naghahanap ng U-turn slot ay nakita ko ang southbound lane ng EDSA -- MA-TRAFFIC!!! 3. Umabot pa ako ng lampas Cubao bago nakapag-U turn. Doon malapit sa Kamuning na ako nakapag-U turn. Hindi ko alam kung bakit umabot ako hanggang doon, dahil dati naman ay nakapag-U turn agad ako pagkalampas ng Ortigas Avenue. Bakit ganun??? 4. Traffic sa southbound lane ng EDSA. Sobra. Pero gumagalaw naman, sobrang bagal nga lang. 5. Ang hirap mag-park sa Galleria kanina, dahil Linggo at maraming pumupunta sa mga mall. Noong nakahanap ako ng slot, muntik na palang sumabit yung likod ng kotse sa isang pillar, dahil ang iniintindi ko lang e ang hindi mabangga ang katabing sasakyan. Pero wala namang nangyari. 6. Noong pauwi na ako ay NAKALIMUTAN KO KUNG SAAN AKO NAG-PARK. Inabot ako ng 15 minuto bago nahanap ang kotse. *tanga e* 7. Sa EDSA ako lumabas galing Galleria. Engk, maling desisyon. Muntik na naman akong bumalik ng Kamuning. Pero nag-U turn ako sa isang slot na hindi ko alam kung U-turn slot talaga. 8. SOBRANG TRAFFIC pagkalampas ng toll gate ng Coastal Road. Noong malampasan ang isang portion ng daan na may sasakyang hihilahin ng tow truck, p*ta, TRAFFIC PA RIN!!! 9. 7:00pm ako umalis ng Galleria, at anong oras ako nakauwi? Mga 9:45pm!!! P*TANG INA!!! E kaya naman yun ng isang oras! At p*tang ina, LINGGO KANINA!!! LINGGO!!! PERO MA-TRAFFIC!!! PARANG RUSH HOUR LANG NG BIYERNES, YUN NGA LANG MAS MALALA!!! 10. Ang dahilan pala ng traffic: MAY MGA TRAFFIC ENFORCERS!!! GINAGAMIT NA NAMAN ANG "BUHOS SYSTEM" -- SA LINGGO NG GABI!!! LINGGO!!! LINGGO!!!Pagkalampas ko sa mga traffic enforcers ay TULUY-TULOY NA ANG PAGMAMANEHO KO, WALA NANG BUILD-UP NG MGA SASAKYAN. P*TANG INA ANO YUN?!?!?! Napaka-bobo e. ****
Addendum: Ipapa-Bitag ko na tong mga to e para masibak na sa trabaho!
Posted at 9/17/2007 1:34:44 am
| Permanent link (Permalink)
Saturday, September 15, 2007
"Hold niyo lang nang matagal!"
Hulaan niyo kung ano yan. ************************************ ************************************ ************************************ ************************************ ************************************ Yan ay yung sinasabi ng mga may-ari ng camera na magpapakuha sa ibang tao na hindi alam kung paano paganahin ang camerang ipangkukuha. ****
Ganyan din ang sinasabi ko minsan pag ibang tao ang kukuha sa akin gamit ang camera ko. Pero ang gusto ko sanang sabihin talaga ay: "Hold mo to [shutter button] hanggang kalahati lang, wag mo diinan agad. Tapos tingnan mo yung focusing frame. Pag naging green, ibig sabihin nasa focus na. Pag dilaw, bitawan mo yung shutter button at pindutin mo ulit nang kalahati lang hanggang maging green. Pag naging green na, diinan mo na."
Posted at 9/15/2007 11:39:41 pm
| Permanent link (Permalink)
Kanina ay kakain na dapat ako ng hapunan. Kumukuha ako ng kanin sa rice kuker (cooker), dahil nga kakain ako. *hahaha* Sa
may gawing kanan ng rice kuker ay nagluluto ang katulong namin ng isang
hindi ko alam kung ano, pero pumuputok nang malakas ang mantika, kaya
tinakpan ito. Pero habang kumukuha ako ng kanin, tinanggal ng katulong
ang takip upang tingnan ang niluluto. Ibabalik ko na sana ang
kober (cover) ng rice kuker nang nakaramdam ako ng sakit. Alam kong
natatalsikan na ako ng mantika. Hawak ko pa rin ang kober ng rice
cooker at ipapatong na lang, nang nakaramdam ako ng mas masakit na...
pananakit. Sa sobrang sakit ay nabitawan ko ang kober, na hindi ko na
tinangkang saluhin dahil baka mainit din, lalo lang akong mapapaso.
Pinanood ko na lang bumagsak. At ingay ang resulta. Natalsikan
ako ng mantika sa braso. Na-mantsahan din ng dilaw ang bago kong Grecco
t-shirt na nabili ko sa SM Department Store sa halagang P119.75 lang
talaga dapat pero naging P139.75. At ngayon ay may mga blister ang
kanang braso ko. Maliliit lang, pero masakit. ****
May katangahan ako dati. Sa kotse namin dati na Honda Civic, pinakialaman ko ang pansindi ng sigarilyo doon. Akala ko ay hindi mainit, kaya hinipo ko. Dantanga e. Bagong
bili pa man din ang PlayStation™ 2 ko noon, kaya hindi agad ako
nakapaglaro nang ayos pagkauwi dahil sa sumasakit ang daliri ko dahil
napaso / nasunog ang dulo nito. Nangamoy sunog pa nga sa kotse
pagkahipo ko e. ****
Noong
isang linggo lang ay may reunion kami ng mga kaklase ko noong
elementary. At dahil ang ibang mga tao ay nakakapulot ng mga bisyo (?)
habang tumatagal, ang iba sa kanila ay natutong mag-sigarilyo. [Hindi
ako kasama sa mga ganun, dahil wala akong bisyo XD] Noong katabi
ko ang isa kong kaklase dati na nagsisigarilyo, natamaan ng kamay ko
ang dulo ng sigarilyo niyang may sindi. Medyo nasunog ang balat ko. At
ngayon ay may marka na, katulad ng mga markang nakuha ko sa mantikang
tumalsik sa akin kanina lang.
Posted at 9/15/2007 11:07:35 pm
| Permanent link (Permalink)
Friday, September 14, 2007
Kahit parang baduy, parang gusto kong panoorin si Kim Chiu sa kanyang mall tour. Gusto ko kasi siyang makita sa personal, at gusto kong magkaroon ng magandang picture ni Kim Chiu na masasabi kong "Kuha ko to!".
Kaso... may problema. May mga problema. Mga komplik (conflict) sa iskedyul. At ambigat ng loob ko ngayon, dahil isang malaking kawalan para sa akin (?) pag hindi ko siya napanood.
Pero kung manonood man ako, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa dami ng tao na manonood. Balita ko ay kasama si Gerald Anderson sa mall tour ni Kim Chiu, kaya lalong dadami ang tao.
Hindi na ako sanay sa ganitong setup. Kung dati ay sanay akong makipagsiksikan at makipag-tulakan sa mall tours ng Sexbomb Girls, ngayon ay hindi ko na alam. Meron akong mga dawts (doubts... aaaaaaamp).
Kim Chiu....!!!!!!
Posted at 9/14/2007 9:58:01 pm
| Permanent link (Permalink)
Thursday, September 13, 2007
Tumugtog sa winamp ang "My Sacrifice" ng Creed. Sikat ang kantang ito
noong 2001-2002, noong panahong ako ay nasa 3rd year high school.
Dahil
sa mga kanta at mga tugtugin, madali kong naaalala ang mga... uh,
alaala. Wala naman akong camera dati (takot akong humawak ng camera
noong kabataan ko hahaha) para magkaroon ng mga concrete evidence o
proof ng mga pangyayari dati.
Pero dahil sa kantang nabanggit sa
itaas, naalala ko ang isang masaklap na pangyayari sa akin noong nasa
3rd year high school ako. Masaklap na pangyayari na dala ng katangahan,
kapabayaan, kamalasan, at karma na rin siguro.
January 2002.
Halos kakatapos lang ng Christmas vacation noong 3rd year high school.
January din ang foundation week ng Rogationist College na nasa Silang,
Cavite -- malapit na sa Tagaytay.
Sa mga panahong ito ay
naisakatuparan ang isang matagal ko nang hiling -- ang isang mountain
bike. Naaalala ko pa ang layo ng nirating ko noong nakabili na ng
bisikleta. Tuwang-tuwa ako.
Matapos ang ilang linggo, pagkauwi
ko galing sa isang practice session ng mandatory / compulsory cheering
competition, nalaman ko na lang na wala na ang aking bike. Ninakaw
noong madaling araw. Hindi napansin na nawala na pala. Nanghinayang ako
bigla. Nanghina. Nainis.
Nagawang buksan ang padlock ng gate
namin. Matagal na sigurong pinagpa-planuhan na nakawin ang bike na yun,
na noong panahong iyon ay sa labas ng bahay namin nakalagay, at isang
walang kwentang lock / kadena (?) lang ang proteksyon.
Paalam bisikleta.
Pero hindi dun nagtapos ang lahat.
Kinabukasan,
habang apektado pa sa pagkawala ng bisikleta ko ay may event pala sa
school na parang isang pageant ganun ganun. Gabi gaganapin ang nasabing
event. Noong nagpaalam ako sa aking inay ay ayaw niya akong payagan. At
may dahilan kung bakit ayaw niyang pumayag.
Pero naging mapilit ako. Napilitan siyang pumayag na pumunta ako mag-isa, kahit gabi na.
Late
na natapos ang event. Mga lampas alas-dose ng hatinggabi na natapos. At
wala akong masakyan pauwi, dahil wala naman akong masabayan. Commute
lang ako.
Mga ala-una ng madaling araw -- habang matagal na
naghihintay mag-isa sa tapat mismo ng school namin, dahil sa
katangahan, ay nilabas ko ang aking Nokia 3210 (na medyo mahal pa noong
panahong yun) at tumawag. Tanga. Bakit ako tumawag sa lugar na yun.
Madilim dun. Wala masyadong tao, bukod sa ilang mga mama na nakatambay
sa malapit na waiting shed na tila minamanmanan ako, na dahil sa
katangahan ko ulit ay hindi ko pinansin.
Naramdaman kong
mananakawan ako. Naisipan ko pa ngang itago sa sapatos ko ang SIM card
ko. Pero dahil sa katangahan, nilabas ko pa rin ang cellphone ko. At
tumawag pa.
At may biglang humablot ng phone ko. Hindi ko
binitawan ang phone kahit na hinihila na sa akin. Nakipag-agawan ako.
Sinuntok ako sa mukha, pero hindi ko pa rin pinapakawalan ang phone ko.
May
dumating na isa pa, nakihablot at sinuntok din ako sa mukha. Dumulas sa
kamay ko ang phone ko, at tumakbo na sila palayo. Hahabulin ko pa sana
kaso napakabilis nilang tumakbo.
Dumudugo ang ilong ko at may sugat ako sa may kanang pisngi. Mukhang may singsing yung sumuntok sa akin sa mukha.
Hindi
ko naramdaman yung sakit ng pagsuntok sa akin, dahil ang gusto ko lang
talaga mangyari ay ang hindi nila makuha ang phone ko, kaso nakuha rin
nila.
Hindi ko naisip noong panahong iyon na ibigay na lang sa
kanila ang phone ko. Hindi ko naisip na baka may patalim o baril sila.
Hindi ko naisip na pwede akong mamatay kung lalaban pa ako. Ang lumaban
ang naging unang reaksyon ko.
Danggago e.
Posted at 9/13/2007 5:08:13 pm
| Permanent link (Permalink)
|
|
|